Muni sa gakgakan
Muni sa gakgakan sayang lamang ang buhay mo kung wala kang layunin sa buhay kundi magtrabaho, matulog, kumain sayang lang ang buhay mo kung wala kang adhikain kundi magpasarap, lumaklak, lumamon, wala rin sabagay, ano nga bang pakialam ko sa iyo kung iyan na ang landas na piniling tahakin mo subalit huwag mong punahin kung anong pinili ko lalo't minsan lang tayong mabuhay sa mundong ito tinahak ko'y aktibismo, may layuning marangal para sa bayan, masa, manggagawang nagpapagal sinapuso't sinaisip, prinsipyo'y ikinintal ipaglaban ang karapatan, katarungan, dangal iba ako, iba ka, ako'y isang aktibista huwag mong hanapin sa akin ang di mo makita huwag mo akong itulad sa iyo, manalig ka mamamatay akong sa kapwa'y di nanamantala - gregoriovbituinjr. * gakgakan - daldalan ng dalawang tao, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 380 * Litratong kuha ng makatang gala habang naglalakad kung saan-saan.