Narating ko na ang Level 6666
NARATING KO NA ANG LEVEL 6666
apat na digit, iisang numero
apat na six na ang level na ito
pag tatlong six, numero ng diyablo
apat na six ba'y kaninong simbolo?
nilalarô ko lang itong Word Connect
hinggil sa mga nirambol na titik
larô itong sadyang nakasasabik
larô ng tahimik at walang imik
may mabubuô kang mga katagâ
sa hanggang pitong titik na salitâ
pag nabuo na, tiyak matutuwâ
at nakapag-ehersisyo ang diwà
level six six six six na ang naabot
seven seven seven seven ang sunod
sa level eight eight eight eight ba'y lulusot
level nine nine nine nine sana'y maabot
- gregoriovbituinjr.
03.17.2026

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento