Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2020

Ang manipesto ng proletaryado

Imahe
Ang manipesto ng proletaryado magandang pagnilayan natin bawat sinasabi ng isang manipestong sa atin ay kakandili halina't basahin ito't unawaing maigi kasulatan itong dapat nating ipagmalaki pagnilayan natin ang apat nitong kabanata ipinaliwanag ang lipunan, anong adhika bakit may pinagsasamantalahan at kawawa? bakit may mapagsamantala't nang-aping kuhila? bakit pantay sa lipunang primitibo komunal? bakit may lipunang aliping ang tao'y animal? bakit ang magsasaka'y api sa lipunang pyudal? bakit obrero'y alipin sa lipunang kapital? bakit tinuring na ang kasaysayan ng lipunan ay kasaysayan din ng makauring tunggalian? bakit sistemang kapitalismo'y dapat palitan? at ang uring manggagawa'y magkaisang tuluyan? ang panawagan sa dulo ng aklat ay alamin bakit uring manggagawa'y dapat pagkaisahin? wala raw mawawala sa manggagawa, basahin natin, kundi ang tanikala ng pagkaalipin matapos mabasa ito'y magtalakayan tayo naunawa

Noon, No I.D., No Entry; Ngayon, No Mask, No Entry

Imahe
noon, sulat sa pintuan ay No I.D., No Entry ngayon, iba na ang nakasulat: No Mask, No Entry ganito ang bagong normal, huwag mong isantabi umayon sa pagbabago kahit di mapakali noon, pag naka-facemask, sinisita na ng parak pagkat baka holdaper yaong may masamang balak ang masa'y natatakot pagkat baka mapahamak ngayon na'y baligtad, hinuhuli ang walang facemask malaki ang tubo ng pabrika ng facemask ngayon kaya tuwang-tuwa ang mga negosyanteng iyon bili na ng facemask, gaano man kamahal yaon upang sa bahing at sakit ay makaiwas doon kaya tumalima ka sa bilin: No Mask, No Entry tiyaking naka-facemask kung papasok ka't bibili sa karinderya, botika, grocery, mall, palengke sa barberya man o gusali, araw man o gabi - gregbituinjr.

Ipagpaumanhin mo po, O, Inang Kalikasan

Imahe
ipagpaumanhin mo po, O, Inang Kalikasan ang mga pinaggagawa naming kabulastugan tapon dito, kalat doon, tapon kung saan-saan daigdig na ito'y ginawa naming basurahan kayraming basurang itinapon namin sa laot plastik at upos ng sigarilyo'y katakot-takot araw-gabi nga, basura namin ay hinahakot di na namin alam kung saan na ito umabot O, Inang kalikasan, aming hingi'y paumanhin tapon dito, kalat doon ang ginagawa namin pulos plastik kasi ang balutan ng kinakain ngunit basurang itinapon ay bumabalik din pagkat daigdig ay di tinuturing na tahanan pagkat sa bansang ito'y wala kaming pakialam pribadong pag-aari lang ang inaalagaan at pinababayaan ang lungsod at pamayanan kinabukasan ng anak ang inaasikaso nasa isip ay pagkamal ng tubo at negosyo O, Inang Kalikasan, ito'y pasakit sa iyo ipagpaumanhin mo ang ginawa naming ito - gregbituinjr. 06.24.2020

Ang aking quarantine look

Imahe
Ang aking quarantine look kanina'y tumingin sa salamin bago mag-selfie aba'y quarantine look, kaya kinunan ang sarili ermitanyo raw sa mahabang balbas at bigote ganito na yata ang tulad kong di mapakali sa nangyaring kwarantina ba'y sinong popormahan upang bigote't balbas ay tanggalin o ahitan wala, walang kita, walang pera, walang puntahan naroon lang sa bahay, nagmumukmok sa kawalan tinititigan ang langit, nagsasayaw ang ulap samutsaring ulat ang nasagap sa alapaap ng pagmumuni habang may ekwasyon sa hinagap na habang naglalaro ng sudoku'y nangangarap ang aking quarantine look ang buod ng kwarantina na sa sarili'y tila ba kawalan ng pag-asa o may pag-asa ngunit wala namang kinikita o may nakikita ngunit sa lockdown ba'y ano na tila ang quarantine look ko'y saksi rin sa kawalan habang ang hanap ng masa'y hustisyang panlipunan coronavirus ang kalaban, di ang mamamayan bayan nawa'y kamtin ang panlipunang katarungan

Pagnanasang makapagtrabaho

Imahe
karatula'y nakita, ako'y nagbakasakali kailangan daw ng helper, ako ba'y maaari? magpasa ng biodata, at magsimulang muli upang pamilya'y di magutom, dapat magpunyagi sa kabila ng kwarantina'y mamimili pa ba ng trabaho? mahalaga'y ang magkatrabaho na upang may maisubo sa pamilyang umaasa matanggap lang ako'y maganda na itong umpisa trabahong may sahod, habang wala sa pagsusulat mabigat man ang trabaho'y dapat gawin ang lahat magpaalipin man sa kapitalista'y mabigat ngunit walang magawa kaysa mamatay kang dilat itinuring kong kwarantina'y panahon ng Hapon nang dahil sa giyera'y nalumpo ang buong nasyon dapat magpunyagi upang pamilya'y may malamon wala nang pili-pili, magkatrabaho lang ngayon - gregbituinjr.

Ang larawan ng aking diwata

Imahe
larawan niya'y nakaukit na sa aking diwa sadyang kayganda ng larawan ng aking diwata anong pungay ng mata niyang tila lumuluha kaytamis pa ng kanyang ngiting ang dama ko'y tuwa kailangan pa ba natin ng isang inspirasyon? di pa ba sapat ang haraya o imahinasyon? o mas kailangan nating magsikap, perspirasyon? o siya'y isang panaginip, di muna babangon? ano nga ba ang diyalektika ng pagmamahal? maliban sa naiisip nitong makatang hangal mula nga ba sa puso, o sa diwa mo'y nakintal? ang kanyang ganda, pati na mabuti niyang asal? ano bang inaasam sa kinakathang pag-ibig? upang magandang diwata'y makulong ko sa bisig? sa hirap ko, anong isusubo sa kanyang bibig? bigas ba o bato? magsikap upang may pinipig? - gregbituinjr.

Ang pag-ulam ng kamatis

Imahe
inulam ko muli kaninang umaga'y kamatis na paborito ko raw kaya maganda ang kutis walang anumang tagiyawat, ang mukha'y makinis ang sabi nila, kahit kili-kili ko'y may pawis minsan, nangunguha ng kamatis na sumisibol sa bakuran o kaya'y sangkilo nito'y gugugol sa palengke, mura sa ngayon, kahit ako'y gahol di ko na iyon niluluto't sayang pa ang gasul kakainin ng hilaw, sa sarap mapapasipol gagayating malilinggit, isasawsaw sa toyo wala kasing bagoong na dapat nito'y kahalo ito'y uulamin namin nang may buong pagsuyo kamatis lang, mawawala ang gutom at siphayo habang sa sarap nito'y may tula ring mahahango - gregbituinjr.

Upang di ma-high blood sa pagkain ng manok

Imahe
matagal ko nang tinigil ang pagkain ng manok kayhirap ma-high blood muli't sa ospital ipasok ayoko ring maospital kung walang naisuksok kaya nag-vegetarian, umiwas sa taktalaok nag-budgetarian din upang may salaping maimpok nag-alaga ng manok di upang aking kainin kundi dahil may manok na nariyang alagain pinatutuka araw-araw upang palakihin malayo man ang bilihan ng patuka'y bibilhin sanay naman akong kilo-kilometro'y lakarin nililinis ang kulungan nila tuwing umaga habang iyon din ang aking ehersisyo tuwina basta sarili'y iniingatan ko na't sabi pa di kakain ng manok, adobo man o tinola upang iwas-high blood, mapalakas ang resistensya payo nila, upang di ma-high blood, mag-maintenance daw at makakakain ka pa ng manok na inihaw, adobo, tinola, chooks-to-go, o chicken joy pa raw, Andoks, Baliwag, ngunit iba ang aking pananaw iwasang magmanok, upang di maagang pumanaw - gregbituinjr.

Pagsulyap sa Alpha Centauri

Imahe
matagal ko nang naririnig ang Alpha Centauri na sistema ng mga bituing kita sa gabi kapara ng sistemang solar na iniintindi na nais kong ikwintas sa magandang binibini Alpha Centauri'y titigan mo't madarama'y saya kukuti-kutitap sa kalangitan, O, sinta maipapangako mo sa iyong magandang musa na iyong iaalay ng buong puso sa kanya isa raw sa pinakamaliwanag na bituin sa kalangitan na natatanaw dito sa atin ito yata ang totoong bituing nagniningning sa gabing pusikit habang sa sinta'y naglalambing kagabi, Alpha Centauri nga'y muli kong minasdan habang astronomya'y pinag-aaralang mataman paano gumalaw ang bituin sa kalangitan upang galaw din ng daigdig ay maunawaan - gregbituinjr. 06.15.2020

Sa panahon ng mga robot

Imahe
Sa panahon ng mga robot sinanay sila upang maging mga ala-robot sumunod lang sa chain-of-command at huwag sumagot sinanay sa "yes sir", tiger look na nakakatakot sinanay raw nang sa laban ay di lalambot-lambot kaya trato nila sa mga sibilyan ay plebo na papaluin lang upang disiplinahin ito hazing sa akademya'y dinala nila sa tao babanatan agad ang pasaway o kalaboso kaya sa kwarantina'y walang kara-karapatan ang mamamayang tinatrato nang parang kalaban nirerespeto lang nila'y naghahari-harian tingin sa sarili'y mas mataas kaysa sibilyan kasangkapan lang sila ng dalahirang rehimen tanging kakampi niya't sunud-sunurang alipin kaya sa Terror Bill ay gigil isabatas na rin na siyang magtatanggol sa pangulong utak-lumpen ganyan ang utak ng mga robot na palamara mabuti pang maalis ang lupit ng istruktura at maitayo ang totoong depensa ng masa mula sa mamamayang marunong makipagkapwa karapatang pantao'y kanilang iginagalang bawal

Bakit nga ba ang manok ay dapat pinapakain

Imahe
bakit nga ba ang manok ay dapat pinapakain dahil pag nangitlog ito, itlog ay lulutuin pinapakain upang balang araw ay kainin ganyan ang buhay ng mga manok na alam natin tanong nila: alin ang nauna, itlog o manok? na tanong ng namimilosopong di naman bugok saan galing ang itlog? sa manok na kumukukok saan galing ang manok? sa itlog ng taktalaok naglipana ang manok na inihaw o pinrito mayroong Andoks, Baliwag, Señor Pedro, chooks-to-go sa karinderya'y kayraming manok na inadobo sa Jollibee't McDo nga'y sikat din ang mga ito ganyan nga kahalaga ang manok na alagain di lang panabong kundi sa pamilya'y pang-ulam din ngunit ako'y nag-vegetarian, iniwasan na rin ang manok, kundi isda't gulay na'y hilig kainin - gregbituinjr.

Maging alisto sa patalon-talong password sa fb

Imahe
Maging alisto sa patalon-talong password sa fb sa pagtipa ng email sa facebook, maging alisto lalo na't biglang patalon-talon ang password nito at maiiwan doon sa lalagyan ng email mo kaya yaong makakakita sa facebook mo'y may clue aba'y pag kumabit ang password mo sa iyong email baguhin mo agad ang password mo upang mapigil ang makaalam nito, baka magamit ng sutil at palitan ang password mo ng sinupamang taksil kaya sa password na patalon-talon ay mag-ingat baka sa internet shop ay maiwanan mong sukat maging alisto kang lagi nang huwag kang malingat mahirap nang iba ang sa facebook mo makabuklat parang lagakan ng iyong talambuhay ang facebook akda, litrato, alaala'y diyan mo sinuksok kaya pag-ingatan ito nang di ka rin malugmok nang di maisahan ng matalinong asal-bulok - gregbituinjr. 06.13.2020

Sigaw ko'y "Stop Child Labor" tuwing Hunyo a-dose

Imahe
Sigaw ko'y "Stop Child Labor" tuwing Hunyo a-dose imbes pekeng araw ng paglaya ang gunitain World Day Against Child Labor ang alalahanin pagkat kung Acta de Independencia'y babasahin sa Kastila'y lumaya, sa Kano'y nagpailalim kaya ninanais ko pang tuwing Hunyo a-dose ipaglaban ang mga bata bilang estudyante pagkat mga batang nagtatrabaho na'y kayrami sa bansang itong pati bata'y agad naaapi dapat ang mga bata'y naroon sa paaralan at di nagkakalkal ng anuman sa basurahan upang maibenta ang kinalakal na anuman nang makakain lang ang pamilyang nahihirapan di sila dapat maging mga batang manggagawa pagkat kahit sa sahod, bata silang nadadaya nagtatrabahong laging mura ang lakas-paggawa pagsasamantala sa kanila'y dapat mawala karapatan ng bata'y dapat laging irespeto maglaro, mag-aral, maging bata ang mga ito tuwing Hunyo a-dose, ikampanya nating todo "Stop Child Labor Now!"  ang isigaw natin sa mundo - gre

Pabili po ng potasyum

Imahe
pampatibay ng buto ang potasyum, tandaan mo kaya kumain ng saging upang lumakas tayo tingnan mo ang mga matsing, matatatag ang buto kahit na napaglalangan din sa pagiging tuso nalaman ko ito sa naospital na kasama di nakalakad, sa potasyum daw ay kulang siya mayaman daw sa potasyum ang saging, sabi nila kaya pagkain nito'y aking ikinakampanya palakasin ang katawan, kumain ng potasyum mabigat din sa tiyan at pampawala ng gutom aba'y kaysarap nguyain habang bibig pa'y tikom mga sakit mo'y bakasakaling agad maghilom balat ng saging ay pampatibay din ng pananim lalo na't marami rin itong potasyum na kimkim ilagay mo sa tanim kahit bunga'y anong lalim kung namumulaklak ito'y mayroong masisimsim potasyum na ang tawag ko sa saging na lakatan, tomok, saba, senyorita, morado, o latundan sabi ko sa tindera, potasyum po'y kailangan pabili po ng potasyum, kahit isang kilo lang - gregbituinjr.

Nag-agawan ang mga sisiw sa ulo ng tuyo

Imahe
nag-agawan ang mga sisiw sa ulo ng tuyo tila di nila malaman kung saan itatago ang tuyong natuka, baka maagaw pa't maglaho minsan ko lang kasi silang mapakain ng tuyo nakakatuwang pagmasdan ang kanilang takbuhan nagsawa ba sa patuka ang inaalagaan? o ispesyal ang tuyong nais nilang malasahan? na natira ko lamang nang kanina'y mag-agahan inulam ko'y tuyo, di kinain ang buong ulo hinaluan ko ng tutong ang patukang bigay ko patukang may kanin ay kinain ng mga ito ngunit di na pinansin nang sa tuyo'y magkagulo ang buhay ng sisiw ay nasusubaybayan na rin mula itlog pa sila't nilimliman ng inahin hanggang maging sisiw sila't bigyan ng tutukain at panoorin lang sila'y may bagong tutulain - gregbituinjr.

Ang tabletang tinawag na YBC 7289

Imahe
Ang tabletang tinawag na YBC 7289 natagpuan noon ang isang putik na tableta na likha noong unang panahon sa Babilonya pinaniniwalaang tabletang ito'y gawa pa ng estudyanteng mula sa timog Mesopotamia ang parisukat nito'y may dalawang diyagonal at tatak na dalawang numerong seksagesimal una umano'y may aproksimasyong numerikal habang sinusuri ko, ako'y napapatigagal malalagay raw sa palad ng isang estudyante ang tabletang itong ganoon lamang daw kalaki ito nga'y "greatest known computational accuracy" noong unang panahon, ganito nila sinabi may kinalaman pa raw ito sa square root of two na makikita rin daw sa tabletang may ugnay dito inaral daw nina Neugebauer at Sachs ito pati ni Ptolemy na Griyegong matematiko ito ngayon ay nasa "Yale Babylonian Collection" na diumano'y donasyon ni J. P. Morgan doon ito'y "pair of numbers with geometric interpretation" na ayon kina David Fowl

Namulot ng tae ng hayop upang gawing pataba

Imahe
namulot din ako ng tae ng hayop sa labas upang gawing pataba sa tanim na nagpuprutas di ba't wasto itong gawin, mabaho man ang etsas pataba na sa lupa, may problema pang nalutas kaya ang mga tulad ko'y wala nang diri-diri hakutin ang tae upang tinanim ang magwagi ako'y simpleng masa lamang, di naman ako hari na sinilang nang may kutsarang pilak, nandidiri sa kalaunan ay lalago na rin ang pananim na kung namumulaklak ito'y tiyak masisimsim na pag namunga ito'y kaysarap kahit maasim na mawawala rin naman ang anumang panimdim kaya sige lang, tae'y hakutin, gawing pataba nakatulong ka pa sa kalikasang namumutla wala nang diri-diri upang tumaba ng lupa basta't mamunga ang puno ng sangkaterbang suha - gregbituinjr.

Mas nais ko pang balikan itong matematika

Imahe
mas nais ko pang balikan itong matematika kaysa manood pa sa balitang nakakasuka pulos karahasan, pulos patayan, walang kwenta ilipat na lang iyang tsanel, wala na bang iba? pulos trapo, manyanita, kawalang katarungan nasaan ang pangarap na hustisyang panlipunan? sa mga ulat, laging tagilid ang mamamayan pati karapatang magsalita'y nais pigilan kaya pag oras na ng balita't sila'y nanood aalis na ako't ayokong doon nakatanghod mas nais ko pang itong mukha'y sa aklat isubsob sa matematika, pagbalik-aral ay marubdob ang aldyebra't trigonometriya'y parang sudoku geometriya ni Euclid ay dapat intindido baka makapagturo pag nagagap muli ito o baka makasulat ng teoryang panibago paano unawain ang Riemann hypothesis? na sinasabi nilang "one of maths's greatest mysteries" paano tatagalugin ang simbolo sa Ingles? ang jensen polynomial ba'y iba't walang kaparis? sa tula'y paano mga ito ilalarawan sinimulan noon ang

Patuloy akong maglilingkod bilang aktibista

Imahe
patuloy akong maglilingkod bilang aktibista bagamat pinagtuunan din ang matematika ika nga sa chess, kombinasyon ay estratehiya kasabihan naman sa bilyar, isa-isa muna subalit kailangang gawin anong nararapat lalo't nagbabalik-aral din habang nagmumulat bakasakaling may matanaw na pag-asang sukat at mapasakan din ang nakitang anumang lamat prinsipyong tangan ay patuloy kong iparirinig sa panahon man ng kapayapaan o ligalig dapat pa ring magsulat ng mga balita't tindig at sanaysay o tulang sa puso'y nakakaantig bilang aktibista'y patuloy akong maglilingkod sa uring manggagawa't masang sa hirap hilahod tutula't tututol, sa kapital ay di luluhod pagkat ako'y aktibista hanggang sa aking puntod - gregbituinjr. 06.07.2020

Pagsalubong kay Haring Araw

Imahe
Pagsalubong kay Haring Araw aba'y kay-aga kong sinalubong si Haring Araw gayong umaga na'y damang-dama pa rin ang ginaw ano kayang uulamin, ako kaya'y mag-ihaw ng talong, habang humihigop ng malasang sabaw tinutula ko ang damdamin sa aking diwata na naririto't laging kasama kong minumutya nagtataka siya't bakit lagi akong tulala gayong siya'y sinasamba kong diyosang dakila ang inulam ko lang kanina'y kamatis at tuyo pagkat hinihintay ko ang masarap niyang luto pag nagutom ako'y tila ba mata'y lumalabo ngunit biglang lumakas nang luto niya'y hinango sinusubukan kong tulain ang mga pormula sa matematikang pag binalikan nga'y kayganda kaya di na lang sudoku ang lalaruin, sinta kundi magbabalik-aral din sa matematika - gregbituinjr. 06.07.2020

