Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2026

Sa unang death anniversary ni misis

Imahe
‎SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS ‎ ‎depresyon ang dumapo ‎di batid ang gagawin ‎tila nais sumuko ‎ng diwa ko't damdamin ‎ ‎biglâ ang pagkawalâ ‎ng diwatà kong sinta ‎laging natutulalâ ‎sigla ko'y nawalâ na ‎ ‎hanggang ngayon ay yanig ‎ang buong pagkatao ‎dama ko'y pagkalupig ‎at nawasak na mundo ‎ ‎bagamat pinipilit ‎pa ring maging matatag ‎palad man ay kaylupit ‎at laging nangangarag ‎ ‎mga tula't kwento man ‎ay pawang nagsitigil ‎sa dulo ng lansangan ‎ako rin ay hihimpil ‎ ‎sa baha't alimuom ‎sa mundo ng siphayò ‎kailan maghihilom ‎yaring duguang pusò ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎06.11.2026