Tagulaylay sa buhay

TAGULAYLAY SA BUHAY
ni Nâzım Hikmet (kinatha noong 1937)
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
(pantigang anim, labindalawa’t labingwaluhin)

Nalalaglag na buhok sa iyong noo’y

      biglang iniangat.

Biglang may kung anong gumalaw sa lupa.

Nagbulung-bulungan yaong mga puno

      doon sa karimlan.

Ang mga bisig mo’y magiging malamig.

Sa may kalayuan

kung saan ay hindi tayo makakita,

  ang buwan marahil ay papasikat na.

At hindi pa tayo nararating nito,

dumudulas yaon sa maraming dahon

  upang pagaanin ang iyong balikat.

Datapwat batid ko

  iihip ang hangin kasabay ng buwan.

Nagbulung-bulungan yaong mga puno.

Ang mga bisig mo’y magiging malamig.

Mula sa itaas,

at mula sa sangang nawala sa dilim,

    may kung anong nahulog sa talampakan mo.

Ikaw ay umipod palapit sa akin.

Sa iwi kong palad yaong iyong laman
     ay tila malabong balat niyong prutas.

Ni awit ng puso o "sentido komon"-

bago yaong puno, ibon, at kulisap,

kamay ko sa laman ng aking asawa 

    wari’y nag-iisip.

Ngayong gabi naman ang kamay kong iwi

    ay di makabasa o makapagsulat.

Ni yaong umibig o di umiibig…

Iyon yaong dila ng tigre sa bukal,

        ang dahon ng ubas,

        ang paa ng lobo.

Gumalaw, huminga, kumain, uminom.

Para bagang binhi ang kamay kong iwi

    sa kailaliman ay naghati-hati .

Ni awit ng puso o "sentido komon,”

Ni yaong umibig o di umiibig…

Inisip ng kamay kong ang laman niring

      asawa ko’y kamay niyong unang tao.

Kapara ng ugat na hanap ay tubig sa kailaliman,

Aniya sa akin:

"Kumain, uminom, malamig, mainit, laban, amoy, kulay-

hindi ang mabuhay para lang mamatay

kundi ang mamatay nang upang mabuhay..."

Sa kasalukuyan

pag humampas yaong pulang buhok ng babae sa mukha ko,

habang may kung anong gumalaw sa lupa,

habang mga puno’y bulungan sa dilim,

at habang ang buwan sa malayo’y nikat

        kung saan ay hindi natin nakikita,

ang kamay ko sa laman ng asawa ko

bago yaong puno, ibon, at kulisap,

Ibig ko’y yaong karapatan sa buhay,

ng tigre sa bukal, ng binhing nahati-

      Nais ko’y karapatan ng unang tao.

* Isinalin: ika-8 ng Hunyo, 2022
* Tula mula sa: https://www.marxists.org/subject/art/literature/nazim/hymntolife.html

Hymn to Life
by Nâzım Hikmet

The hair falling on your forehead

      suddenly lifted.

Suddenly something stirred on the ground.

The trees are whispering

      in the dark.

Your bare arms will be cold.

Far off

where we can't see,

  the moon must be rising.

It hasn't reached us yet,

slipping through the leaves

  to light up your shoulder.

But I know

  a wind comes up with the moon.

The trees are whispering.

Your bare arms will be cold.

From above,

from the branches lost in the dark,

    something dropped at your feet.

You moved closer to me.

Under my hand your bare flesh is like the fuzzy skin of a fruit.

Neither a song of the heart nor "common sense"-

before the trees, birds, and insects,

my hand on my wife's flesh

    is thinking.

Tonight my hand

    can't read or write.

Neither loving nor unloving...

It's the tongue of a leopard at a spring,

        a grape leaf,

        a wolf's paw.

To move, breathe, eat, drink.

My hand is like a seed

    splitting open underground.

Neither a song of the heart nor "common sense,"

neither loving nor unloving.

My hand thinking on my wife's flesh

      is the hand of the first man.

Like a root that finds water underground,

it says to me:

"To eat, drink, cold, hot, struggle, smell, color-

not to live in order to die

but to die to live..."

And now

as red female hair blows across my face,

as something stirs on the ground,

as the trees whisper in the dark,

and as the moon rises far off

    where we can't see,

my hand on my wife's flesh

before the trees, birds, and insects,

I want the right of life,

of the leopard at the spring, of the seed splitting open-

      I want the right of the first man.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Usapang manok

Ayusin ang sistemang pangkalusugan

Paskil