Aldyebra sa panahon ng kwarantina

Imahe
Aldyebra sa panahon ng kwarantina habang nagninilay sa panahon ng kwarantina aking binalikan ang natutunan sa aldyebra isa lang sa kayraming paksa sa matematika bakit nga ba kinakailangan ito ng masa? bakit ba pinag-aaralan ang mga ekwasyon? ang simpleng aritmetika ba'y di pa sapat ngayon? elementarya pa lang ay natuto ng adisyon pati na subtraksyon, multiplikasyon at dibisyon noong sekundarya nang aldyebra na'y natutunan batayang pormula o padron ay pinag-aralan pag numerong may panaklong, multiplikasyon iyan pag may pahilis na guhit, ito'y dibisyon naman kaysa aritmetika, aldyebra'y mas komplikado subalit pag inaral, madali lang pala ito matututong suriin ang samutsaring numero paglutas sa problema, lohika, may padron ito halimbawa, bibili ka sa tindahan ng kape para sa limang katao, ang bawat isa'y syete pesos, ang ambag nilang pera'y limampu at kinse pesos, ano ang ekwasyon, paano mo nasabi? ang ekwasy

Bakit notbuk pa'y dala sa kubeta?

Imahe
tanong ng pamangkin ko, bakit notbuk pa'y dala ko? sa loob ng kubeta gayong maliligo ako sagot ko, baka may maisip, isulat na ito panahon din ng pagkatha ang pag-upo sa trono binasa ko sa kanya ang tula ko sa pagkusot na sa sinumang babasa'y di ko ipagdaramot marahil ganyan talaga ang utak ko kalikot kumakatha sa anumang sitwasyon sa palibot kahit umaandar ang dyip, kwaderno't pluma'y handa upang isulat yaong biglang pumasok sa diwa sa L.R.T. man, barko o eroplano'y kakatha sa anumang lugar, ang pluma ko'y magsasalita ganyan nga, na kahit sa kubeta'y dala ang notbuk upang uriratin ang mga dinanas at dagok upang usisain bakit may mga di maarok upang isulat ang samutsaring laman ng tuktok - gregbituinjr.

Sa bawat kusot

Imahe
sa bawat kusot ko'y may bagong napagninilayan habang kinukusot ang kwelyo'y may paksa na naman sa dakong kilikili'y may ibang napag-isipan may samutsaring paksa na, sa pagkukusot pa lang kaysa washing machine, mas nais kong magkusot-kusot dahil panahon iyon ng pagkatha ko't sumambot ng maraming ideyang sa pagkusot ko napulot dahil panahon din iyon ng pagtuwid ng gusot kaysarap maglaba sa panahon ng kwarantina pagkat samutsari'y napagninilayan tuwina kayraming paksang iba't iba ang sahog at lasa matamis, maanghang, mapakla, matabang, malasa mga daliri kong ito sa pagkusot ang saksi na talagang naalis ang nakakabit na dumi maya-maya pa, damit na'y binanlawang maigi isasampay ang mga iyon sa tali't alambre - gregbituinjr.

Isang balitang kaylupit

Imahe
nakakapanggigil ang isang balitang kaylupit na di ko malaman kung talagang may malasakit wala lang facemask, pagmumultahin na nilang pilit gayong nag-lockdown, walang pera, dukha'y namilipit bakit di bigyan ng facemask ang mga walang facemask? pasaway ba agad ang di makabili ng facemask? limampung pisong multa'y saan kukunin ng hamak? na tila katumbas ng tatlumpung pirasong pilak! dahas at pananakot na lamang ba ang solusyon? sa lingkod bayan ba'y ganito ang alam na layon? tapang at pananakit, prinsipyo ng mga leyon? may multa na, aba'y may anim na buwan pang kulong! panahon nang pag-isipang muli ang patakaran kung ganitong lingkod ba'y iboto pa sa halalan malupit mag-isip, tila puno sa malakanyang imbes na ang mamamayan niya'y pangalagaan - gregbituinjr. * balita mula sa pahayagang Remate Online, na may kawing na: https://remate.ph/walang-face-mask-sa-qc-6-buwang-kulong-p50k-multa-belmonte/

World Environment Day sa panahon ng COVID-19

Imahe
World Environment Day sa panahon ng COVID-19 dahil sa maraming lockdown dulot ng COVID-19 kayraming tigil sa trabaho't naging matiisin nasa bahay lang habang pamilya'y nagugutom din kaytinding kalagayang di mo sukat akalain subalit kailangang umangkop sa kalagayan anong gagawin upang maibsan ang kagutuman hanggang mapagnilayang bumalik sa kalikasan pagkat ang buhay ay di lang hinggil sa kalakalan nasa lungsod ka man, maaari ka ring magsaka magtanim ng gulay sa mga walang lamang lata bakasakaling pag may lockdown pa'y makasuporta pagkat may gulay na pang-ulam ang buong pamilya ika nga, sa kalikasan dapat tayong bumalik ngayong World Environment Day, huwag patumpik-tumpik pagpapakatao't mabubuting binhi'y ihasik habang naipong plastik ay isiksik sa ekobrik kalusugan ng pamilya'y laging asikasuhin ang maruming kapaligiran ay ating linisin huwag hayaang pagtapunan lang ang dagat natin at tiyakin ding malinis ang ating kakainin ngayong Wo

Huwag maging tuod laban sa terorismo ng estado

Imahe
"Evil prospers when few good men do nothing." - anonymous sabi nila, "pag wala kang ginagawang masama huwag matakot sa Terror Bill" na kanilang gawa ang kritisismo mo nga'y kanilang minamasama paano na kaya ang karapatang magsalita dapat mong ihibik ang hinaing mo'y di magawa marami ngang walang ginagawa ang inaresto nitong lockdown dahil daw pasaway ang mga ito walang Terror Bill, laganap na ang pang-aabuso may pinaslang pa nga silang isang dating sundalo dukha nga'y hinuli dahil naghanapbuhay ito ginawa ang Terror Bill upang kanilang matakot ang tutuligsa sa ginagawa nilang baluktot badyet sa pulis at militar nga'y katakut-takot binawasan ang pangkalusugan gayong may salot dito pa lang ay kita mo na sinong utak-buktot tingin ng ilang may tsapa sa sibilyan ay plebo kaya gayun-gayon lang mamalo ang mga ito sa mamamayan upang daw maging disiplinado natutunan ay hazing, manakit ng kapwa tao walang Terror Bill, ganyan na sila k

Ang inahin at ang kanyang labing-isang sisiw

Imahe
unang araw ng Hunyo nang makitang napisa na ang labing-isang itlog na nilimliman ng ina halos apat na linggo ring sinubaybayan siya buti't nagawa agad ang bagong tahanan nila ah, nakakatuwang may bagong mga alagain na sa panahong lockdown ay pagtutuunang pansin kaya agad silang ibinili ng makakain at nilagyan ng tubig upang di sila gutumin ito ang ikalawang pagkakataong nangitlog, nilimliman at napisa ng inahin ang itlog ibang anak niya'y malalaki na't malulusog ngayon, may labing-isang sisiw siyang iniirog nawa'y magsilaki silang malakas at mataba subalit mag-ingat sila sa mga pusang gala magkaisa sila't huwag ring basta magpabaya nang sa bayan ay may madulot din silang ginhawa - gregbituinjr. 06.02.2020

Ang mabuhay bilang vegetarian at badyetaryan

Imahe
paano bang mabuhay bilang isang vegetarian na pulos gulay ang laging nasa hapag-kainan bagamat nais ko ring mag-isda paminsan-minsan natuto ako sa kilusang makakalikasan di naman ako tumatanggi pag may mga karne maliban kung pista, di ako basta bumibili ng karne, sa manok nga'y nagkakasakit na dine paborito kong pork chop lang minsan, di makatanggi sa hirap ng buhay, di lang ako nag-vegetarian kaytagal kong nabuhay bilang isang badyetaryan depende sa badyet ang agahan at tanghalian minsan ay altanghap, badyetaryan hanggang hapunan bata pa lang ako'y natuto kina ama't ina kumain lagi ng gulay, talbos, kamatis, okra kangkong, kibal, kalabasang pampatalas ng mata kaya natuto na ring magtanim nito tuwina kamatis, bawang, sibuyas, ay kinakaing hilaw pag-iinit ng luya o salabat na pangsabaw mga pampalakas ko bukod sa sikat ng araw sa mahabang lakaran ay nakakatagal nga raw almusal, tanghalian, hapunan, altanghap ito kaya kung vegetarian ako, pasensya na