Mga Post

Kinalabosong upos

Imahe
KINALABOSONG UPOS K ita nyo bang sa dagat, mga upos na'y nagkalat? I katlo raw ito sa laksang basura sa dagat N aisip nyo bang sa upos, mga isda'y bubundat? A t pagkamatay nila sa upos sa budhi'y sumbat L agi nating isipin ang buti nitong daigdig A ng dagat na'y nasaktan, pati pusong pumipintig B asurang nagkalat sa kalamnan niya'y yumanig O , dapat itong wakasan, tayo'y magkapitbisig S imulan nating sagipin ang ating karagatan O  kaya'y mag-umpisa sa ating mga tahanan N aglipanang upos ay gawan natin ng paraan G umising na't magsikilos para sa kalikasan U pos ay kinulong ko sa bote bilang simula P ag dagat ay pulos upos, mga isda'y kawawa O o, ito'y pagkain, aakalain ng isda S umpa iyang upos sa dagat, problemang kaylubha -gregbituinjr.

Pope Francis' prayer for countering fake news, translated from English to Filipino language

Imahe
Pope Francis' prayer for countering fake news, translated from English to Filipino language by Gregorio V. Bituin Jr.

Paglalakbay sa Quiapo

Imahe
PAGLALAKBAY SA QUIAPO ni Gregorio V. Bituin Jr. 15 pantig bawat taludtod tigib sa pakikipagsapalaran ang Quiapo tila ba lahat ng lansangan ay doon patungo pagkat ito'y sentro ng makasaysayang pangako ng mga namamanatang may pusong nagdurugo ang ngalan nito'y halamang ilog ang pinagmulan maraming paroo't parito, mataong lansangan karamihan ay patungo sa tanyag na simbahan umaasang mapatawad sa mga kasalanan puno ng tao ang simbahan ng Bathalang Itim habang sa gilid nito'y tindahan ng anting-anting maglakad kita't kayraming panturistang tanawin mga kalinangan ng iba't ibang bayan natin sa pusod nito'y naroroon ang Plaza Miranda isang malayang parisukat ng nakikibaka lunsaran ng mga rali't talumpati ng masa na pinasabugan noong panahong diktadurya Quiapo'y sentro ng kalakalan ng mahihirap bagsakan ng murang produkto, bungang masasarap nakakabili ng tingi, baratin ang kausap listo ka't baka pera mo'y palitan ng kahara...

Kapanatagan sa Banlik ng Panatag

Imahe
Ito ang ikalawa kong tula hinggil sa Panatag Shoal.

Ang Adaptasyon at ang Mitigasyon

Imahe

Ang Banlik ng Panatag

Imahe