MUTUAL AID, DI LIMOS, ANG COMMUNITY PANTRY ito'y hindi limos, kundi pag-agapay sa kapwa hindi kawanggawa kundi pagtutulungang kusa bigayan, ambagan, damayan, kaisahang diwa hindi charity, kundi mutual aid, ang siyang tama iyan ang paglalarawan sa community pantry damayan ng bawat isa, di limos, di charity salamat kung naipaliwanag itong mabuti upang hindi i-redtag ng mga loko't salbahe prinsipyo dito'y magbigay ayon sa kakayahan at kumuha lang ayon sa iyong pangangailangan sa bawat araw at kapwa'y iisipin din naman na siyang patnubay natin sa pagbabayanihan di ba't kaygandang konsepto ng community pantry na sa panahong ito'y nagdamayan ang marami - gregoriovbituinjr. * Balita mula sa: https://newsinfo.inquirer.net/1420463/community-pantry-not-charity-but-mutual-aid
LANSANGAN madalas kong tahakin ang aspaltadong lansangan na sa tuwina'y mabibilis yaong mga hakbang animo'y hinahabol ng mga sigbin at aswang habang nangangamoy asupre yaong lupang tigang di ko mawari sinong sa akin ay sumusunod tatambangan ba dahil sa bayan ay naglilingkod dahil ba ako'y isang masugid na tagasunod bilang aktibistang sa rali raw sugod ng sugod ngunit payapa pa rin akong sa daan tumawid panatag ang loob na sa dilim di mabubulid habang samutsaring isyu ng bayan ay di lingid patuloy ang pagbaka habang nagmamasid-masid dapat pandama'y patalasin at laging ihasa upang maging handa sa mga daratal na sigwa lalagi akong kakampi ng uring manggagawa habang tinatahak ang landas ng kapwa dalita - gregoriovbituinjr. 01.09.2022
TANAGA SA UPOS ang nagkalat na upos sa paligid na'y ulos! solusyon bang papatos ay sangkaterbang kutos? - gregoriovbituinjr. 07.13.2022 * tanaga - taal na tulang may pitong pantig bawat taludtod
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento