Mga Post

Salitang nabuo sa HOLIDAY

Imahe
SALITANG NABUO SA HOLIDAY sa kabila ng laksang gawain larong  Word Connect  pa'y lalaruin ito'y pinakapahinga na rin at ngayon, may di kayang sagutin di ko nabuo't nasagot ang app na  Word Connect , di ko na magagap ang isa pang salita, kayhirap napatunganga na lang sa ulap kung Tagalog kaya ang gamitin sa salitang  HOLIDAY  buuin ano-anong salita, alamin ito ang napagtripan kong gawin sa  HOLIDAY , salitang nabuo: LAHI, LIHA, HILA, HILO, LAHO DAHIL, DALOY, DAYO, DALO, HALO DALI, DILA, ALID, AHOD, LAYO ALOP, AYAP, AYOP,  marami pa LIDO, LIYO,  ngalang  HILDA, YODA katuwaan man, ang mahalaga nalilibang kahit na abala - gregoriovbituinjr. 07.13.2024 * ALID - manipis na manipis, payat na payat, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF), p.32 * AHOD - salitang medikal, kalmot o marka ng kagat ng hayop sa balat ng tao, UPDF, p.21 * ALOP - marumihan o mamantsahan, UPDF, p.40 * AYAP - uri ng sitaw na higit na maikli ang bunga at masapal, UPDF, P.94 ...

Madaling araw

Imahe
MADALING ARAW saklot pa ng dilim ang paligid nang magising akong nangingilid ang luha, animo'y may naghatid ng balitang dapat kong mabatid dama kong aking pinagsanggalang ang buhay laban sa mapanlamang na sa akin ay biglang humarang batid kong ito'y panaginip lang tiningnan ko kung sara ang pinto nakaamoy ako ng mabaho narinig ko pa'y mahinang tulo na maya-maya'y biglang naglaho di pa dapat ako kinakaon ni Kamatayang mayroong misyon nais ko pang gampanan ang layon isang makauring rebolusyon ayokong sa sakit ay maratay buti kung bala'y napos ng buhay nais ko pang rebo'y magtagumpay na mata ko ang makasisilay - gregoriovbituinjr. 07.13.2024

Platitong hugis dahon

Imahe
PLATITONG HUGIS DAHON napa-Wow sa platitong nabili ni misis sa isang palengkeng binilhan din ng walis habang ako nama'y kumakain ng mais aba'y tingni, anong ganda't dahon ang hugis marahil gumawa'y environmentalista o ito'y pakulo lang ng negosyo nila subalit anumang dahilan ang makita hugis ng platito'y isa nang paalala pangalagaan natin ang kapaligiran lalo't mga magsasakang nahihirapan upang pakainin ang buong daigdigan kung walang magsasaka ay walang palayan kaya salamat sa platitong hugis dahon di lang siya platito kundi isang misyon tungkol sa bigas, puno, prutas, klima't nayon na dapat batid natin bawat isyu niyon - gregoriovbituinjr. 07.12.2024

Yanga at kapad

Imahe
YANGA AT KAPAD mga salita itong di ko alam na nabatid lang sa palaisipan mga salitang dagdag-kaalaman sa kagaya kong tagakalunsuran salitang marahil lalawiganin kaya kaytagal kung aking isipin buti na lang, alam ko ang gagawin upang tamang sagot ay makuha rin pag sa Pahalang, di batid ang sagot Pababa muna'y sagutang malugod krosword ay aliwang di mababagot tasahan lang pag lapis mo'y napudpod masetera o  PASO  pala'y  YANGA at ang  ANGKOP  naman ay  KAPAD  pala sa isang diksyunaryo ko nakita kung anong kahulugan ng dalawa - gregoriovbituinjr. 07.12.2024 * krosword mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Marso 31, 2024, p.10 * 17 Pahalang: Paso - YANGA; 19 Pahalang: Angkop - KAPAD * yanga - masetera, UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF), p.1343 * masetera - maliit na paso, UPDF, p. 766 * kapad - angkop o marapat sa isang gawain, UPDF, p.574

Pagbabasa ng pocketbook

Imahe
PAGBABASA NG POCKETBOOKS sa lumang bookstore sa sulok-sulok nabili'y mumurahing pocketbook serye'y binabasa't inaarok bago ako dalawin ng antok kinakatha ko'y maikling kwento para sa Taliba naming dyaryo kaya pocketbook binabasa ko nobela'y tutunghayang totoo inaaral ko'y pagnonobela bago iyon, magkwentista muna pagkat pangarap ko ring talaga ang maging awtor at nobelista kung may pocketbook kayo sa bahay na nais na ninyong ipamigay bago iyan kalugdan ng anay sa akin na lang ninyo ialay pangako, nobela'y kakathain kaya pocketbook ay babasahin estilo ng akda'y aaralin upang nobela'y malikha ko rin - gregoriovbituinjr. 07.12.2024

Sinong pipigil?

Imahe
SINONG PIPIGIL? kung walang nagbabasa sa akin sinong sa pagtula ko'y pipigil ang bawat isyu ay papaksain tutula ako ng walang tigil nais ni amang ako'y mag-aral ng inhinyero sa pamantasan nais ko namang tula'y maaral upang maging makata ng bayan nais ni inang ako'y magtapos at itayo'y sariling negosyo ngunit iba'y ginawa kong lubos ang tumulong sa dukha't obrero pag pinatula ako sa rali entablado ko na'y ang lansangan makata man, ako'y nagsisilbi sa api't pinagsamantalahan - gregoriovbituinjr. 07.12.2024

4 na salitang may 11 titik sa parisukat

Imahe
4 NA SALITANG MAY 11 TITIK SA PARISUKAT KAPARARAKAN DALA-DALAHAN KASALUKUYAN KATALINUHAN nakita ko kaagad ang ganda ng parisukat na isasagot na salita'y nagsala-salabat nagkakaugnayan sila't madaling madalumat bagamat sa pagtugon ay sadyang napakaingat Siyam Pahalang:   Pakinabang  ay  KAPARARAKAN sa  Tatlumpu't Apat  ay:  Abastos  -  DALA-DALAHAN Una Pababa :  Ang ngayon  nama'y  KASALUKUYAN Walo Pababa :  Karunungan  ay  KATALINUHAN madalas pag ganito ang krosword, nakalulugod sa maghapong trabaho'y nakakatanggal ng pagod animo mula ulo't kalamnan ko'y hinahagod kahit ako'y parang kalabaw na kayod ng kayod maraming salamat sa dinulot nitong ginhawa kaya nakakapahinga ang katawan ko't diwa - gregoriovbituinjr. 07.12.2024 * krosword mula sa pahayagang Abante Tonite, Hulyo 10, 2024, p.7

Di na lang antas-dalo

Imahe
DI NA LANG ANTAS-DALO tapos na ako sa panahong antas-dalo di tayo flower base lang, aking napagtanto sa anumang pagkilos na kasama tayo di maaaring nakatunganga lang ako may isang rali na ako'y nabugbog naman isang kakilala ang ako'y pinayuhan ang sabi niya, "huwag ka kasi sa front line!" ano ako, tuod? doon lang sa likuran? di tayo dumadalo upang pamparami kundi tiyaking naroon tayong may silbi sa samahan, bayan, ngunit di pahuhuli nais ko'y may tangan laging plakard sa rali ayokong dadalo lang at nakatunganga na sa isyu't usapin ay natutulala kung may matututunan ay pupuntang sadya upang pagtingin sa isyu'y maisadiwa minsan, sa mga forum naiimbitahan ayos lang dumalo't may napag-aaralan ngunit ngayon, ayokong antas-dalo na lang kundi may naiaambag sa talakayan noong kabataan ko'y antas-dalo lagi nabatid na trapo'y di dapat manatili kaya nais kong tumulong upang magwagi ang dukha't manggagawa sa laban ng uri - gregoriovbituinjr. 07.11.2024

Agariko - pinulbos na kabute

Imahe
AGARIKO - PINULBOS NA KABUTE tanong: Siyam Pababa - Kabute pinulbos aba, ewan ko, ang krosword muna'y tinapos palaisipan muna'y sinagutang lubos agariko pala ang kabuteng pinulbos anang U.P. Diksiyonaryong Filipino salitang Botanikal at Medikal ito binebenta bilang gamot ang agariko pumunta kang botika kung nais mo nito ang agariko ba'y para ring penicillin? na sa sugat ng isang tao'y bubudburin? o ito'y ginawang tabletang iinumin? o kaya'y kapsula itong dapat lunukin? may nagsasabing sa tumor ito'y panlaban pati sa cancer, heart disease, diabetes man pampatibay ng immune system at katawan ngunit wala pa raw syentipikong batayan - gregoriovbituinjr. 07.11.2024 * krosword mula sa pahayagang Abante Tonite, Hulyo 8, 2024, pahina 7 * agariko - Botanikal, Medikal: kabute na pinulbos at ipinagbibili sa botika bilang gamot, mula sa U.P. Diksiyonaryong Filipino, pahina 17 * ilang nasaliksik na datos: -  https://www.tagalog.com/dictionary/agariko   -  https://www.web...

Bilyones na pondo para sa klima

Imahe
BILYONES NA PONDO PARA SA KLIMA aba'y pitongdaan walumpu't tatlong bilyong piso na pala ang nakuhang suporta ng ating bansa mula tatlumpu't isang development partners nito na para raw sa climate change action plan, aba'y di nga? may dalawampu't tatlong proyektong pangtransportasyon National Adaptation Plan, kaygagandang salita nariyan pa'y Nationally Determined Contribution Implementation Plan, batid kaya ito ng madla? siyamnapu't apat ang proyektong inisyatiba para sa gawaing pangklima habang iba naman ay mula raw sa pautang, pautang? aba, aba? anong masasabi rito ng ating mamamayan? anong tingin dito ng Freedom from Debt Coalition? sa bilyon-bilyong pautang ba'y anong analysis? di na ba makukwestyon kahit suportang donasyon? anong tingin ng Philippine Movement for Climate Justice? pabahay ng mga na-Yolanda'y kasama kaya? sa climate emergency ba pondong ito na'y sagot? bakit climate emergency'y di ideklarang sadya? nawa'y pondo'y di ...