Dalawang daiit na napapanahon o hinggil sa panahon
Di pa kaya kayo galit
sa aking dalawang dalit?
Mga tiwaling kaylupit,
pera ng baya'y inumit!
DALAWANG DALIT NA NAPAPANAHON O HINGGIL SA PANAHON:
ANG BAHA, BOW!
Baha! Ramdam mo't kaybigat!
Katiwalian ang ugat!
Ghost flood control na'y isumbat!
Magmulat sana ang dilat!
WIKANG BAHASA
may Bahasa Indonesia
at may Bahasa Malaysia
subalit sa atin, iba
Baha sa Pinas talaga!
- gregoriovbituinjr.
08.19.2026
* ang dalit ay katutubong tulang may walong pantig bawat taludtod

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento