Nais na regalo
NAIS NA REGALO kung nag-iisip ka ng regalo sa akin isang aklat lang ang ibigay mo sa Pasko ang Voice from the Underworld ni Maningning Miclat ang On Writing ng horror writer Stephen King pati Bagong Diksiyonaryong Filipino ang aklat ng mga kaibigang makata ang libro nina Glen Sales, Jason Chancoco, Joel Costa Malabanan, Danilo Diaz at iba pang makatang may sariling libro suportahan ang aklat ng kapwa makata aklat ng kasaysayan ng Kamalaysayan aklat ng sanaysay ng awtor na batikan daghang salamat, sapat na sa akin iyan wala nang ibang regalo kundi aklat lang iyan ang sa akin na'y puspos kasiyahan - gregoriovbituinjr. 12.10.2022