May suloy na ang itinanim
MAY SULOY NA ANG TINANIM
hindi ako magsasaka
lalo't tagalungsod ako
kaya inaaral ko pa
ang mga itinanim ko
kagaya nitong sibuyas
na ulam ko na ang talbos
pagkat ito'y pampalakas
at lulusog ka pang lubos
tinanim lang sa bakuran
nitong tahanan sa lungsod
ngunit aking pakiramdam
ay sadyang nakalulugod
pagkat mayroon nang suloy
ang tinanim ko sa pasô
sana, di ito maluoy
at tuluyan nang lumagô
- gregoriovbituinjr.
03.16.2026
* sa litrato, may tanim na kamatis sa tabi ng sibuyas




Mga Komento
Mag-post ng isang Komento