Mga Post

Nabasa kong tatlong aklat ni Edgar Calabia Samar

Imahe
NABASA KONG TATLONG AKLAT NI EDGAR CALABIA SAMAR Una kong nakilala ang magaling na awtor na si Edgar Calabia Samar noong maging kaklase ko siya sa Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) mula Setyembre 2001 hanggang Marso 2002 sa UST. At ngayon ay sikat na siyang awtor ng mga libro. Tatlo sa kanyang mga aklat ang nabili ko na. Ang una ay ang  Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela , na nabili ko sa isang forum na pampanitikan sa Recto Hall, UP Diliman noong Nobyembre 18, 2014, sa halagang P250.00, 200 pahina. Ang ikalawa ay ang  Mga Nilalang na Kagila-gilalas , na nabili ko sa Fully Booked sa Gateway sa Cubao noong Marso 7, 2020, sa halagang P299.00, 276 pahina. At ang ikatlo ay ang  Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon , na nabili ko rin sa Fully Booked sa Gateway sa Cubao nito lang Enero 3, 2022, sa halagang P175.00, na may 190 pahina. Agad kong natapos basahin ang Janus Silang sa loob lang ng isang linggo. Basta may libreng oras, agad kong bi...

Pag-asa

Imahe
PAG-ASA isang marubdob na pakikiisa sa  Partido Lakas ng Masa  na sa ngayon ay nagpapatakbo ng kandidatong manggagawa sa pagkapangulo, bise presidente at tatlo para sa senado ating ipanalo ang  Partido Lakas ng Masa sa partylist, at biguin ang mga dinastiya Manggagawa Naman  ang iluklok sa pulitika sila'ng dahilan kaya umunlad ang ekonomya ibabagsak natin ang mga trapong mapagpanggap mga kandidato ng kapitalistang mahayap na sa manggagawa't dukha'y di naman lumilingap kaya ang mga ito'y patuloy sa paghihirap ah, pag-asa ang sa Partido'y aming natatanaw na sa kabulukan ng sistema'y siyang lulusaw pagbabago't lipunang makatao ang lilitaw na siyang ating adhikain sa bawat pag-igpaw - gregoriovbituinjr. 01.09.2022 * selfie ng makatang gala sa tapat ng tanggapan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa Pasig

Paracetamol

Imahe
PARACETAMOL kahindik-hindik na balitang umabot sa masa wala nang mabiling paracetamol sa botika nagkakaubusan, paano ngayong maysakit ka ubo't nilalagnat, sana'y di COVID iyan, iha sa usaping supply and demand, tataas ang presyo ng produktong kulang sa suplay na nais ng tao kung sobra ang suplay, dapat magamit ang produkto ay tiyak na magmumura naman ang presyo nito  lalo ngayong omicron variant daw ay lumalala at mas matindi pa raw sa ibang virus ang taya kaya sa mga botika ang mga tao'y dagsa nang makabiling gamot sa sakit na nagbabadya di natin masisisi kung mga tao'y dagsaan lalo sa balitang gamot ay nagkakaubusan dahil iyon ay mayor nating pangangailangan upang buhay ng pamilya'y agad masagip naman sana'y walang mag-hoarding ng mga produktong iyon ilalabas saka ibebentang mas mahal yaon bulsa ng kapitalista'y tiba-tiba na roon dapat parusahan ang gagawa ng krimeng iyon - gregoriovbituinjr. 01.09.2022 * balitang halaw sa pahayagang tabloid na  Pilipino S...

Lansangan

Imahe
LANSANGAN madalas kong tahakin ang aspaltadong lansangan na sa tuwina'y mabibilis yaong mga hakbang animo'y hinahabol ng mga sigbin at aswang habang nangangamoy asupre yaong lupang tigang di ko mawari sinong sa akin ay sumusunod tatambangan ba dahil sa bayan ay naglilingkod dahil ba ako'y isang masugid na tagasunod bilang aktibistang sa rali raw sugod ng sugod ngunit payapa pa rin akong sa daan tumawid panatag ang loob na sa dilim di mabubulid habang samutsaring isyu ng bayan ay di lingid patuloy ang pagbaka habang nagmamasid-masid dapat pandama'y patalasin at laging ihasa upang maging handa sa mga daratal na sigwa lalagi akong kakampi ng uring manggagawa habang tinatahak ang landas ng kapwa dalita - gregoriovbituinjr. 01.09.2022

Bawal dumura sa basurahan

Imahe
BAWAL DUMURA SA BASURAHAN paalala yaon bagamat nakakairita payak na abiso subalit nakakataranta bawal dumura sa basurahan, ang paalala nakakadiri kung sa basurahan dudura ka maghahanap ka pa ba ng kubeta o lababo kung malayo pa iyon sa kinaroroonan mo upang makadura lang ay lalakad at tatakbo saan dudura, lilinga doon, lilinga dito sinong pipigil na dumura ka sa basurahan kung kailangan mo nang ilabas sa lalamunan ang plemang idadahak, ay, nakakadiri naman mabuti nga't sa basurahan, di kung saan-saan na sa nag-aayos ng basura'y kadiri iyon lalo't di mo sila sinuswelduhan sa pagtapon may dignidad din sila, dapat respetuhin iyon kahit basurero man ang napasukang propesyon wala ka pang dalang tissue, doon sana dumahak kung may sakit ka, kapwa'y di mahawa't mapahamak tipunin sa isang plastik, sa bag muna iimbak saka itapon sa basurahan, payo ko'y payak tawag na ng kalikasan ang bigla mong pagdura uhog man o plemang nais mong agad na mawala kaysa nasa lalamunan at ma...

Puso

Imahe
PUSO nadaanan ko sa tindahan ng mga bulaklak ang isang halamang anyong puso, nakagagalak magandang tanawin sa mga naroong pinitak ngayon lang nakita iyon, kaya ako'y nagkodak lalo pa't nalalapit na ang  Pebrero Katorse ang Araw ng mga Puso , handog at pasakalye habang malayo pa ang  Setyembre Bente Nuwebe na World Heart Day  naman, alagaan ang pusong ire kasama si misis nang makita'y halamang puso sa mismong kaarawan niya habang sinusuyo kaysarap masdan ng pusong tanim, nararahuyo upang itanim din namin ito kahit sa paso na araw-araw dapat lagi itong dinidilig upang tuluyang mapalago ang iwing pag-ibig katapatan ng pagmamahal sa bawat pagniig at sa anumang paninibugho'y di palulupig - gregoriovbituinjr. 01.07.2022

Sa maybahay

Imahe
SA MAYBAHAY maligayang kaarawan sa tangi kong maybahay pagbati ng pag-ibig, sa puso nagmulang tunay nawa'y lagi kang malusog, nasa mabuting lagay habang magkatuwang tayong naritong nagsisikhay kahit sa pagtanda mo'y manatili ang alindog tulad ng isang diwatang pagsinta yaong handog sa pagmamahal at paglalambing ay laging busog sapagkat natatanging mutya kitang iniirog O, mahal kong Liberty, maligayang kaarawan taospusong pasasalamat, lagi kang nariyan O, Kalayaan, kaiga-igaya mong pangalan na alay sa akin ay matatag na kahulugan mahal ko, sa mundo'y natatangi kitang diyosa sa pagsikat ng araw ay tala ka sa umaga maybahay kitang laging nasa puso ko tuwina narito lang akong nakasuporta sa'yo, sinta - gregoriovbituinjr. 01.06.2022

407

Imahe
407 kahindik-hindik na bilang ang doon naiulat na animo'y istatistika lang na sumambulat kung di isiping buhay ng tao'y nawalang sukat numero lang ba iyan o tao, nakagugulat sinalanta ng bagyong Odette ay di matingkala lalo't bata't matatanda'y dinaluhong ng sigwa apatnaraan at pitong katao na'y nawala may pitumpu't walong buhay pang hinahanap sadya nagbabagong klima ba'y paano uunawain kung nanalasang sigwa'y anong tinding kaharapin sapat bang fossil fuel at plantang coal ay sisihin at ipanawagang ang mga ito'y patigilin nag-usap-usap ang mga bansa hinggil sa klima bago pa ang bagyong Odette sa bansa'y manalasa emisyon ng bawat bansa'y dapat mabawasan na susunod kaya ang mga bansang kapitalista sa nasalanta ng bagyo, sinong dapat masingil sinong mananagot sa mga buhay na nakitil o walang masisisi, kalikasan ang sumiil o may dapat singilin, ang kapitalismong taksil - gregoriovbituinjr. 01.05.2022 *  datos mula sa pahayagang Abante Tonite,...

Dapithapon

Imahe
DAPITHAPON pansin niya, kung magsalita ako'y anong tipid animo'y napipipi, madalas na nauumid ngunit pag bumuka ang bibig, may kung anong hatid na paksang di tulak-kabiging nagsala-salabid matimping pananalita at matipid na ngiti sa kongkretong kalagayan ay madalas magsuri nais itanim sa paso ang samutsaring binhi sa kalunsurang sementado na'y di pa mawari habang apuhap ang mga paksang dapat masulat tulad ng sanaysay at kwentong di pa mahalungkat marapat bang payak ang paksa o nakagugulat dapithapon na sa aplaya at pinupulikat baka mas mabuting magsulat na lang ang makata doon lang madaldal ang kanyang bolpeng tila tingga salitang umaalingawngaw sa putik at baha huwag lamang mabulid sa dilim ang mga kataga - gregoriovbituinjr. 01.04.2022

Mga halaw na salawikain

Imahe
MGA HALAW NA SALAWIKAIN sinumang di lumingon sa kanyang pinanggalingan ay di makararating sa dapat na paroonan kung naging mahinahon ka sa panahon ng poot tiyak maiiwasan mo ang sandaang sigalot ang taong gumagamit ng pwersa laban sa bayan sakim sa kapangyarihan at sala sa katwiran marami riyang matapang sa kapwa Pilipino subalit nakayuko naman sa harap ng dayo anumang hiniram mo'y isauli o palitan upang sa susunod, di madala ang hiniraman hangga't maikli ang kumot, magtiis mamaluktot pag mahaba na'y umunat nang likod ay di hukot ang di lumalaban sa mga mapagsamantala kundi duwag ay utak-alipin o palamara ang batang mausisa at tuwina'y palatanong sa kalaunan ay lalaki itong anong dunong yaong ganid sa yaman at pribadong pag-aari siya ring mapagsamantala't nag-aastang hari kung saan may asukal, tiyak naroon ang langgam yaong tapat ang pagsinta'y di agad mapaparam bungang hinog sa pilit, kung kainin ay mapait matamis na kendi'y sisira sa ngipin ng paslit kung ...