PASKIL kailangan pa tayong paalalahanan minsan kundi man madalas dahil iyon ang kailangan lalo't wala tayo sa ating sariling tahanan tapon dito, tapon doon, tapon kung saan-saan kaya kailangan pang maglagay ng simpleng paskil madalas daw wala sa sarili, tila inutil nagtatapon kung saan-saan, nakapanggigigil kaya nagpaalala upang ito na'y matigil Please read: Basahin ang pakiusap sa mamamayan lalo na sa gumagamit ng kanilang kainan payak lang: Pakitapon ang kalat sa basurahan! Clean as you go! Kung may kalat ay may pagtatapunan buti na lang, may basurahan, paano kung wala ang sariling basura'y ayaw ibulsa ng madla sa natapos gamitin ay nandidiri nang sadya ito man ay ketsap, plastik, o sa tisyu dumura kolektibong kaugnayan, nag-iisang daigdig pumapangit na kalikasan, sinong mauusig sa wasak na kapaligiran, sinong nalulupig sa pagpabuti ng mundo, tayo'y magkapitbisig - gregoriovbituinjr. 01.10.2022 * nilitratuhan ng makatang gala ang paskil sa lamesa ng isang pamilihan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento