Sesura sa tulang lalabindalawahin
SESURA SA TULANG LALABINDALAWAHIN ang sesura / ay Espanyol / sa paghati sa taludtod / sa pagtulang / binahagi isang saglit / na paghinto / sa pagbasa kapag tula'y / binibigkas / nitong masa at sa tulang / labindal'wa / ang pantigan may sesura / sa pang-apat / o anim man sa Florante / ng makatang / si Balagtas labindal'wa / ang pantigan / pag namalas anim-anim / ang sesurang / naroroon mula unang / saknong hanggang / huling saknong isang katha itong / aking halimbawa ang sesura rito'y / mali, di lang wala: isang kawatan ang / nagnakaw ng halik dalaga'y hinagkan / niyang patiwarik - gregoriovbituinjr. 09.01.2026