Nag-iisang tulâ
pinasa sa Liwayway magazine ang iisang tulang nakatha rin sana tula'y ilathala nila kung pasok sa kanilang panlasa bagamat ako'y isa lang dukhâ sana'y di ibasura ang tulâ sampung pantig bawat taludtod, may sesurang 5/5 NAG-IISANG TULA ako'y tiyak na mapapaluha, o lulundag nang dahil sa tuwa pag sa Liwayway nabasang sadya at nalathala ang tulang katha nagpasa noong talubata pa noong kaysipag ko pa talaga sulat ng sulat, pasa ng pasa binalewala, walang halaga ngayon, pinasang tula'y isa lang ng abang dukhang di na malaman kung saan yaring patutunguhan: kinabukasan o kamatayan? nang mawalâ ang sintang maybahay pagkat sa sakit ay naparatay nawalan na ring gana sa buhay takipsilim na't walang liwayway ikatutuwa tiyak ni misis pag sa Liwayway ay nagkahugis ang tulang sana ngayo'y di mintis kinatha hanggang dugo'y tumigis ngunit wala na, wala na siya nang sa Liwayway, kanyang mabasa ang iisa kong tulang pinasa...