Mga Post

Noong unang panahon

Imahe
NOONG UNANG PANAHON noong unang panahon, / may isang pulitiko na ugali'y magaspang / sa karaniwang tao kaibang paglilingkod / ang ginagawa nito tila baga negosyo / ang dapat ay serbisyo sa presyong limangdaan / ay kanya raw nabili ang prinsipyo ng dukha't / mga masang botante tila ba walang paki / sa kanyang sinasabi pang-uuto pa niya'y / ipinagmamalaki kaya katiwalian / ay laganap sa bayan kumpare't negosyante'y / kanyang kinikilingan negosyo'y naglipana, / walang pangkalusugan gusali'y nagtayugan, / hubad ang paaralan mula sa dinastiyang / pulitikal din siya dating meyor ang ama, / ina'y gobernadora ang asawa'y may-ari / ng maraming pabrika habang ang sahod naman / ay kaybabang talaga bayang ito'y ginawa / nang basahan ng trapo! sinong dapat sisihin? / yaong masang bumoto? prinsipyo'y pinagpalit / sa limangdaang piso? upang sang-araw man lang / dusa'y ibsang totoo? sa sunod na halalan / ano nang magaganap? bakit mga tiwali'y / tuloy...

22 Pababa: Pangangalap ng tao

Imahe
22 PABABA: PANGUNGUHA NG TAO natawa lang ako sa tanong dito sa palaisipang sinagutan ko tanong kasi'y  "pangunguha ng tao" aba'y  KIDNAP  agad ang naisip ko kung nawala pa'y  DESAPARESIDO binilang ko, limang titik, di  KIDNAP sinagutan ang paligid, nahanap ang tamang sagot, ito pala'y  KALAP pangunguha nga ng tao, ang saklap na kahulugang iba sa hinagap aba'y ano bang dapat tamang tanong upang di malito't wasto ang tugon maraming salitang di makakahon ako man minsan ay paurong-sulong - gregoriovbituinjr. 09.29.2023    

Tula't tanong

Imahe
TULA pag masakit ang ulo ko, lunas dito'y pagtula pag masakit ang buong kalamnan, ako'y tutula sa hirap ng kalooban, ang hingahan ko'y tula pag nais ko ng pahinga, ang pahinga ko'y tula sa tambak na trabaho, tula na'y aking pahinga sa pagod kong katawan, tula'y pinakapahinga kaya ako'y humihingi sa inyo ng pasensya kung tumula na naman ako sa inyong presensya TANONG bakit may taong sinasayang ang buhay sa bisyo at sa gawaing masasama, di magpakatao bakit may mga taong nais lang makapanloko at buhay na'y inilaan sa gawaing ganito sa paggawa ng mali, sila ba'y napapakali wala na bang budhing sa kanila'y namamayani halina't tuklasin natin anong makabubuti para sa kapwa, panlahatan, di lang pansarili - gregoriovbituinjr. 09.27.2023

Ang tindig

Imahe
ANG TINDIG inalay ko na para sa bayan at kalikasan para sa katarungan at makataong lipunan ang sarili, ito'y matagal na pinag-isipan prinsipyo itong yakap-yakap hanggang kamatayan ayokong sayangin yaring buhay sa mga bisyo, sa pagyaman, o pagsasasamantala sa kapwa ko ayokong sayangin ang buhay sa mga di wasto ayokong mamuhay sa sistemang di makatao kumikilos akong tinataguyod ang hustisya na tanging iniisip ay kapakanan ng masa simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka labanan lahat ng uri ng pagsasamantala sa paglilingkod sa bayan, buhay ko'y nakaugat walang bisyo kundi sa masa'y maglingkod ng tapat ganyan lang ako, di pansarili kundi panlahat sa bawat hakbang, iyan ang laging nadadalumat - gregoriovbituinjr. 09.27.2023

Alingasngas at aliwaswas

Imahe
ALINGASNGAS AT ALIWASWAS ano bang kanilang makakatas sa mga gawaing panghuhudas sa bayan? dahil sa yama't lakas? kaya ba batas ay binubutas? itaguyod ang lipunang patas at sa kapwa tao'y pumarehas labanan ang mga alingasngas at anumang gawang aliwaswas - gregoriovbituinjr. 09.25.2023 *  alingasngas  - kilos o pangyayari na itinuturing na mali at nagsasanhi ng galit ng madla, UP Diksiyonaryong Filipino, p.35 *  aliwaswas  - katiwalian, UPDF, p.37

Muyag at Mulay

Imahe
MUYAG AT MULAY dalawang salita na naman ang nakita salitang di pamilyar, kahulugan -  BARYA ito'y nasa palaisipang magkaiba na magkasunod kong sinagutang talaga nang matapos, kahulugan ay tiningnan ko nais kong makatiyak na sagot ko'y wasto MUYAG  at  MULAY  pala'y salitang totoo nasa U.P. Diksiyonaryong Filipino MUYAG  at  MULAY  sa barya'y ibang salita na lalawiganin pag inaral ang wika na marahil magagamit ko sa pagtula o sa kwento kung nauukol itong sadya sapat ba ang kahulugan pag sinasambit o dapat pang mabasa paano ginamit sa pangungusap yaong salitang nabanggit ah, salamat,  MUYAG  at  MULAY  ay nabatid - gregoriovbituinjr. 09.24.2023 Palaisipan #16 11 Pahalang - Barya Sagot: MUYAG Palaisipan #19 26 Pababa - Barya Sagot: MULAY U.P. Diksiyonaryong Filipino MUYAG - barya, p.804 MULAY - sa Batangas, barya, p.799

Sa pagkatha

Imahe
SA PAGKATHA di dahil sa inspirasyon kaya nakatutula maysakit man, malungkot, nagdurusa, o tulala di man inspirado, basta may sasabihing sadya ay kaya mong isulat anumang nasasadiwa huwag tititig sa papel kung walang sasabihin at doon pipiliting pag-isipan ng malalim ang paksang di pa batid o nakalutang sa hangin huwag haharap sa kompyuter kung walang gagawin basta may sasabihin ka'y tiyak makasusulat maisasatitik ang anumang nadadalumat may maaakda sa pagitan man ng mga sumbat may makakatha gaano man kalalim ang sugat huwag hintaying inspirasyon ay basta dumampi na mangyayari'y mapapakagat ka lang sa labi magsulat ka lang tulad ng pagtatanim ng binhi isang payo iyang sa inyo'y nais ibahagi - gregoriovbituinjr. 09.23.2023

Kampyon sa walong dibisyon

Imahe
KAMPYON SA WALONG DIBISYON iisa lang ang sagot sa palaisipan sino ba ang 8-division champion ng boxing? tinatanong pa ba iyan? si  Pacquiao  iyan! boksingerong Pinoy na talagang kaygaling sa labingpitong weight classes na naririyan nagkampyon sa walong magkaibang dibisyon nagkampyon sa  flyweight , ang kauna-unahan sa  super bantamweight  at  featherweight  paglaon dalawang beses kampyon sa  superfeatherweight na kapwa laban kay Juan Manuel Marquez panglimang dibisyon nang magkampyon sa  lightweight titulo'y naagaw niya kay David Diaz ikaanim na dibisyon ang  light welterweight nang maagaw kay Ricky Hatton ang titulo anim na buwan pa'y nagkampyon sa  welterwight nang ma-knowout naman niya si Miguel Cotto sa  light middleweight  naman ay nagkampyong tunay pangwalo laban kay Antonio Margarito hinangaan si  Pacquiao  sa bilis at husay walong dibisyon, kahanga-hangang totoo - gregoriovbituinjr. 09.23.2023

Komentula

Imahe
KOMENTULA di raw ako masalita tila tinahi ang dila madaldal lang daw sa tula at doon ngawa ng ngawa sa tula nahahalata ang damdamin ng makata anuman ang sapantaha sa katha sinasariwa patuloy lang sa pagkatha ang makatang maglulupa kay-ingay ng nasa diwa animo'y rumaragasa mag-ingay ka pa, makata ikaw na di masalita sa toreng garing ma'y wala kinakatha'y komentula - gbj/09.23.2023

Nang matalo sa alamat

Imahe
NANG MATALO SA ALAMAT "Nothing wrong with losing  to a legend." - Thurman isa iyong kaygandang komento kaya ako sa kanya'y saludo nagpakatotoo ang natalo noong una'y di matanggap ito kapwa boksingero silang sikat subalit bangko'y di na binuhat nagpakumbaba nang madalumat na tumalo sa kanya'y alamat sa una'y kay-angas magsalita na di maitikom ang bunganga tila sinisilihan ang dila hanggang naglabanan silang sadya wala pang talo sa rekord niya hanggang nagsagupa na talaga sa unang round, siya'y bumagsak na nakatayo, tuloy ang giyera nang matapos, sino ang nagwagi? talo ang may maangas na labi alamat ang sa kanya'y gumapi na sa walong dibisyon naghari - gregoriovbituinjr. 09.20.2023