BISIKLETA nais kong bumili ng bisikleta nang magamit ang bike lane sa kalsada haha, at mali yata ang hinuha may bike lane dahil may nagbisikleta pamasahe'y matitipid mo naman mararating agad ang pupuntahan mapapalakas ang pangangatawan pati baga, tuhod, alak-alakan naglagay ng bike lane para sa masa na karaniwang tabi ng bangketa dati wala niyan, ngayon, meron na na para nga sa nagbibisikleta sa trapik ay di ka na magtitiis maiaangkas pa rito si misis na iyong sinundo mula sa opis huwag lang magpatakbo ng mabilis dahil di ka naman nangangarera di ka rin naman hari ng kalsada mag-ingat baka makabangga ka pa kung pinangkarera ang bisikleta magbisikleta'y magandang diskarte upang iwas-trapik, nakakalibre ka pa sa nagmahal nang pamasahe huwag lang itong tangayin ng bwitre huwag itong hayaan sa kawatan at huwag iparking kung saan na lang bisikleta'y utol at kaibigan na marapat mo lang na pag-ingatan - gregoriovbituinjr. 02.11.2022
WAKASAN ANG CHILD LABOR SA PILIPINAS sa murang edad ay nagtatrabaho na ang bata habang kontraktwal na magulang ay walang magawa ang gobyerno sila'y hinahayaan na lang yata panawagan ko'y wakasan ang child labor sa bansa dapat sa murang edad nila'y nasa paaralan masaya sa panahon ng kanilang kabataan ang Convention of the Rights of the Child ay ginagalang at kinikilala ang bawat nilang karapatan karapatan ng bawat batang mabigyang proteksyon may tahanan at pamilya, walang diskriminasyon magpahayag ng sariling pananaw o opinyon sapat na pagkain, magkaroon ng edukasyon subalit dahil sa child labor, kaybilis tumanda batang katawan ay nabatak ng husto't kawawa ama'y walang trabaho, bata'y naging manggagawa ika nga, bata, bata, paano ka ba ginawa di mabayarang tama ang trabaho nila't pagod di makaangal ang bata sa mababang pasahod dinadaya na ang bata, gobyerno'y nakatanghod? habang sa child labor, kapitalista'y nalulugod! dapat madanas nila ang pagiging...
LANSANGAN madalas kong tahakin ang aspaltadong lansangan na sa tuwina'y mabibilis yaong mga hakbang animo'y hinahabol ng mga sigbin at aswang habang nangangamoy asupre yaong lupang tigang di ko mawari sinong sa akin ay sumusunod tatambangan ba dahil sa bayan ay naglilingkod dahil ba ako'y isang masugid na tagasunod bilang aktibistang sa rali raw sugod ng sugod ngunit payapa pa rin akong sa daan tumawid panatag ang loob na sa dilim di mabubulid habang samutsaring isyu ng bayan ay di lingid patuloy ang pagbaka habang nagmamasid-masid dapat pandama'y patalasin at laging ihasa upang maging handa sa mga daratal na sigwa lalagi akong kakampi ng uring manggagawa habang tinatahak ang landas ng kapwa dalita - gregoriovbituinjr. 01.09.2022
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento