Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2020

Ako at si Ho Chi Minh

Imahe
dahil sa lockdown, mahaba na rin ang aking balbas subalit di naman pangit pag iyong namamalas marahil ito'y dahil din sa tinutungong landas upang itayo ang lipunang makatao't patas animo ako'y si Ho Chi Minh na aking idolo na sa Vietnam ay isang lider rebolusyonaryo siya'y Leninista ring nangarap ng pababago haba ng balbas niya'y sagisag ba ng talino? nagagaya man ako sa balbas niyang mahaba ay binabasa ko pa rin ang kanyang akda't tula naisalin ko nga ang isang tula niyang katha at marahil dagdag na misyong dapat kong magawa hanggang ngayon, inaaral ang kanilang istorya at baka may matutunan sa kasaysayan nila maisulat ito't maibahagi rin sa masa habang di pa maahit ang balbas kong mahaba na - gregbituinjr.

Pampalakas ang sinturis

Imahe
nakahiligan ko na ang bumili ng sinturis, dalandan, o dalanghita, ito man ay matamis, o di gaanong maasim, sa sikmura'y panlinis, gagaan ang pakiramdam, katawan ma'y manipis bukod sa init ng araw, ito'y bitamina rin pampatibay umano ng kalamnan, buto't ngipin pampalakas ng resistensya pag iyong kinain mabuti nang mayroon ka nito kung may gagawin kumain ng sinturis, dalanghita o dalandan upang tumibay ka, kalamnan mo, puso't isipan matutuwa pa ang iyong mga kamag-anakan lulusog na sila'y mapuno pa ng kagalakan kaya pag tagsinturis na'y bibili ng madalas upang sa anumang sakit ay may agarang lunas pampasigla na, pampasaya pa, at pampalakas maganda ring ihanda pag may pulong ka sa labas - gregbituinjr.

Patuloy na pagsagot ng palaisipan

Imahe
patuloy ang aking pagsagot ng palaisipan na bigay lang sa akin upang may magawa naman mga palaisipang sadya mong kagigiliwan na bawat libreto'y dalawampu't pito ang laman kaya ang dalawang libreto'y limampu't apat na sa panahong may lockdown, pagsagot dito'y kaysaya sinimulan kong sagutan noong isang araw pa ng dalawang libretong natapos ko lang kanina tila palaisipan ay imbensyong may adhika lalo't tinatahi'y salita ng abang makata na bawat bagong salita'y tinatandaang pawa sapagkat magagamit din sa pagkatha ng tula bata pa nang sa palaisipan na'y nahihilig krosword na tagalog sa dyaryo'y bibilhin na't ibig minsan may salita roong di mo pa naririnig na pag iyong ginamit sa tula'y nakakaantig - gregbituinjr.

Pabaon sa sanlinggong pagkawala

Imahe
pababaunan kita ng laksa-laksang gunita upang di malungkot sa sanlinggo mong pagkawala saanman pumaroon, ikaw ang tanging diwata sa panaginip man o sa buhay kong anong sigla para sa mabuti ang seminar mong dinaluhan na matapos iyon ay makakatulong sa bayan magiging frontliner sa magiging trabahong iyan upang kahit papaano, sakit ay maiwasan mananaginip ako mamayang di ka katabi subalit nasa panagimpan ka, O, binibini bago matulog, tititigan ang langit sa gabi at baka naroroon ka sa aking pagmumuni may dalawang bituing magkayakap sa magdamag habang inaawit ang damdamin sa nililiyag ang tanging puso sa sinisinta'y inihahapag uukit ang pag-ibig bago araw ay suminag - gregbituinjr.

Mula 1 metro'y naging 1.5 metrong physical distancing

Imahe
Mula 1 metro'y naging 1.5 metrong physical distancing nakapagpalitrato na sa isang karatula na physical distancing ay isang metrong distansya ngayon naman, aba'y isa't kalahating metro na isipin mo kaya bakit ito'y nadagdagan pa magmula isang metro'y naging isa't kalahati marahil ito'y isa ring pagbabakasakali mas matindi ang ikalawa, dama'y di mawari kalahating dagdag ba'y dahil meron pang nasawi? tunay ngang kayraming namatay sa coronavirus kung susuriin ang mga nailabas nang datos anong paliwanag? ang isang metro kaya'y kapos? dinagdag bang kalahati'y upang malubos-lubos? isang metro, isa't kalahati, o dalawa man ang mahalaga'y ating isinasaalang-alang ang agwat upang sa sakit ay di magkahawaan kaya ingat lagi, siguruhin ang kalusugan - gregbituinjr.

Tatlong boteng walang laman para i-ekobrik

Imahe
tatlong bote ng Cobrang walang laman muna ngayon pupunuin ng mga ginupit na plastik iyon bubunuin ko ang gawaing iyon sa maghapon na baka nga abutin pa ng isang linggo roon ah, tatlong bote lang muna, kalaban ay mahina mabuting may ginagawa kaysa nakatunganga para sa kalikasan, at ako'y may napapala habang nageekobrik ay naglalaro ang diwa samutsaring paksa ang dumadaloy sa isipan hinahabi ang mga akdang sa diwa'y naiwan ang mga taludtod at saknong nga'y sinasalansan pinagsasalita rin ang anino sa kawalan nagtatapos at nagtatapos ang pageekobrik habang sa isip, may nakatha habang nagsisiksik sa mga bote ng pinaggupit-gupit na plastik at pag nagpahinga, nasa diwa'y isasatitik - gregbituinjr.

Isang metrong agwat na physical distancing

Imahe
Isang metrong agwat na physical distancing nadaanan din lang namin ang karatulang iyon ay nagpakuha na ng litrato sa tabi niyon bilang patunay ng isang metrong layo ang layon ng physical distancing na pinatakaran ngayon tunay ngang nais nating proteksyunan bawat isa kaya kahit isang metro lang, layu-layo muna bawal bumahin, bawal walang facemask sa tuwina saanman, kalsada, palengke, botika, groserya 'No facemask, no entry' at 'one meter' dapat ang agwat ng bawat isa, may physical distancing daw dapat bagamat paalala upang di mahawang sukat isang paalala iyong hangad kong maurirat bakit isang metro, di dalawa, tatlo o lima ito ba'y pagbabakasakali, di ko nabasa tiyak kong may batayan ang isang metrong distansya marahil pag ating inaral sa matematika marahil isang metro'y sapat upang di mahawa ng nakakadiring virus na naglipanang sadya di man nabasa ang batayan kung saan nagmula mahalaga, isang metro'y tupdin at maunawa - gregbit

Pahimakas kay Ka Susan Quimpo

Imahe
Pahimakas kay Ka Susan Quimpo sa tapat ng Korte Suprema unang nakilala si Mam Susan Quimpo, na sa wari ko'y aktibista may rali roon tungkol sa paglibing sa diktador sa Libingan ng mga Bayani, aba'y que horror at binati niya ako matapos kong bumigkas ng likha kong tula sa munting programang palabas matapos iyon ay marami pang mga pagkilos ang sinamahan upang huwag malibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani pagkat di ito bayani, anang taumbayan, "Marcos is No Hero" maraming grupong nabuo, Block Marcos, Coalition Against Marcos Burial, at iba pang organisasyon kung saan tula ko'y binibigkas ko sa kalsada pati na sa isang konsyerto doon sa Luneta at naroon si Mam Susan, ngiti ang pasalubong animo'y isang ate, tiya, o inang naroon tawag nga niya sa akin ay si Greg, ang Makata na nakangiting babati matapos kong tumula isa sa awtor ng aklat na mamo-"move ka sa tears": “Subversive Lives: A Family Memoir of the Marcos Year

Anong batayan ng isang metro sa social distancing?

Imahe
Anong batayan ng isang metro sa social distancing? bakit sa social distancing, ang layo'y isang metro? ito'y narinig ko lang sa balita't mga tao bakit di dalawa, tatlo, apat, lima, o pito? anong matematikang batayan ng metrong ito? upang virus ay masugpo o di mahawa nito? pag bumahin ka ba'y di na aabot sa kaharap? lalo't tinakpan agad ang ilong sa isang iglap mahirap bumahin nang may facemask, baka malasap mo'y sakit, lalo't sariling virus na ang nalanghap kaya isang metrong agwat ba'y isa nang paglingap? sa dyip ngayon, may plastik na harang sa katabi mo saan man magpunta, dapat ba't laging isang metro? magtungo ka man sa grocery, mall, botika, bangko? maglakad sa bangketa, lumayo sa kasunod mo? nasa palengke man o kumain sa turo-turo? yaon bang nagka-COVID at namatay ba'y lumabag? sa batayang isang metro, o sinabi ko'y hungkag? libu-libo'y namatay, agwat ba'y may paliwanag? hinahanap

Di ko inugaling mangutang

Imahe
Di ko inugaling mangutang di ko rin naman naging ugali ang pangungutang sapagkat baka di ko maibalik ang hiniram wala akong kapasidad upang agad bayaran ito kaya minabuti kong huwag nang mangutang iyan ang aking tindig, lalo't butas pa ang bulsa pinaplano ang gagastusin at pinagkakasya huwag bumili ng anumang luho kung di kaya depende ang kakainin kung magkano ang pera mura ang gulay, kung may tanim, libre't malulugod pipitas lang lalo't walang trabaho, walang sahod ngayon pa'y panahon ng panagip o "survival mode" mabuti pang magbasa ng aklat kaysa manood ayokong mabuhay upang magbayad lang ng utang ilang taon ang bubunuin upang bayaran lang ang inutang, hukluban ka na'y di pa nabayaran ayokong nabubuhay ng may utang kaninuman baka mangutang kung buhay at kamatayan ito halimbawa'y agaw-buhay sa ospital ang tao kung pera ang magliligtas sa buhay niyang ito isasangla ko na ang buhay ko, uutang ako - gregbituinjr. 07.22.2020

Pahimakas na tula para kay Ka Miles

Imahe
Pahimakas na tula para kay Ka Miles isang taas-kamaong pagpupugay kay Ka Milo lider ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino noon at nagsilbing sekretaryo heneral nito magaling na lider, organisador, at obrero dating estudyante sa Feati University na tulad ko'y namulat bilang tibak sa Feati magaling siyang magsuri, marahil pa'y cum laude inalay ang buhay at sa uri't bayan nagsilbi batikan siyang organisador ng manggagawa matalisik magsulat ng mga isyu ng madla malinaw, madaling unawain ang kanyang akda bagamat malalim na puso't diwa'y tinutudla minsan, nabalita sa dyaryo ang kanyang pangalan na inaakusahang rebelde ng kapulisan sumama ako, apat kami, puntang Caloocan una'y sa presinto, di doon, kundi sa kulungan ang hepe sa balita'y naroon, kausap nila naiwan ako sa sasakyan, di na pinasama matagal sila sa loob, buti't naayos nila ang gusot na iyon, nangyaring aking naalala sa tanggapan ng B.M.P.'y nakasamang matagal pansin

Inspirasyon ang sinabi ni Sofia Kovalevskaya

Imahe
"It is impossible to be a mathematician without being a poet in soul."  - Sofia Kovalevskaya (Feb 15, 1950 - Feb 10, 1991), Russian mathematician sinabi nga noon ni Sofia Kovalevskaya na babaeng Rusong sa matematika'y kilala: "Imposible ang maging paham sa matematika kung di ka makata ng buong puso't kaluluwa." ang kanyang sinabing ito'y nagsilbing inspirasyon sa akin, makatang kumuha ng B.S. Math noon at kaysarap tuloy balikan ang mga ekwasyon, theorem, at iba pa sa pagdaan ng panahon ilang dekada na ring mga tula'y kinakatha inuunawa ang anuman, iba't ibang paksa sinabi ni Kovalevskaya'y tumining sa diwa kaya naritong matematika'y itinutula tula't sanaysay sa matematika'y tututukan titipunin ang mga akda sa munting aklatan na balang araw ay maisaaklat kong tuluyan at sa bagong henerasyon ay ibahagi naman - gregbituinjr.

Pagluluto ng kampanilyang sili

Imahe
namimigay ng libreng bell pepper sa nadaanan kaya nang aming makita'y nanghingi ng iilan namigay na iyon ay aming pinasalamatan at pagdating ng bahay ay agad kong hinugasan ang kampanilyang sili'y ginayat ko ng pahaba at doon sa kawali'y ginisa ko sa mantika pinalutong, aba'y anong sarap ng naihanda sa tanghalian, linamnam nito'y nakamamangha marahil sa kalusugan, ito'y makaganda rin may bitamina't mineral din itong makakain marahil, gawing pulutan sa inyong totomain at mga buto nito'y mabuting iyong itanim tikman mo rin itong ginisang kampanilyang sili tiyak sa sarap nito'y di ka mag-aatubili baka mapatula ka pa't maraming masasabi ingat, baka sa busog mo'y makatulog sa tabi - gregbituinjr.

Sinigang na bangus at adobong sitaw

Imahe
sinigang na bangus at adobong sitaw ang ulam karne'y iniwasan na ng sikmurang kumakalam lalo't malusog na pangangatawan itong asam kumain daw lagi ng pampalakas, anang paham kaya pagkain ng laman ay iniwasan ko na bagay na marahil sa iba'y nakapagtataka kumain ng paborito kong porkchop na'y bihira ang pag-iwas sa karne'y mas lalong nakakagana pagiging vegetarian nga'y naging panuntunan ko maggulay lagi, sitaw, talong, okra, talbos, upo sa pagiging budgetarian ay matagal na ako di bibilhin ang mahal, laging mura ang hanap ko pag nagkita tayo, huwag nang maghanda ng karne kamatis at bagoong lang, ayos na ako dine kung may gulay mang ihahanda, aba'y mas maigi salamat, inunawa mo ang aking sinasabi - gregbituinjr.

Pagtatanim ng talong sa karton ng gatas

Imahe
kanina'y nagtanim ng talong sa karton ng gatas lalagyang karton na nilagyan ko naman ng butas ginupit ang isang bahaging ngayon nakabukas nilagyan ng lupa't pataba, kaygandang mamalas sa lupa't patabang pinaghalo'y aking tinanim ang binhi ng talong habang langit ay nagdidilim may nagbabadyang unos, alapaap ay maitim sana'y lumago ang talong nang walang paninimdim kartong lagayan ng gatas na imbes ibasura ay gamitin upang tamnan ng talong na kayganda balang araw ay may aanihin, kaysarap pala sa pakiramdam, at di magugutom ang pamilya habang lockdown pa'y halina't magtanim-tanim tayo sa karton, lata ng sardinas, o plastik na baso sa walang lamang lalagyan imbes ibasura mo para sa kinabukasan ay may anihing totoo - gregbituinjr.

Nagpalitada ng hagdan

Imahe
dapat talagang naeehersisyo ang katawan at ngayon naman ako'y nagpalitada ng hagdan habang nasa lockdown, patulong-tulong pa rin naman sa munting gawain man ay maraming natutunan sa gawaing pagpapanday nga'y may nadamang saya lalo't tubig, buhangin, at semento'y pinagsama sa munting karanasan, may munting tula tuwina na balang araw, sa mga apo'y maibibida pinanood ko noon ang pagpalitadang ito na namasdan paano ginawa ng karpintero kaya nais ko ring gawin ay talagang pulido upang kahit ang sarili lang ay mapahanga ko dapat gagawing hagdan ay pantay na pantay, patag upang kalooban ng umapak dito'y panatag marahil, tagumpay ako rito't di matitinag at ito'y masisira lang pag sinadyang tinibag - gregbituinjr.

Pagkadulas

Imahe
kaninang umaga ako'y biglang nadulas dahil sa kawalang ingat ay nadupilas nawalan ng balanse, braso'y nagkagasgas gising na'y baka tulog pa, papungas-pungas dapat laging mag-ingat, bilin sa sarili lalo't nag-iisip, parang di mapakali kwarantinang ito'y di na kawili-wili walang maitulong sa bayan, tila bingi buti pang naging frontliner noong una pa sa kapwa tao'y baka nagbigay pag-asa kaysa ngayong masakuna ng walang kwenta o mensahe ito ng parating pang grasya mag-ingat, kagabi nga'y kaylakas ng ulan madulas ang lupa, lakad ay pag-ingatan tiyaking gising na't di tulog ang isipan maghilamos bago pumuntang palikuran - gregbituinjr.

Mananatili akong tibak hanggang kamatayan

mananatili akong tibak hanggang kamatayan at tutupdin ang misyon at tungkuling sinumpaan tungkuling atang sa balikat na di iiwasan bagkus ay gagampanan ng buong puso't isipan kaya bilang propagandista'y kakatha't kakatha angking pilosopiya'y iparating sa madla itaguyod ang prinsipyong tangan sa kapwa dukha baguhin ang sistemang bulok ang inaadhika bawat sanaysay, tula't pahayag ay nakatuon tungo sa minimithi't inaasam na direksyon sa paggapi sa mapagsamantala't mandarambong at kamtin ang hustisyang panlipunang nilalayon payak na pangarap lang iyan ng tulad kong tibak itinanim na binhi'y uusbong din sa pinitak isipin paanong bulok na sistema'y ibagsak upang manggagawa't dukha'y di gumapang sa lusak - gregbituinjr.

Ang katwiran ng bituka

Imahe
Ang katwiran ng bituka anila, binigyan na ng bahay ang maralita nang sa iskwater at barungbarong daw makawala subalit nang nasa relokasyon na'y biglang-bigla ibinenta ang bahay, bumalik sa dating lupa ang ibang nakakaalam ay napapailing lang lalo't di maunawaan ng kinauukulan bakit muling pumaroon sa dating karukhaan di pa ba sapat ang pabahay nilang inilaan kung tinanong muna nila ang mga maralita kung bahay ba ang problema kaya mukhang kawawa upang tamang kalutasan sa problema'y magawa at di sila itaboy sa malayong parang daga bakit sila mahirap, hanapin ang kasagutan bakit bahay na binigay ay kanilang iniwan pagkat di sapat ang bahay kung walang kabuhayan kayhirap kung danasin ng pamilya'y kagutuman sa pinagtapunan sa kanila'y walang serbisyo mag-iigib sila sa sapa o malayong poso walang kuryente kaya di makapanood dito mabuti kung may maayos kang de-bateryang radyo ospital ay kaylayo, paano pag nagkasakit

Nasa malayong lugar man, patuloy sa pagbaka

Imahe
Nasa malayong lugar man, patuloy sa pagbaka nasa malayong lugar man, patuloy sa pagbaka nasa kanayunan man, narito't nakikiisa sa sama-samang pagkilos ay nais kong sumama tulad ng dati, nang ako'y nasa kalunsuran pa malayo man sa lungsod, pagkat narito sa bundok isyu ng bayang sa hininga'y nakasusulasok ay nababatid, kaya muli ngayong lumalahok bilang tungkulin sa bayan, buti na lang may pesbuk nais kong lumuwas subalit wala pang biyahe nananatiling mailap ang anumang diskarte di makapagpaalam lalo't walang pamasahe di basta aalis ng walang paalam, di pwede kahit narito'y kumikilos para sa layunin malayo man, pinagpapatuloy ang adhikain sa abot ng makakaya'y gagawin ang tungkulin para sa bayan, sa uri, at kapwa dukha natin - gregbituinjr. 07.07.2020

Mensahe sa ika-128 anibersaryo ng Katipunan

Imahe
Mensahe sa ika-128 anibersaryo ng Katipunan ngayong araw ay muling sariwain ang Kartilya ng Katipunan, na sa bayan ay isang pamana isabuhay ang Kartilyang itong inakda nila bilang pagpupugay sa mga bayani ng masa ang buhay na di ginugol sa dakilang layunin ay damong makamandag o kahoy na walang lilim oras ay mahalaga, mahusay itong gamitin sinumang mapang-api'y dapat nating kabakahin sinumang naaapi'y ipagtanggol nating todo bilin pa nila'y makipagkapwa't magpakatao wala sa kulay ng balat, tangos ng ilong ito alagaan ang babaeng kawangis ng ina mo mahalagahin mo ang saloobin mo't salita na dapat mong tupdin pagkat salita'y panunumpa puri't karangalan ay huwag binabalewala bawat sinaad sa Kartilya'y isapuso't diwa pagpupugay sa anibersaryo ng Katipunan isabuhay natin ang Kartilya nitong iniwan bilang pag-alala sa kanilang kadakilaan upang kamtin ng bayan ang asam na kalayaan - gregbituinjr. 07.07.2020

Ang musa ng ekobrik

Imahe
Ang musa ng ekobrik paano ba gugupitin ang magandang larawan upang isama sa ekobrik ang imaheng iyan imbes sambahin ang mutyang inspirasyon din naman ay gupitin ang larawan sa plastik, kainaman anong katuturan kung larawang ito'y itago baka pag tinago mo'y may iba pang manibugho mabuti pang gupitin siyang di mo masusuyo at isiksik sa ekobrik upang siya'y maglaho inspirasyon din ang larawang ang mukha'y kayganda lalo na ang ngiting tunay na nakakahalina kahit di nito malutas ang kalam ng sikmura na pag tinitigan, nakabubusog din sa mata kunwari, siya si Maganda, ako si Malakas mula alamat ng bayan ay ginawang palabas siya'y ipagtatanggol ko laban sa mararahas siya ang kagandahang sasambahin mo ng wagas gugupitin ko ba ito o hindi? gugupitin! tiyak na marami pang ganitong may gandang angkin isasama ko siya sa ekobrik kong gagawin siya ang musa ng ekobrik sa mga titingin - gregbituinjr.

Pamumulot ng nagkalat na plastik

Imahe
mamumulot akong muli ng nagkalat na plastik tapon dito, tapon doon, minsan di makaimik di na inisip kung saan plastik ay sumisiksik kawalang disiplina sa basura'y hinahasik ayokong pagmasdan ang maruming kapaligiran kaya pupulutin ang basura sa kadawagan bakit ang mga lupa'y ginagawang  basurahan imbes na tamnan ito ng mapapakinabangan walang magawa kundi pulutin ang mga plastik labhan, banlawan, patuyuin, gagawing ekobrik pag tuyo na ito'y gugupitin at isisiksik sa boteng plastik, patitigasing katulad ng brick plastik na'y naglipana sa lupa, gubat, at laot sa nangyayaring ito'y sino ang dapat managot kundi tayo ring sa gawang ito'y nagpahintulot anong gagawin upang ito'y tuluyang malagot? - gregbituinjr.

Largabista

Imahe
plano kong bilhin ay isang matinding largabista at sumapi sa samahang meteorolohiya upang pag-aralan ang kalawakang anong ganda at maitula rin ang mga ito sa tuwina posisyon ng Big Dipper at Orion's Belt ba'y nahan? kayraming buwan daw ng Jupiter, ito ba'y ilan? Pluto'y di na planeta, alam mo ba ang dahilan? Mars daw ay mararating na ng tao... ows! kailan? di lang magbasa-basa, tingnan din sa teleskopyo upang Alpha Centauri'y makita nating totoo tunay nga ba ang sinabi noon ni Galileo sa Araw umiikot ang mga Buntala't Mundo? pag-aralan ang kalawakan, largabista'y bilhin tuwing gabi, buong kalawakan ay galugarin masdan mo ang buwan kung may sundang nga itong angkin at baka may pag-ibig sa pagkislap ng bituin - gregbituinjr.

Disenyo ko ng tshirt

Imahe
ako'y nagdisenyo ng tshirt na magandang masdan ang sulat:  "I'm a vegetarian and a budgetarian" na susuutin ko sa mga piging o handaan upang ang sarili na rin ay paalalahanan lalo't pinipigilan ko nang kumain ng laman o karne ng manok, baboy, kambing, o anupaman bagamat paminsan-minsan ay di rin mapigilan ang kumain ng paboritong pork chop sa restawran maging vegetarian, pulos gulay ang kakainin bagamat para sa protina'y mag-iisda pa rin upang lumusog ang pamilya'y ginawang tungkulin kalusugan ng bawat isa'y laging iisipin maging budgetarian, di lang dahil sa kwarantina magtipid-tipid na rin lalo't mahirap kumita sa ngayon tanging sa sariling diskarte aasa ang tatak sa tshirt na ito'y laging paalala - gregbituinjr.

Paggupit ng naipong plastik

Imahe
muli na namang maggugupit ng naipong plastik upang sa mga boteng plastik ay agad isiksik patitigasing parang hollow block, ie-ekobrik maggugupit-gupit pa ring walang patumpik-tumpik sino bang mag-aakalang ako'y makakarami na ito'y ginawa nang walang pag-aatubili naggugupit habang nagninilay, di mapakali gayunpaman, ang gawaing ito'y nakawiwili basta maraming naipong plastik, gagawin agad habang sariling ekonomya'y di pa umuusad habang sa isip, kung anu-anong ginagalugad habang naninilay na mundo'y nagiging baligtad naggugupit, nagninilay, pagkat walang magawa mahirap namang sa lockdown ay walang ginagawa naggugupit, nagninilay, huwag lang matulala gupit ng gupit, nilay ng nilay, tula ng tula - gregbituinjr.

Dagsip

Imahe
may katawagan palang katutubong Filipino sa matematika'y magagamit nating totoo halina't itaguyod ang katawagang ganito sa tula, dagli, ulat, sanaysay, maikling kwento titik 0 ang dagsip sa wala, 1 para sa isa 2 sa dalawa, 3 sa tatlo, 5 naman sa lima 4 sa apat, 6 sa anim, pito'y 7, ano pa 8 sa walo, 9 sa siyam, bata pa'y tinuro na korteng kurus ang dagsip sa pagdagdag o adisyon gitling naman ang dagsip sa pagbawas o subtraksyon ekis naman ang dagsip para sa multiplikasyon tutuldok-gitling o guhit-pahilig sa dibisyon dagsip, oo, dagsip ang tawag sa mga simbolo o markang ginamit para sa bilang o numero salitang Hiligaynon, may magagamit na tayo sa aritmetika't mga paksang kaugnay nito o, dagsip, na sa aming diwa't puso'y halukipkip naroon ka sa ekwasyong tuwina'y nahahagip kung labis o kulang ay tinitimbang, sinisilip ikaw ang sagisag ng sipnayang dapat malirip - gregbituinjr. *  dagsip  - salitang Hil

Pangunguha ng panggatong

Imahe
mag-isa akong nanguha ng panggatong sa gubat nang magamit sa pagluluto kung gasul na'y salat animo'y puno ng elena ang kahoy sa bigat sinibak ang mahahaba ng buong pag-iingat pagsisibak ng kahoy ang nakita kong gagawin nang hinawan ang gilid ng natatabingang saging kung hahawanin ang gubat sa dawag nitong angkin lalagyan ko ng dampa't paligid ay tatamnan din habang nasa lockdown, may bagong mapaglilibangan maghahawan at tatamnan ang munting kagubatan isa pa itong hakbang para sa kinabukasan at magsusulat sa gagawing dampang pahingahan magsibak at magtanim sa panahong kwarantina habang binabasa ang kaunting aklat na dala tila paraisong malayo sa mga problema na animo ako'y matagal nang namamahinga - gregbituinjr.

Pagtatanim ng alugbati

Imahe
sa munting plastik na basong itinapon na lamang ay napiling iyon ang sa alugbati'y pagtamnan upang basong plastik ay di maging basura't sayang pag alugbati'y lumago, may pang-ulam na naman sarili'y abalahin upang buryong ay maparam upang sa lockdown na ito'y di laging nagdaramdam kahit sa pagtatanim, dapat mayroon kang alam magsisipag pa rin, inspirasyon ang mga langgam ilaga mo ang alugbati't ito'y pampalusog gagaan ang pakiramdam ng katawang nabugbog dahil sa trabaho't alalahaning makadurog ng puso't ng kalamnang tila nagkalasug-lasog lalago ring magaganda ang mga alugbati ilaga ito't pampatibay ng tuhod at binti kaya sasalubungin tayo ng magandang ngiti pag alugbati'y nagsirami, maligayang bati - gregbituinjr.

Sa unang buwan ng labing-isang sisiw

Imahe
sa labing-isang sisiw, maligayang isang buwan buo pa ring kayong labing-isa, mabuti naman nawa'y manatiling malusog ang inyong katawan at magsama-sama pa rin kayo, walang iwanan unang araw ng Hunyo nang sa mundo'y bumulaga isang buwang nilimliman hanggang kayo'y napisa kaya kaming narito sa inyo'y mag-aalaga at magbibigay sa tuwina ng mga patuka pinalalabas na sa kulungan tuwing umaga upang salubungin ang bagong araw na kayganda kasama'y inahin, sa gabi kayo'y uuwi na pagkat ligtas sa kulungang tahanan magpahinga muli, sa inyong isang buwan, ako'y bumabati di man kayo tao, kayo'y nakapagpapangiti habang kami'y napagninilay ng tuwa't lunggati upang pabula'y maakda ko kahit ito'y munti - gregbituinjr. 07.01.2020