Payò sa sarili
PAYÒ SA SARILI dapat pa ring pagsanayang magkwento habang sa sipnayan ay pulos kwenta di lang tulâ ang dapat isulat ko kundi kwento hanggang maging nobela salamat, Talibà ng Maralitâ dahil ako'y inalagaang sukat dahil tula't kwento'y nilalathalà dahil pahayagan kang mapagmulat pagkathâ ng kwento'y pagbubutihin baka sa akin ito ang magdala sa pagtingalâ sa mga bituin at kinabukasang asam talaga isang nobela'y aking sinusulat kayâ ngayon ay nagsusumigasig dapat pagsikapan ang lahat-lahat bakasakaling dito makatindig - gregoriovbituinjr. 01.31.2026