Pangdalawampu't siyam na sa mundo si Alex Eala

PANGDALAWAMPU'T SIYAM NA SA MUNDO SI ALEX EALA
‎taasnoong pagpupugay sa iyo
at abotkamay na ang pangarap mo
‎unti-unti, huwag agad itodo
‎ikaw ri'y magiging numero uno
‎karangalan ay iyong hinahakot
‎sa larangan ng tennis ay naabot
‎ang tagumpay, di gaya ng kurakot
‎sa bansâ, trapong walanghiya't buktot
‎sa bawat laban, tila iyong pasan
‎sa balikat ang ating buong bayan
‎nakaukit na ang iyong pangalan
‎sa aklat nitong ating kasaysayan
O, Alex, kayhusay mo at kaytalas
‎pangdalawampu't siyam na ang antas
‎sa pandaigdigang tennis, kaylakas
‎ng palo at karismang pinamalas
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.18.2026
‎* ulat mulâ sa pahayagang Bulgar at Remate, Marso 17, 2026

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mutual aid, di limos, ang community pantry

Kaunting tulong para sa kalikasan

Lansangan