Sa paglubog ng araw
SA PAGLUBOG NG ARAW kung sakaling palubog na ang aking araw sana tagumpay ng masa't uri'y matanaw kung sakaling araw ko'y pawang dusa't lumbay ako'y magkagiya sa aking paglalakbay lalo't tatahakin ko'y malayong-malayo na di sa dulo ng bahaghari o mundo kundi paparoon sa masayang hingalo titigan mo ako hanggang ako'y maglaho may araw pa't mamaya'y magtatakipsilim na inaalagata ang bawat panimdim basta marangal ang nilandas na layunin ating papel ay di liliparin ng hangin sa araw na palubog dadako ang lahat tiyakin lamang na ating nadadalumat ang kabuluhan ng danas, aral at ugat sa bawat paglubog, may araw ding sisikat - gregoriovbituinjr. 04.07.2024 * litratong kuha ng makatang gala malapit sa pinagdausan ng reyunyon, Abril 6, 2024
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento