Gawaing pagsasalin
GAWAING PAGSASALIN nang maiburol si ama noong nakaraang taon may gawaing pagsasalin ako noong tinatapos nang ibinurol si misis na namatay din sa sakit may gawaing pagsasalin ako ngayong tinatapos nitong Marso'y inilunsad ang aklat kong isinalin ilang taong nakaraan ay tatlong aklat pambata pagsasalin ay trabaho kong pinagkakakitaan trabaho'y tuloy, panahon man ng pagdadalamhati may deadline, nais tapusin kahit nasa burol man din isang gawaing niyakap ng buong puso't layunin - gregoriovbituinjr. 06.17.2025