Daksipat pala'y teleskopyo
DAKSIPAT PALA'Y TELESKOPYO
mayroon palang wikang Filipino
sa largabista o sa teleskopyo
subalit wala pa sa diksyonaryo
nang ito'y talagang saliksikin ko
kung ang matematika ay sipnayan
at ang aritmetika ay bilnuran
kaybuting daksipat ay natutunan
doon pa sa krosword na sinagutan
marahil galing ito sa Cebuano
dakô o malaki'y makikita mo
sa sipat o sinilip mong totoo
dakô at sipat, daksipat na ito
kuro-kuro ko'y dapat matiyak pa
salita'y saan nagmulâ talaga
hinanap ko ang etimolohiya
daksipat ay nasa Wikipedia na
pasya ko'y gamitin na ang daksipat
sa pagtulâ at kwentong isusulat
wikang sarili'y payabunging tapat
sa salitang ito, daghang salamat!
- gregoriovbituinjr.
03.01.2026
* mula sa palaisipan sa pahayagang Pang-Masa, Pebrero 24, 2026, p.7

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento