Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2026

Sa ika-16 na death monthsary ni misis

Imahe
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS ‎ Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba tula'y pangungumpisal. Batid mo ang plano kong gagawin Sa kasalukuya'y dapat tupdin. Isang nobela't aklat ng tulâ Ang alay ko sa iyo't sa madlâ. Bagamat mag-isa sa pangarap, Maaalpasan anumang hirap. Naririyan kang diwatang gabay Na sa bawat araw ko'y kasabay Tutupdin ko ang sa'yo'y pangako. Tiyaking ito'y di mapapako. ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎10.11.2026

Tula sa sipnayan: Si Archimedes, ang sipnayanon

Imahe
Tula sa sipnayan SI ARCHIMEDES, ANG SIPNAYANON "Bunying Archimedes, / tuklasin mo kaya,  Kung korona'y gintong / lantay, purong gawa..." Nag-utos ay hari, / "... o huwad bang sadya? At si Archimedes, / animo'y nabigla. Habang nag-iisip, / sa banyo nagtungo. Kaybanas, naghubad / siya't maliligo. Lulutasin iyon, / siya'y di susuko Upang di mawala / ang respeto't luho. Sa may paliguan, / naglublob, nagbanlaw; Umapaw ang tubig, / dama ang paggalaw! Aba'y bigla na lang / solusyo'y lumitaw, Ang kanyang nasuri / sa diwa’y natanaw. Sigaw ay "Eureka!" / (Natuklasan ko na!) Sa labis na tuwa'y / tumakbo sa kalsada; Kahit hubo't hubad / ay walang paki na, Dahil nalutas din / ang kanyang problema. Ang natapong tubig / doon sa batalan Ay katumbas niyong / lubog ng katawan Bigat ng korona / nang sinukat naman Ay di purong ginto, / kanyang natuklasan. Ay, si Archimedes / ay di rin kinapos. Talagang kaygaling, / henyo siyang lubos. Si Haring...

Trapo at basahan

Imahe
TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang aasahan natin sa dinastiyang pulitikal kundi tayo'y muling utuin upang kumita ang kapital sa trapo ang sistemang bulok habang asam nati'y hustisya tingin nila, sila ang rurok mapagsamantalang burgesya sila'y ibon sa himpapawid habang tayo'y isda sa dagat di sila kauri'y batid sa ganyan ay dapat mamulat ibagsak na ang mga trapo na turing sa masa'y basahan dapat nang nagpapakatao ang bawat isa sa lipunan - gregoriovbituinjr. 09.26.2026 * litratong kuha ng makatang gala

Anagram ang pen name

Imahe
ANAGRAM ANG PEN NAME ‎ ‎ang dalawang / may-akda kong / napipisil ‎ay may mga / ngalang gamit / na pampluma ‎si Marcelo / H. Del Pilar / ay Plaridel ‎si Virgilio / H. Almario'y / Rio Alma ‎ ‎ngunit tingnan / saan pen name / nila'y mulâ ‎letra niyong / apelyido'y / pinagrambol ‎paano ba / naisipan / ang ginawà ‎upang gayong / ngalan nila / ang ihatol ‎ ‎sinong sikat / pang may-akda / yaong ganyan ‎wala yata, / ngunit aking / igigiit ‎si W. / B. Yeats: Best Way / ang anagram ‎T. S. Eliot / nama'y Toilets, / anong sakit ‎ ‎- gregoriovbituinjr. 09.18.2026 * mga litrato mula sa google

Bahâ

Imahe
BAHA ‎ ‎Magkaka-lestospirosis / pag sa akin ay lumusong ‎Ang babae man o batang / di na kayâ pang umurong. ‎Pataas na ng pataas / ang tubig na bumabalong. ‎Mapapaluha na lang ba / pagkat walang tumutulong? ‎ ‎Halos libo-libo na raw / ang nagka-dengue't kolera. ‎Kahit na mga lamesa / ay nagkakaalipunga. ‎Kung sa akin ay matagal / na mabababad ang paa, ‎Ay tiyak magkakasakit / kahit mayaman mang masa. ‎ ‎Kayrami na ang pinaslang / nina Yolanda at Bising; Nawalan na ng tahanan, / may nalunod pa't nalibing. ‎Gayunman, mag-ingat kayo / pag lumusong na sa akin. ‎Baka may bukás na manhole, / at ang anak mo'y lunurin. ‎ ‎Kargahin ang inyong anak / at magbota pag lalabas. ‎Tumangan sa mga bakod / at baka kayo madulas. ‎Ngunit tandaan n'yo lamang, / di ako ang tamang landas. ‎Manatili muna kayo / sa lugar na matataas. ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎09.12.2026 * litrato mula sa google

Sa ika-15 death monthsary ni misis

Imahe
SA IKA-15 DEATH MONTHSARY NI MISIS ‎ ‎hanggang ngayon ay nami-miss pa rin kita ‎ikaw na tinatangi ko't sinisinta ‎larawan mo'y sa loob ko nakapinta ‎nagugunita ka saanman magpunta ‎ ‎tila ako'y ginagabayan mong lagi ‎at kaalaman mo'y ibinabahagi ‎sa kapwa, upang sila'y di maduhagi ‎na sariling dangal yaong nasasagi ‎ ‎O, Liberty, bituin ka niring pusò ‎na sana sa lumbay ako pa'y mahangò ‎pagkatha'y pinagbubuti ko pang lalò ‎upang gawin ang nobela ng pagsuyò ‎ ‎magpahinga ka na, aking ginigiliw ‎pag-ibig ko sa iyo'y di magmamaliw ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎09.11.2026

Paglalakad

Imahe
PAGLALAKAD ‎ madalas maglakad ang abang makata upang saliksikin ang mata ng sigwa tanong ay bakit ba laging binabaha di ang mayayaman, kundi api't dukha ‎madalas ngang lakad upang makatipid ‎sa traysikel, trenta pesos kada hatid ‎dalawang kanin na, di na iyon lingid ‎maglakad at laksang paksa pa'y nabatid ‎ ‎kaypayak ng búhay ng tulad kong tibak ‎magtitipid kahit gumapang sa lusak ‎magtipid ay batas lalo't walang limpak ‎maglakad na'y walang katapusang galak ‎ sakali mang baha, mag-ingat sa lepto habang ang tiwali'y tuligsaing todo mga ghost flood control nilang pinroyekto at kinurakot pa, managot na kayo! ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎09.10.2026

Sa MIBF 2026

Imahe
‎SA MIBF 2026 ‎ ‎pamilya ko na'y ang mga aklat ‎ito na yata ako magbuhat ‎nang si misis ay mawala't sukat ‎oo, wala na ang lahat-lahat ‎ ‎sandigan na'y pawang mga libro ‎at katabi pa sa pagtulog ko ‎payapang diwà, ayaw sa gulo ‎maliban kung rebolusyon ito ‎ ‎sa bawat libro'y huwag magtaka ‎kung paborito'y matematika, ‎kasaysayan, lipunan, pisika ‎isyu ng obrero't magsasaka ‎ ‎O, aklat ng mga talinghagà ‎dama kong tunay kang mahiwagà ‎sa aking diwà pa'y maalagà ‎sa pagbasa'y tiyak may nilagà ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎09.10.2026 ‎ ‎* MIBF - Manila International Book Festival

Nasungabâ

Imahe
NASUNGABÂ ‎ Galing akong tuklong nang biglang nadapâ. Sa bilis ng lakad, ako’y nasungabâ. ‎Nag-iisip kasi nang nakatingalâ. ‎Nguso'y nagkasugat, nasa lupa'y mukhâ. ‎ Buksan ang tibuyô ang nasa isipan Tinawid pa'y tudling doon sa tubigan. ‎Maging maingat ka'y kabilin-bilinan ‎nang di masungabâ sa dinaraanan. ‎Tingnan din ang saknong upang di matisod ‎sa usli't taludtod, magasgas ang tuhod. Tiyaking umagwat kung mayroong bakod. Baká sa tubigan, gamit mo'y maanod. ‎ Ingat lagi’t huwag magbakasakali. Baká masugata'y ilong, noo't labi. ‎Kung masungaba ka’y baka pa mabungi. Bilin ko sa iyo'y mag-ingat kang lagi. - gregoriovbituinjr. 09.10.2026 * tuklong - Tagalog sa Kastilang kapilya * tibuyô - Tagalog sa Kastilang alkansya * tudling - lupang dinaanan ng araro * tubigan - bukid (malumay ang bigkas) * saknong - bahagi ng tubigan * taludtod - hanay ng pananim

‎O, mga makata

Imahe
‎O, MGA MAKATA ‎ ‎O, mga makata, ako'y nagpupugay ‎sa inyo't sa tula ninyong kayhuhusay! ‎Katha'y tila bigas na mula sa palay, ‎na kung isasaing, kaysarap na tunay! Kapara ng kanin, tula'y iniin-in upang di magtutong ang niluto natin. Minsan hihigop pa ng am sa sinaing. Nalaglag na mumo, minsa'y pupulutin. Ating mga tula'y parang pansit luglog na sa mambabasa sana'y makabusog. Sakaling masaktan o kaya'y mauntog, paumanhin, sana bunga'y mapipintog. ‎Bilang manunula, sabi kong malimit: ‎ang salitang "pero'y" di ko ginagamit pagkat may "datapwat", " ngunit" at "subalit" . Sa sariling wika tayo mangunyapit! ‎Sa tula ko'y walang Superman o Darna ‎kundi sambayanan, walang isang bida! ‎Kolektibong kilos, bayani ang masa! ‎Nagtagumpay pagkat sila'y sama-sama! Kaya, O, makata, padayon! Padayon! Angkin nating diwa ay di makakahon! Diwa'y naglalakbay at naglilimayon sa mundo kung saan tayo paroroon! ‎ ‎- g...

Batas sa ating bansa

Imahe
BATAS SA ATING BANSA ginagawa / ng agila'y / batas para / sa tilapya lawin nama'y / nagsabatas / ng pambiya't / labahita batas niyong / uwak, para / sa kanduli't / hasa-hasa  nililikha / ng kuwago'y / batas para / sa pugita bakit gayon / ang nangyari / ay di naman / magkauri kapara rin / ng Kongresong / dinastiya / yaong hari pawang batas / ay patungkol / sa pribadong / pag-aari silang tingin / sa obrero't / maralita / ay kadiri ang serbisyo / ay nagosyo / nitong ibong / malalakas kaya anong / aasahan / nitong isda / kundi dahas mga isda / yaong dapat / na gumawa / nitong batas nang tiyaking / batas para / sa isda'y di / butas-butas pag di tayo / namumulat, / dinastiyang / pulitikal ang sa masa't / dukha'y lagi / nang sisiil / at sasakal - gregoriovbituinjr. 09.08.2026

Depinisyon nila ng progreso

Imahe
DEPINISYON NILA NG PROGRESO sinira ang kalikasan minina ang kabundukan kinalbo ang kagubatan para raw sa kaunlaran trato sa puno ay troso kaya gubat na'y kinalbo una'y negosyo, di tao iyan umano'y progreso nilagyan ng paliparan iyan daw ang kaunlaran ang nangyari'y palubugan lubog sa baha ang bayan ano nga ba ang progreso kung di kasama ang tao kung serbisyo na'y negosyo kung sinira na ang mundo - gregoriovbituinjr. 09.05.2026

Munting dalit sa PLM

Imahe
MUNTING DALIT SA PLM ‎O, kabataan at masa ‎magkaisa, makibaka ‎mag-organisa, magpasya ‎‎maging mga sosyalista ‎tara nang magsama-sama ‎Partido Lakas ng Masa ‎tayo ang alternatiba ‎baguhin na ang sistema - gregoriovbituinjr. 09.05.2026 ‎ ‎* binigkas kong munting dalit sa forum ng PLM, 09.05.2026 * ang dalit ay uri ng katutubong tulang may walong pantig bawat taludtod ‎‎* nagpasya na rin akong magbahagi ng kaunting kaalaman sa sining ng pagtula sa mga maralita, manggagawa, at kanilang mga anak dito sa kalunsuran

Nag-iisang tulâ

Imahe
pinasa sa Liwayway magazine ‎ang iisang tulang nakatha rin ‎‎sana tula'y ilathala nila kung pasok ‎sa kanilang panlasa ‎bagamat ako'y isa lang dukhâ sana'y di ibasura ang tulâ ‎ ‎sampung pantig bawat taludtod,  ‎may sesurang 5/5 ‎ ‎ NAG-IISANG TULA ‎ ‎ako'y tiyak na mapapaluha, ‎o lulundag nang dahil sa tuwa ‎pag sa Liwayway nabasang sadya ‎at nalathala ang tulang katha ‎ ‎nagpasa noong talubata pa ‎noong kaysipag ko pa talaga ‎sulat ng sulat, pasa ng pasa ‎binalewala, walang halaga ‎ ‎ngayon, pinasang tula'y isa lang ‎ng abang dukhang di na malaman ‎kung saan yaring patutunguhan: ‎kinabukasan o kamatayan? ‎ ‎nang mawalâ ang sintang maybahay ‎pagkat sa sakit ay naparatay ‎nawalan na ring gana sa buhay ‎takipsilim na't walang liwayway ‎ ‎ikatutuwa tiyak ni misis ‎pag sa Liwayway ay nagkahugis ‎ang tulang sana ngayo'y di mintis ‎kinatha hanggang dugo'y tumigis ‎ ‎ngunit wala na, wala na siya ‎nang sa Liwayway, kanyang mabasa ‎ang iisa kong tulang pinasa...

Bili na po kayo ng aking libreto

Imahe
‎BILI NA PO KAYO NG AKING LIBRETO ‎ ‎Nabubuhay ako bilang manunulat. ‎Bili na po kayo ng munti kong aklat. ‎Bagamat mura lang, paksa'y mabibigat, ngunit kung basahin, sa lupà ay lapat. ‎ ‎Pag nasalubong mo ako sa lansangan ‎kalabitin ako't sabihang pagbilhan ‎ng anumang dalang libreto saanman, ‎o aking ilatag sa dinadaluhan. ‎ ‎Pag nakabili ka ng munti kong libro ‎ay isang araw pang mabubuhay ako. ‎Maraming salamat sa suporta ninyo ‎sa aklat ng abang lingkod na totoo. ‎ ‎Bisyo ko'y magsulat, kumatha, tumulâ ‎ng maraming paksang nagmula sa madlâ. ‎Araw-araw, gabi-gabi mang tulalâ  ‎gagawin ang lahat upang makaakdâ. ‎ ‎Tulâ, kwento, dagli, pabula't sanaysay ‎pinagsisikapan at pinaghuhusay. ‎Taos pasalamat ang tangi kong alay ‎sa sumusuporta. Mabuhay! Mabuhay! ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎09.04.2026

Ako man ay makatang wala sa akademya

Imahe
AKO MAN AY MAKATANG WALA SA AKADEMYA Ako'y isang makatang / wala sa akademya. Kaya nakatutuwang / kapwa ko'y makasama sa pagkatha ng tula. / Sila'y mga guro pa habang ako'y wala lang / pagkat nangangalsada. Tula'y nakahiligan / ng abang maglulupa, lalo't isyu at buhay / ng masang maralita, kababaihan, bata, / obrero, baha, sigwa, kurapsyon, at lipunan / ang madalas kong paksa. Ako'y isang makatang / tumutula sa rali. Lagi man sa kalsada, / ngunit di pahuhuli. Tula'y tulay sa api, / dukha't walang sinabi. Sa mga lumalaban, / tula'y pinagbubuti. Ayokong magmasid lang / sa mga nagaganap kundi makipamuhay / sa mga nagsasalat, sa dukha, manggagawa't / masang hirap ang lasap. Ang tulang mapagmulat / sa laban nila'y ambag. Di man akademiko't / maglulupa mang tunay, ang bawat kong pagkatha'y / aking pinaghuhusay! At sa makatang nasa / akademya, mabuhay! Taospuso po't taas-/kamaong pagpupugay! - gregoriovbituinjr. 09.04.2026

Gunitâ

Imahe
GUNITA Gaano man kasamâ ang diktadurang maton, pag nagalit ang madlâ, tiyak babagsak iyon! Isang aral sa atin laban sa paniniil. Sa kasaysayan natin, babagsak ang malupit! Taumbayan ang bida: ang masa't karaniwan, obrero't magsasaka, ay ating pagpugayan! Pag masa'y nagkabigkis diktador ma'y aalis! - gregoriovbituinjr. 09.03.2026 * litrato mula sa google

Imbes Pero ay Ngunit, Datapwat at Subalit

Imahe
‎IMBES PERO AY NGUNIT, DATAPWAT AT SUBALIT ‎ ‎Aniya: Pero nadulas siya. ‎Ikako: Ngunit nadulas siya. ‎ ‎Aniya: Pero ako'y lumaban. ‎Ikako: Ngunit ako'y lumaban. ‎ ‎Aniya: Pero nakibaka rin. ‎Ikako: Ngunit nakibaka rin. ‎ ‎Aniya pa: Pero ako ito. ‎Ikako: Subalit ako ito. Sabi niya: Pero maaari. Aniko: Datapwat maaari. ‎ ‎Imbes Pero ang aking ginamit, ay Datapwat, Ngunit at Subalit. ‎ ‎Ang Pero ay wikang Kastilaloy, subalit may katumbas sa Pinoy. ‎ ‎Kung may sarili tayong salita, ‎gamitin natin nang di mawala. ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎09.03.2026

Bahâ

Imahe
BAHÂ Sanay na nga ba tayo sa bahâ kaya wala tayong ginagawâ? Sanhi rin iyang trapong kuhilâ na dinistrungka'y kaban ng bansâ. Sa baha, huwag tayong masanay! Pagsingil ay gawin nating pakay. Alalahaning bahay at buhay ang ipinagtatanggol nating tunay! Ginawang proyekto'y paliparan ngunit ang nangyari'y palubugan. Nilubog sa baha ang lansangan pati na aming mga tahanan! Singilin natin lahat ng sangkot sa isyung flood control na'y managot! Tiyakin nating may malalagot at dito'y walang makalulusot! Mga lingkodbayang palamunin ng manggagawa'y dapat alisin! Lahat ng maysala'y panagutin at mga nagrarali ay dinggin! - gregoriovbituinjr. 09.03.2026 * litrato mula sa google

Talarô

Imahe
TALARÔ sabi ng aking kalarô mayroon silang talarô isang timbangan daw iyon noon pang unang panahon kung gayon, bukod sa salop may gamit ang nagdarahop kung paano titimbangin ang kanilang nais bilhin kahulugan din ay Libra na isang konstelasyon pa ito'y dagdag kaalamang magagamit sa kwentuhan lalo sa ating pagtulâ na pag binigkas: maragsâ - gregoriovbituinjr. 09.02.2026 * litrato mula sa Diksiyonaryong Adarna, p. 892

Sa sama-samang pagkilos

Imahe
SA SAMA-SAMANG PAGKILOS pinaniwala tayo sa isang tagapagligtas imbes na tayo'y sa sama-samang kilos umasa ganyan ang diwa ng isang Batman o ng Superman paniwala ko'y  walang bayani tulad ni Darna kundi ang bida ay taumbayan, ang sambayanan sa Unang Alsa ng mamamayan doon sa Edsa sa sama-samang kilos ng masa nagawa nila ang mapatalsik ang diktadura! kaya ng masa! isang aral na ating patnubay tungong tagumpay dagdag ko lamang uring obrero at magsasaka kung sama-sama silang kikilos ang magbabago nitong sistemang mapang-api na'y bulok pa't bugok - gregoriovbituinjr. 09.01.2026

Sesura sa tulang lalabindalawahin

Imahe
SESURA SA TULANG LALABINDALAWAHIN ang sesura / ay Espanyol / sa paghati sa taludtod / sa pagtulang / binahagi isang saglit / na paghinto / sa pagbasa kapag tula'y / binibigkas / nitong masa at sa tulang / labindal'wa / ang pantigan may sesura / sa pang-apat / o anim man sa Florante / ng makatang / si Balagtas labindal'wa / ang pantigan / pag namalas anim-anim / ang sesurang / naroroon mula unang / saknong hanggang / huling saknong isang katha itong / aking halimbawa ang sesura rito'y / mali, di lang wala: isang kawatan ang / nagnakaw ng halik dalaga'y hinagkan / niyang patiwarik - gregoriovbituinjr. 09.01.2026

Kahapon pa-Malolos

Imahe
KAHAPON PA-MALOLOS ‎ ‎pasya kong sa rali ay dumalo ‎at di basta matulog lang ako ‎sa bahay, naglakbay nang totoo ‎nang nasa loob, ipahayag ko ‎ ‎alas-kwatro, matapos magbanlaw ‎lakad hanggang Edsa nang maginaw ‎sa bus carousel agad sumakay ‎sa Trinoma, P2P'y hinintay ‎ ‎alas-sais nang dumating ang bus ‎naglakbay, narating ang Malolos ‎baha roon, ako'y pumanaog ‎sa pagkilos ay sadyang marubdob ‎ ‎at iniwasan namin ang baha ‎nang maglakad kasama ang madla ‎ang galit nila'y mahahalata ‎sa programa ako'y nagsalita ‎ ‎ikako'y mayroong paliparan ‎ngunit nangyayari'y palubugan ‎lubog sa baha ang mamamayan ‎galit ang mga taga-Bulacan ‎ ‎kailan titigil ang korapsyon? dahilan pa'y yaong reklamasyon! ‎sa mga nagtipon-tipon doon suma‎saludo ako, padayon! ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎09.01.2026

Inuna'y tula kaysa kumain

Imahe
INUNA'Y TULÂ KAYSA KUMAIN ‎ ‎madalas ganito ang gawain ‎kaya ramdam ko'y halos gutumin ‎una'y pagtula kaysa kumain ‎inuna'y tula kaysa pagkain ‎ ‎paggising, pagbalikwas, ganito ‎babangon, susulat agad ako ‎nasa ulo'y itipang totoo ‎para bang naging bisyo na ito ‎ ‎kung si misis ay di pa nawalâ  ‎tiyak ako'y sasabihang sadyâ: ‎"kumain muna bago tumulâ ‎magpalakas kaysa matulalâ" ‎ ‎sa panahon ay kulang talaga ‎kaya nasa diwa'y isulat na ‎salamat sa payò, aking sinta ‎na hanggang ngayon ay tanda ko pa naku, di pa ako nag-agahan at ngayon na'y manananghalian baka mangyari'y mag-altanghapan: almusal, tanghalian, hapunan ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎09.01.2026

Ano ba ang MU?

Imahe
‎ANO BA ANG M.U.? ‎ ‎Ano ba ang MU? Malagong Ubasan? ‎Matinding Upakan? Madugo't Ubusan? ‎Mabilis Utuin? ‎Madaling Utakan? ‎Makislap ang Ulo? Malaki ang Unan? ‎ ‎Mabuti't Umubra? Mahirap Umamo? ‎Makibaka'y Una? Makaiskor: Uno? Madalas Umulit? Masasal ang Ubo? Masiglang Umupo? Mag-Utos sa iyo? ‎ ‎O nasa Manila University ka, ‎O ito'y Malabon University ba? ‎O kaya'y Makati University na! Ang matindi rito'y may Miss Universe pa! ‎Bakit kailangan ang makipag-MU? ‎Makikipag-Ugnay sa ano bang isyu? ‎Mutual Understanding, sabi ng biyudo. Matinong Usapan? Aba'y Maki-Uso! - gregoriovbituinjr. 08.30.2026

Ayon kay Prof. Winnie Monsod

Imahe
AYON KAY PROF. WINNIE MONSOD aba'y talagang / tunay ang sabi / ni Profesora / Solita Monsod trato sa tao'y / mga alipin / ng mga lider / na sampay-bakod tinuring nilang / alipin yaong / dukha't obrerong / kayod ng kayod habang gobyerno'y / sa kabang bayan / ay kurakutan / ang tinaguyod ang mga ibon / ang gumagawa / ng batas para / sa mga isda katotohanang / aking nabatid / noon pa mula / sa matatanda ang dinastiya / ang lumilikha / ng mga batas / para sa madla pag batas naman / sa manggagawa, / kapitalista / ang kumakatha hindi ba't sila'y / magkakaiba, / at hindi sila / magkakauri at ibon silang / kapitalista, / trapo, burgesya, / ang hari't pari ang mga isda'y / tinatanggalan / ng ibon nitong / dangal o puri kaya ang danas / na dusa't hirap / ng mga dukha'y / lalong sumidhi O, mga isda, / baguhin nating / tuluyan iyang / sistemang bulok at sama-sama / nating ilagay / ang mga dukha / doon sa tuktok - gregoriovbituinjr. 08.30.2026 Pinaghalawan: a...

Maglulupa

Imahe
MAGLULUPA isa lamang akong abang maglulupa sa pakikibaka'y laging nakahanda walang pamasahe? lalakaring sadya! upang makausap ang kapwa ko dukha aking sasabihin doon sa pabrika: "nililikha ninyo ang ekonomiya nitong ating bansa subalit kaymura ng sahod pambuhay sa inyong pamilya!" at ang kapwa dukha ay pagsasabihan: "karapatang sadya ang paninirahan kaya demolisyon ay inyong labanan, at maging matatag sa paninindigan!" sa piniling buhay, hindi na humindi kahit katawan ko'y magkabali-bali pagbaka'y patuloy, matortyur mang muli kahit na sa laban, ako pa'y masawi at sasabihin mo, "wala kang pangarap kaya hanggang ngayon, ika'y naghihirap" ikako, "ang aking puso'y nag-aalab nang sistemang bulok, tuluyang mawasak! - gregoriovbituinjr. 08.29.2026

Ang P.A.Y.O. sa karinderya: Pay As You Order

Imahe
Ang P.A.Y.O. sa karinderya: Pay As You Order (13 pantig bawat taludtod, walang sesura) ang payo sa karinderya ay P.A.Y.O. Pay As You Order daw ang kahulugan nito na bayaran mo muna iyang inorder mo bago kainin, parang sa Jollibee't McDo kaysimpleng payo ni Ate sa karinderya na bayaran mo muna si Manang Tindera kayganda ng payo, sana'y sundin ng masa baka nakakain na'y wala palang pera - gregoriovbituinjr. 08.26.2026 * litrato mula sa google

Ang masamang asal ng nasa political dynasty

Imahe
ANG MASAMANG ASAL NG NASA POLITICAL DYNASTY sadyang sa hayop ay masahol pa ang asal ng nasa dinastiya utusang pulubi lang ang masa na tatahimik lang sa ayuda masa'y di kapwa, di mamamayan ganyan ang dinastiyang gahaman di ba natin isusuka iyan? ipapanalo pa ba ang ganyan? kaasalang ang iba'y apihin matapobre pa kung makatingin mapanlait kung iyong suriin dinastiya'y talagang salarin ng ating karapatang pantao silang di marunong rumespeto na ang masa'y sinliit ng buto habang sila'y sinlaki ng buko wakasan na ang sistemang bulok pati dinastiyang asal bugok ibagsak ang dinastiyang hayok silang di dapat muling maluklok - gregoriovbituinjr. 08.25.2026

Prinsipyado

Imahe
PRINSIPYADO May tibak sa loob ko. Nakataas-kamao. Tulad ng batang ako. Titindig, di tatakbo. - gregoriovbituinjr. 08.21.2026

Binigkas sa QnA portion sa usaping political dynasty at partylist

Imahe
‎BINIGKAS SA QnA PORTION SA USAPING POLITICAL DYNASTY AT PARTYLIST ‎(madalian lang kaya magkakaiba ng tugma at bilang ng pantig) ‎ ‎paano ang walang political dynasty ‎kung gumagana lagi'y ayuda't salapi ‎serbisyo'y negosyo ng trapong negosyante ‎nangungurakot imbes sa bayan magsilbi ‎ ‎tingnan na lang natin sa isyu ng flood control  ‎sinong lingkod bayan ang dito'y nagtatanggol? ‎sinong dapat managot? sinong accountable? ‎nangyayari sa bayan ay sadyang kaysahol ‎ ‎dapat baguhin ang sistema ng eleksyon ‎kung saan ang lahat ay may pagkakataon ‎at di sa paramihan ng poster magumon ‎sa party list naman ay nais kong magtanong  ‎ ‎boboto ka ba sa ghost flood control party list ‎iboboto mo ba ang kurakot party list ‎iboboto ba nati'y buwaya party list ‎o iboboto mo'y ang matino party list ‎ ‎comelec na ang gumastos, di kandidato ‎di dapat batayan ang kayrami nilang piso ‎upang maging patas talaga at seryoso ‎tayong kandidato'y magsisilbi sa tao ‎ ‎ibon ang gumagaw...

Soneto kay Patrick Dylan Wee

Imahe
SONETO KAY PATRICK DYLAN WEE matapos ang krimen doon sa Tacloban kung saan namaril yaong kabataan ay naulit muli yaong karahasan at sa Zamboanga ay nangyari naman si Patrick Dylan Wee yaong nabiktima isa siyang kampyon sa matematika at agham, Gold Award dalawang taon na sa Math Olympiad nitong Southeast Asia estudyanteng Grade 10 sa may Ateneo batang may pangarap, batang matalino subalit nangyari namatay na ito anong ginagawa ng ating gobyerno bakit ang tadhana'y ganyan na kalupit? nawa katarungan ay kanyang makamit - gregoriovbituinjr. 08.20.2026 * litrato at kwento mula sa kawing na: https://www.facebook.com/photo/?fbid=1654651449555655&set=a.813151847038957  

Dalawang daiit na napapanahon o hinggil sa panahon

Imahe
Di pa kaya kayo galit sa aking dalawang dalit? Mga tiwaling kaylupit, pera ng baya'y inumit! DALAWANG DALIT NA NAPAPANAHON O HINGGIL SA PANAHON: ANG BAHA, BOW! Baha! Ramdam mo't kaybigat! Katiwalian ang ugat! Ghost flood control na'y isumbat! Magmulat sana ang dilat! WIKANG BAHASA may Bahasa Indonesia at may Bahasa Malaysia subalit sa atin, iba Baha sa Pinas talaga! - gregoriovbituinjr. 08.19.2026 * ang dalit ay katutubong tulang may walong pantig bawat taludtod 

Negosyo laban sa kalikasan

Imahe
NEGOSYO LABAN SA KALIKASAN Negosyo versus kapaligiran Negosyante versus kalikasan Dahil sa tubo, silang gahaman, Sa kapwa ay walang pakialam Serbisyo'y tinuring na negosyo Kalikasa'y sinisirang todo Iyang sistemang kapitalismo Ay talagang perwisyong totoo. Sinira ang bundok, kina-quarry Lupa'y minimina ng salbahe 'Lang tugon sa climate emergency Basta kumita lang, walang paki. Katotohanang dapat tanggapin Negosyo'y nangwawasak sa atin Mga lupa't bundok minina rin At katutubo'y pinalayas din Tumingin ka sa paligid-ligid Kalikasa'y kanilang nilubid At kayraming sa gabi binulid Pati buhay ng kapwa'y pinatid. Nang dahil sa pagkamal ng tubo Kalaban ng negosyo'y naglaho Niyurak dangal ng katutubo Inagaw pati lupang ninuno. Kung nais mong tulungan talaga Ang bayan, dapat tanggapin mo na: Negosyo'y mapanira talaga Upang bumundat, kumita sila. Kung di mo ito kayang matanggap Kalikasa'y di mo nililingap Kapitalismong nagpapahirap Ay kalabang sadyan...

Tugon sa nabasa sa messenger

Imahe
TUGON SA NABASA SA MESSENGER kaybigat ng walang pamasahe tulad na lang ng kanyang sinabi subalit kung ako, lalakarin ko iyon, kalsada'y tatahakin susubukan pa ring dumiskarte kung ako ang walang pamasahe pagkat ayokong gawing dahilan iyon, di magawan ng paraan tanungin din ang nag-organisa kung isyu't paksa'y para sa masa tumugon kung pang-atin ang paksâ di kung may pamasahe o walâ iwan kung isyung pangmayayaman at daluhan kung pangmamamayan ay, ganyan kaming organisador kahit itanong mo pa kay Melchor gaano man katotoong sabi iyang kawalan ng pamasahe ako'y pultaym, ayokong marinig ang ganyan, kundi ang isyu't tindig - gregoriovbituinjr. 08.18.2026

Sa isang forum

Imahe
SA ISANG FORUM ‎ ‎Sa Buwan ng Wikang Pambansâ ‎Inglesan sila ng Inglesan. ‎Ang turing kaya nila'y bakyâ ‎Ang sariling wikà ng bayan? ‎ ‎Gayong Pinoy naman ang paksâ! ‎Dumalo'y mga kababayan. ‎Sa harap ng Pinoy na madlâ  ‎Tingin sa sarili'y dayuhan? ‎ - gregoriovbituinjr. 08.15.2026

Tanaga sa klima

Imahe
TANAGA SA KLIMA ‎Di palagay ang masa ‎Sa nagbabagong klima: Noon daw: BAHALA NA. ‎Sigaw ngayon: BAHA NA! - gregoriovbituinjr. 08.11.2026 * ang tanaga ay uri ng katutubong tula, may pitong pantig sa bawat taludtod, may apat na taludtod sa isang saknong

Sa ika-14 death monthsary ni misis

Imahe
SA IKA-14 DEATH MONTHSARY NI MISIS‎ paano pa ba sumiglâ ‎kung si misis na'y nawalâ? ‎araw-gabi nang tulalâ ‎ay, kinapitan ko'y tulâ - gregoriovbituinjr. 08.11.2026

Munting tula sa rali sa DOLE

Imahe
MUNTING TULA SA RALI SA DOLE‎ binibilog nilang muli ang ating mga ulo ‎ayaw na raw ibigay ang walumpu't limang piso ‎ganito katindi ang sistemang kapitalismo nag‎serbisyo raw sa tao, lumuhod sa Negosyo inuuna nga ba'y kapakanan ng kapitalista? kaya nangyari ang ganyang gawang di makamasa? Department of Labor and Employment ba'y binago na ‎at ito'y Department of Love for Employers na nga ba? ‎‎kaya po tayo nasa harap ng maamong DOLE ‎ay dahil na rin sa pakikialam nitong korte di na hurisdiksyon ng korte ang isyung nasabi maamong tupa ba silang prinsipyo'y nabibili ‎ O, DOLE, magserbisyo po kayo sa manggagawa sapagkat kayo po ang Kagawaran ng Paggawa baryang walumpu't limang piso'y ibigay nang sadya at huwag padaig sa kapitalistang kuhila ‎ - gregoriovbituinjr. 08.03.2026 * dumalo ang makatang gala sa pagkilos ng mga manggagawa sa harap ng DOLE Intramuros sa umaga ng Agosto 3, 2026, araw ng Lunes

Tulampati sa ikasampung anibersaryo ng CEED

Imahe
‎TULAMPATI SA IKASAMPUNG ANIBERSARYO NG CEED ‎ ‎taasnoong pagpupugay sa CEED ‎pagkat kalikasa'y di nabulid ‎sa pagkasira, inyong hinatid ‎ay pakikibakang aming batid ‎ ‎pinagtatanggol ang kalikasan ‎sinuri rin ng CEED ang lipunan ‎upang matiyak ang kaligtasan ‎ng katutubo at mamamayan ‎ ‎negosyo'y mapanira talaga ‎dulot ay maruming enerhiya ‎kalikasa'y winawaksi nila ‎kaya tayo'y dapat magkaisa ‎ ‎mula po sa maralitang hanay ‎muli, taospusong pagpupugay ‎sa CEED sa pagbaka n'yo't tagumpay ‎sigaw namin! mabuhay! mabuhay! ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎07.31.2026 ‎ ‎* tulampati ng secgen ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) na binigkas sa pagdiriwang ng CEED ‎* CEED - Center for Energy, Ecology and Development

Sa unang death anniversary ni misis

Imahe
‎SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS ‎ ‎depresyon ang dumapo ‎di batid ang gagawin ‎tila nais sumuko ‎ng diwa ko't damdamin ‎ ‎biglâ ang pagkawalâ ‎ng diwatà kong sinta ‎laging natutulalâ ‎sigla ko'y nawalâ na ‎ ‎hanggang ngayon ay yanig ‎ang buong pagkatao ‎dama ko'y pagkalupig ‎at nawasak na mundo ‎ ‎bagamat pinipilit ‎pa ring maging matatag ‎palad man ay kaylupit ‎at laging nangangarag ‎ ‎mga tula't kwento man ‎ay pawang nagsitigil ‎sa dulo ng lansangan ‎ako rin ay hihimpil ‎ ‎sa baha't alimuom ‎sa mundo ng siphayò ‎kailan maghihilom ‎yaring duguang pusò ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎06.11.2026

Nang hinuli ang mga hubad

Imahe
NANG HINULI ANG MGA HUBAD ‎ ‎Kay Balagtas: ‎ ‎Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad ‎sa bait at muni, sa hatol ay salat. ‎ ‎Ngayon: ‎ ‎Dahil sa tinding init, may mga nakahubad ‎sila'y pinaghuhuli, kriminal na ba agad? ‎ ‎Dagdag pa: ‎ ‎Nililihis ang isyu ng mga pandarambong nangurakot sa bayan ay di pa nakukulong - gregoriovbituinjr.‎ ‎04.14.2026 (Buwan ng Panitikan)

2 magkasunod na araw ng dalamhati

Imahe
2 MAGKASUNOD NA ARAW NG DALAMHATI dalawang magkasunod na araw ng dalamhati Abril Onse, ikasampung death monthsary ni misis Abril Dose, pangalwang death anniversary ni Dad dalawa sa aking pinakamamahal sa buhay pagluwas ko galing probinsya, trabaho na naman upang tapusin ang mga agarang kailangan sadyang ganyan ang buhay, may panahon ng pagluhà, ng dalamhati, bukas nama'y pagbaka ng dukhâ kailangang tapusin ang mga isinasalin bagamat di sapat upang ang sarili'y buhayin munti man ang kabayaran, sa bulsa'y may papasok din pagkat araw-araw, dapat may pambiling pagkain natapos man ang dalawang araw ng paggunitâ dini sa pusò, sila na'y nakaukit na sadyâ - gregoriovbituinjr. 04.13.2026

Tumbong

Imahe
TUMBONG ‎ ‎nais nang lumabas / ng tae sa puwet ‎iri na ng iri / nang paulit-ulit ‎sana'y dudukutin / ko na iyong pilit ‎buti't nalunasan, / nawalâ ang sakit ‎ ‎ininom ko agad / ang nakahandang dyus ‎galing ref, malamig, / guminhawang lubos ‎una, isang pitsel / nitong malunggay dyus ‎sunod ay bawang dyus / at ang turmeric dyus ‎ ‎at maya-maya lang, / agad naglabasan ‎yaong nasa puwet, / anong kainaman ‎guminhawa agad / itong pakiramdam ‎gayong sa ta-kubets, / isang oras naman ‎ ‎ang mga herbal dyus / ay kaylaking tulong ‎at di na masakit / itong aking tumbong ‎salamat, salamat / at ito'y humantong ‎sa damang ginhawa, / búhay ko'y sumulong ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.13.2026

Gender equality

Imahe
GENDER EQUALITY ‎ ‎galing ka raw sa tadyang ko, ngunit ‎iba yaong nais kong igiit ‎pantay tayo, anang kwentong bayan ‎nang sabay lumabas sa kawayan ‎ ‎karapatan nati'y magkapantay ‎pagkat minulan ay magkasabay ‎noon pa'y may  gender equality ‎pantay ang babae at lalaki ‎ ‎mulâ sa katutubong alamat ‎ngalan ay  Maganda  at  Malakas ‎tulad ko, katutubò rin sila ‎pagkapantay ay kinikilala ‎ ‎salamat sa alamat na ito ‎na pinanghawakan kong totoo ‎para sa pantay na karapatan ‎patungo sa patas na lipunan ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.12.2026 ‎ ‎* litrato nina Maganda at Malakas sa UP Vargas Museum sa Diliman, QC

Sa ika-2ng taon ng kamatayan ni Dad

Imahe
SA IKA-2NG TAON NG KAMATAYAN NI DAD ‎ ‎sa ikalawang taon / ng kamatayan ni Dad ‎amin siyang dinalaw / doon sa sementeryo ‎nagnilay at nagdasal, / nami-miss ka namin, Dad ‎kasama'y inang mahal, / kaming mga anak n'yo ‎ ‎at ginunita namin / ang inyong kabutihan ‎upang kami'y lumaki / at maging matagumpay ‎sa karera, pamilya't / niyakap na larangan ‎kaybuti n'yo po't kami'y / di hinayaang tunay ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎04.12.2026