USAPANG MANOK tatlong manok ang nakatali doon sa kulungan habang manok na nasa laya'y nakatanghod lang marahil napag-usapan nila ang kalayaan masarap ang buhay sa laya, ang nasabi naman patungong bitayan na ba ang tatlong nakakulong? nagpiit ba sa kanila'y naghanda na ng gatong? nagawa lang ng tatlong manok ay bumulong-bulong tanong ng manok sa laya, anong maitutulong? baka naman manok ay kanilang aalagaan o palakihin ang magiging magilas na tandang o paiitlugin ang magiging inahin naman ngunit sa may-ari ng manok yaong kapasyahan natapos agad ang kanilang munting pag-uusap nang kulungan ay kinuha agad sa isang iglap dadalhin sa kung saan, bibitayin na bang ganap? o sila'y aalagaan ng may buong paglingap? - gregoriovbituinjr. 10.24.2021
PAHINGA MUNA AKO NG ISANG BUWAN magpapahinga muna ako ng isang buwan kaya mawawala ako ng panahong iyan pagkat tutungo sa malalayong lalawigan nang nagbabagong klima'y dalumating mataman palalakasin ang iwing katawang pisikal pagpapahingahin ang kaisipan o mental pangangalagaan ang loob o emosyonal ang isang buwan ay sandali lang, di matagal nais ko munang magnilay, buong puso't diwa nangamatay sa unos sa puso'y masariwa sa malayong pook ay magtirik ng kandila maraming salamat po sa inyong pang-unawa maglalakad-lakad pa rin habang nagninilay at sasamahan ang mga kapwa manlalakbay nagbabagong klima man ay nagbabagang tunay ay babalik na panibagong lakas ang taglay - gregoriovbituinjr. 10.07.2023
AYUSIN ANG SISTEMANG PANGKALUSUGAN libu-libo na'y tinamaan ng coronavirus ano nang tugon sa kalagayang kalunos-lunos wala nang pwesto sa ospital, mga kama'y kapos sa ganyang sistema, bayan pa ba'y makakaraos anong tugon ng pamahalaan sa panawagang dapat nang ayusin ang sistema ng kalusugan na di sisisihin ang pasaway na mamamayan na di karibal sa pulitika ang tututukan kundi pag-isipang mabuti anong dapat gawin kundi pag-usapang mabuti't pagkaisahan din sistemang pagkalusuga'y paano paunlarin kongkretong kalagayan ng bansa'y pakasuriin "kalusugan ay serbisyo, huwag gawing negosyo" ito'y sigaw ng maraming mamamayan sa mundo ito'y dapat maging paninindigan ng gobyerno upang di masalaula nitong kapitalismo tiyakin ding walang tanggalan sa mga pabrika kahit may pandemya't sunud-sunod na kwarantina itigil na gawing kontraktwal ng kapitalista ang manggagawang regular sa kanilang kumpanya pagbabakuna lang ba ang nakikitang solusyon? face shield, f
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento