Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2022

Kaplastikan

Imahe
KAPLASTIKAN "A single piece of plastic can kill sea turtles.  WE ARE SORRY. NEVER AGAIN." - ayon sa isang billboard advertisement nabasa ko sa kartelera o billboard ang ulat na sadyang nakakabahala ang balitang sukat di ko sukat akalain yaong nakagugulat na sa kagagawan ng tao'y nangyari ang lahat balita iyong pag nabasa mo'y kahindik-hindik namatay ang pawikan nang makakain ng plastik dahil sa ating basura, mata nito'y tumirik akala'y pagkain ang plastik, lagim na'y nahasik umiiral sa lipunan ay pawang kaplastikan sapagkat paligid ay ginagawang basurahan sa tahanan, labas ng bahay, opis, karagatan tuluyan nang napariwara ang kapaligiran lumahok ako noon sa paggawa ng ekobrik bilang aking tugon sa mga binasurang plastik sa laot ay laksang upos, prinoyekto'y yosibrik mga proyektong pakiramdam ko'y kasabik-sabik na sa kalikasan, dama mo'y nakakatulong ka upang maibsan ang plastik at upos na basura na kahit mag-isa lang ay may ginagawa pala paano

Ang sorbetero

Imahe
ANG SORBETERO anong sipag maglako sa gitna ng kainitan ng mamang sorbeterong talagang masikap naman upang makapawi ng pagod ng binebentahan upang makabawi sa mga pinagkagastusan upang sa pamilya'y may pangtustos at may pangkain upang kinabukasan ng bata'y paghandaan din matumal man ang benta'y may umaga pang parating sa katanghaliang tapat, kumikitang magaling ice cream na iba't ibang flavor ang inilalako may mangga, may niyog, tila sarap niyon ay luho ang tamis niyon nga'y nakakawala ng siphayo nakapapawi rin ng nadaramang pagkahapo sa init, bumili ako ng ice cream na matamis na nilagay sa tinapay, kinain kong kaybilis habang ang mga kasama'y di na rin nakatiis matapos ang pagkilos, bumili rin ng sorbetes mabuti't naroon ang sorbetero sa lansangan lalo na't wala roong natatanaw na tindahan tila sinagip kami sa gutom at alinsangan salamat sa mamang sorbetero't siya'y nariyan - gregoriovbituinjr. 01.31.2022

Pagsisilbi

Imahe
PAGSISILBI "Serve the people" , kasabihang tibak noong kolehiyo'y nakahatak din sa akin kaya napasabak upang labanan ang mapangyurak "Paglingkuran ang masa" , anila itayo'y makataong sistema kaya patuloy na makibaka at kamtin ang asam na hustisya kaya tayo'y nagsisilbing tapat sa bayan kaya sa lupa'y lapat ang pangarap nating di man sapat ay handang gawin anong marapat para sa inaping mamamayan para sa pinagsamantalahan para sa obrero't kababayan para sa dukhang nahihirapan babaguhin ang sistemang bulok patatalsikin ang trapong bugok paglilingkod yaong naaarok at dukha'y ilalagay sa tuktok - gregoriovbituinjr. 01.30.2022

Isang hapon

Imahe
ISANG HAPON kalangitan ay kaylinaw kita mong bughaw na bughaw tila iyong natatanaw ang kahalagahang litaw may kabutihan ang tao kahit pulos sakripisyo na daanan man ng bagyo di bibitaw sa prinsipyo kayputi ng alapaap tila ba dangal ay ganap buhay man ay naghihirap may kasama sa pangarap marapat ay ating gawin halina't tayo'y maghain ng masarap na layunin at bagong mundo'y buuin di tayo dapat mabaon sa mabigat na kahapon dalhin nating mahinahon ang nagniningas mang layon - gregoriovbituinjr. 01.30.2022

Puno

Imahe
PUNO kailangan nating pinuno'y sa puno'y may puso na naiisip ding ang puno'y di dapat maglaho na dapat mga ito'y nakatanim, nakatayo upang bundok at gubat ay di makalbo't gumuho halina't tamasahin ang kanyang lilim at lihim lalo't puno'y nagbibigay ng bungang makakain nagbibigay rin ng sariwang hangin at oxygen pananggalang sa baha, tubig nito'y sisipsipin di ba'y kaysaya ng daigdig na maraming puno kaysa lupaing walang puno't tila ba naglaho matiwasay ang bansang may makataong pinuno na prinsipyo'y makamasa't di alipin ng tubo tara, sa maraming dako puno'y itanim natin upang pag-iinit lalo ng mundo'y apulahin mga kagubatan ay protektahan, palaguin upang buhay at daigdig ay tuluyang sagipin - gregoriovbituinjr. 01.29.2022

Pagkatha

Imahe
PAGKATHA wala mang magbasa o makinig sa kinatha kong kaibig-ibig ang katawan ko'y di manginginig kahit nasa landas ng ligalig ganyan ko ituring ang pagkatha mailabas lang ang nasa diwa di ko damang nababalewala kahit naritong nakatulala wala mang makinig o magbasa sa mga tula kong walang lasa buod ay mananamnam din nila malalasahan din pag binasa tinta man sa papel ay kumalat mukhang balewala man ang lahat masaya na akong makasulat habang pinaghihilom ang sugat - gregoriovbituinjr. 01.27.2022

Selfie

Imahe
SELFIE noon, aayaw-ayaw mag-selfie  pagkat di raw kasi mapakali bakit ngayon ay paselfie-selfie? gwapo na ba'ng tingin sa sarili kung ano-ano na'y naiisip buti't hininga'y di nagsisikip may problema kayang halukipkip? o sa mundo'y tila naiinip? o baka naroon lang sa lungga? ginagawa'y lagi nang kumatha ang pluma'y nagkakalat ng dagta sa papel ng sangkaterbang tula o isa lang itong kabaliwan ng isang makatang di uliran hinahagilap lagi kung saan ang mga katagang di malaman aba'y mayroon na kasing selpon may kamera na sa loob niyon nire-record ko lang ang kahapon at baka ubanin na paglaon nagkakataon lang may kasama sa likod, may advertisement pala noon nga'y bihirang magpakuha at ngayon na lang nang may kamera - gregoriovbituinjr. 01.27.2022

Paglisan

Imahe
PAGLISAN "He who has gone, so we but cherish his memory, abides with us, more potent, nay, more present than the living man." — Antoine de Saint Éxupéry ililibing lang ba sa limot ang mga kataga ng wala sa toreng garing na mga manunula hindi, kaya marapat lamang sila'y malathala lalo ang pinagsikapang tula nilang kinatha mga tinta man ay nagmistulang luha sa papel taludtod ma'y humahagulgol ay di nagtataksil tahimik man ang makata'y lubha namang matabil dahil sa mga obra niyang walang makapigil pagkat di mamamatay ang kanyang obra maestra na tulad ni Balagtas na may Florante at Laura katha ng makatang Benigno Ramos, Abadilla, Collantes, Teo Baylen, Huseng Batute't iba pa ang makata'y lumabas man sa pintuan ng buhay at mga nagmamahal ay sinakbibi ng lumbay mga naiwan niyang akda'y pamana't patnubay sa sunod na salinlahi'y matuturing na gabay mabuhay kayo, makata ng bayang tinubuan ako'y nagpupugay sa inyo, higit kaninuman nais ko lang sabihi

Magkaibang hustisya

Imahe
MAGKAIBANG HUSTISYA "At ang hustisya ay para lang sa mayaman." - mula sa awiting Tatsulok ng grupong Buklod bigla akong nakakatha ng isang kawikaan kung ano ang katarungan doon sa aming bayan: "pinipiit ang matandang lublob sa karukhaan kinaaawaan ang mayamang makasalanan" ganyan ang nangyari sa balita ngayong Enero matandang edad otsenta'y agad nakalaboso nang nagnakaw umano ng manggang may sampung kilo habang donyang guilty sa graft ay malayang totoo dito nga'y kitang-kita ang magkaibang hustisya ibang hustisya sa dukha, iba ang sa may pera na katotohanang tatak ng bulok na sistema kaya tama lang ang pasya kong maging aktibista na adhikang wakasan ang pribadong pag-aari na layuning ibagsak ang burgesyang naghahari na misyong durugin ang mapang-api, hari't pari na hangad ay itayo ang lipunang walang uri ang nangyaring ito'y isang tunay na halimbawa  na dapat mabatid ng masa't mayoryang dalita magkaisang baguhin ang sistemang walanghiya at lipuna

Angkas

Imahe
ANGKAS madalas, inaangkasan lang natin ang patawa ng kaibigang kalog o ng simpleng kakilala basta huwag 'below-the-belt' o nakasisira na sa ating pagkatao o sa dignidad ng kapwa maraming riding-in-tandem ang gumawa ng krimen ang angkas ang madalas bumira't siyang asasin dapat may katarungan at mahuli ang salarin hustisyang panlipunan ang marapat pairalin manggagawa ang motor ng pambansang ekonomya sapagkat di uunlad ang bansa kung wala sila di lamang sila simpleng angkas sa kapitalista sila na ang nagmomotor, sila pa ang makina minsan, sa kanyang motorsiklo ako'y angkas agad nang marating namin ang pupuntahang aktibidad nang isyung pangmasa'y malinaw naming mailahad nang kabulukan ng sistema'y aming mailantad - gregoriovbituinjr. 01.26.2022

Painting

Imahe
PAINTING pinagmasdan ko ang painting ng buong kalunsuran nakakapangamba ang polusyon sa mamamayan buti kung ito'y maging luntiang kapaligiran ngunit ang tanong ay paano ito sisimulan mahangin, sariwa ang hangin sa tuktok na iyon dahil may bahagi ng lungsod na mapuno roon kung may disiplina sa basura't sasakyan ngayon makakaalpas sa usok na dulot ay polusyon titigan at pagnilayan ang litrato sa kwadro painting ba iyong larawan ng ating pagkatao pagkat ang bumubuo ng lungsod ay tao, tayo kaya dapat lang alagaan ang tahanang mundo mapapangalagaan lang ito kung may pag-ibig sa kapwa, sa kauri, sangkatauhan, daigdig tara, tayo'y magkaisangdiwa't magkapitbisig at palitan ang sistemang nagdulot ng ligalig - gregoriovbituinjr. 01.25.2022 * litratong kuha ng makatang gala sa isang napuntahang gusali

Mga tulang pambata

Imahe
MGA TULANG PAMBATA "One hundred nursery rhymes" , mga pambatang tugmaan na kung tutunghayan mo'y talagang kagigiliwan "Munting Aklat ng mga Tula"  ay buklatin naman at bata'y tiyak na maraming mapag-aaralan tila ba mga tula'y tulay sa magandang buhay kung paano bang ang pagkatao'y dinadalisay at pagharap sa mabuting bukas ang inaalay at pangarap ay paghandaang maabot na tunay O, kaysarap magbasa ng mumunting mga tula dama'y kasiyahan ng damdaming animo'y bata lalo't samutsari ang naroroong talinghaga na parang naalpasan mo yaong nagdaang sigwa tulang pambata man ay nagbibigay-inspirasyon upang bata'y magsikap, sa hirap ay makaahon upang makapag-ambag sa kanilang edukasyon upang makakatha rin ng ganitong genre ngayon - gregoriovbituinjr. 01.25.2022

Paggawa

Imahe
PAGGAWA dapat pang ipaglaban ang hiling at karapatan ng mga manggagawang nagrarali sa lansangan bakit? di ba't sila ang lumikha ng kabuhayan? bakit ba sila'y api't tila di pinakikinggan? bakit kapitalistang kuhila ang naghahari at ginawang sagrado ang pribadong pag-aari? bakit nasa ituktok ang burgesya, hari't pari? bakit lugmok ang buhay ng manggagawa't kauri? manggagawa ang tagalikha ng yaman ng bansa pag-unlad ng ekonomya'y sila rin ang may gawa kaya imortal ang misyong ito ng manggagawa: ang daigdig ay buhayin ng kamay ng paggawa! ganyan nga kahalaga ang paggawa sa daigdig binubuhay ang sangkatauhan ng diwa't bisig O, manggagawa, kapitalismo'y dapat malupig kaya kayo'y magkaisang-diwa't magkapitbisig - gregoriovbituinjr. 01.24.2022 * selfie ng makatang gala noong 11.30.2021, Araw ni Bonifacio, sa Quezon Ave., Quiapo, Maynila

Pag-like

Imahe
PAG-LIKE nila-like ko basta lumitaw sa wall ko ang gawa ng mga tulad kong nagsusulat o mangangatha ipakita sa kanilang binabasa kong sadya ang kanilang akda, sanaysay man, kwento o tula pagkat pag walang nag-like, dama ko ang pakiramdam parang di ka binasa ng friend mo o katsokaran bagamat di mo intensyong basahin ka ninuman kundi kumatha't maisulat ang nasa isipan kaya nila-like ko agad pag gawa ng makata upang ipadamang sila'y binabasa kong sadya na may kaibigan din pala sila't tagahanga na ninanamnam kong lubos ang kanilang inakda ganyan ko nais ipakita ang suportang tunay sa kapwa mangangathang wala mang birtud na taglay subalit sa pagkatha'y nagsisikap, nagsisikhay upang ihatid ang nasa loob nila't palagay - gregoriovbituinjr. 01.24.2022

Double meaning

Imahe
DOUBLE MEANING sa palengke'y may pinaskil man din para sa mamimiling parating double meaning pag iyong basahin depende paano mo bigkasin pag mabilis ang bigkas, diyahe magpatuli muna, tila sabi tuli lang ang pupuntang palengke nakakatuwa naman ang siste kung mabagal ang bigkas, ecobag ang iyong gamitin, di plastic bag sa madaling sabi o pahayag bawal ang plastik, huwag lalabag natuwa ako't nilitratuhan ang paskil sa aking napuntahan nagmistula mang katatawanan ay tulong na sa kapaligiran - gregoriovbituinjr. 01.24.2022 * litratong kuha ng makatang gala sa loob ng palengke sa Pasig, kung saan nakasulat sa isang paskil:  "Bawal supot dito"

Respeto

Imahe
RESPETO sa C.R.:  "as courtesy to the next customer, please flush" ah, kailangan pa ba ng ganitong patalastas matapos na jumingle o magbawas sa kasilyas walang disiplina't may abiso bago lumabas? mapalot pag iniwang di nai-flush ng burara mapanghi ang sasalubong, ay, nakakatulala  "courtesy to next customer",  madaling maunawa may paggalang sa susunod na gagamit, sa madla C.R. dapat malinis para sa mga kostumer nilikha upang tao'y di na jumingle sa pader upang di umihi o magbawas somewhere, anywhere pumapalot ang inihian kung wala tayong care madali namang ating sarili'y disiplinahin nang di mandiri ang susunod kung ito'y gamitin di ba't kayganda kung C.R. ay anong linis man din kaysarap ng pakiramdam sa puso't diwang angkin - gregoriovbituinjr. 01.24.2022

Kalibre

Imahe
KALIBRE anong kalibre ng kakayahan at pagkatao ang hanap natin sa sunod na lider ng gobyerno yaon bang sa debate'y di nagpakita sa tao o ang matagal naglingkod bilang lider-obrero anong kalibre ng organisadong mamamayan ang babago sa sistemang tadtad ng kabulukan yaong magtatatag ng sistemang may kabuluhan sa sambayanang nais ay makataong lipunan dapat bang may kalibre ang tibak upang magwagi laban sa sistemang bulok ng trapo't naghahari puspusang nakikibaka, palaban, mapanuri, makakalikasan, makatao, at makauri ang kalibre'y di palyado pag iyong kinalabit matibay din ang pulso pag umasinta't bumirit tulad ng mahusay na lider na iginigiit ang karapatan at hustisya sa mga ginipit - gregoriovbituinjr. 01.23.2022

Construction worker

Imahe
CONSTRUCTION WORKER kaytaas ng inyong ginagawa aba'y talagang nakalulula buwis-buhay ang trabahong sadya huwag sanang disgrasya'y mapala upang pader ay palitadahan ay parang gagambang nag-akyatan sa mataas na gusaling iyan tiyak ba ang inyong kaligtasan? sapagkat kayo'y construction worker na nagpapalitada ng pader anumang atas ng inyong lider ay tatrabahuhin n'yo, anywhere sinuong ang panganib, sumunod para sa pamilya'y kumakayod buwis-buhay, magkano ang sahod? sanay ba sa lula kayong lingkod? isa n'yo nang paa'y nasa hukay isang pagkakamali lang, patay sana'y mag-iingat kayong tunay pagkat isa lang ang inyong buhay - gregoriovbituinjr. 01.23.2022 * litratong kuha ng makatang gala sa katapat ng napuntahang gusali

Enero 22, 1987 sa Mendiola

Imahe
ENERO 22, 1987 SA MENDIOLA M agbubukid na may isyung dala'y nagtungong Mendiola G obyernong pasista nama'y nagpasalubong ng bala A t naganap ang pagkalugmok ng mga magsasaka B umulagta'y labingtatlo, sugata'y limampu't isa A ng panawagan ng magsasaka'y repormang agraryo Y amang katatapos ng Edsa't mayroong pagbabago A ng hiling nga'y dapat tugunan ng gobyernong Aquino N gunit nagrali'y binira ng mga unipormado I syung dugtong ng bituka ang dala ng magbubukid N gunit nagkibit-balikat lamang ang gobyernong manhid G ayong isyung ito'y mahalaga sa mga kapatid M agsasaka pa ang sa sariling dugo ibinulid A ng kanilang panawagan ay binahiran ng dugo G inulantang sila't labingtatlong buhay ang naglaho S amantalang sa bukid, tanim nilang palay ay ginto A t siyang bumubuhay sa mayoryang tao sa mundo S ana isyung dinala nila'y mapag-usapan naman A t mabigyang katugunan at matupad kalaunan K atarungan nawa'y kamtin ng magsasakang pinaslang A t ma

Wala sa sarili

Imahe
WALA SA SARILI sabi nila, wala na naman ako sa sarili diwa'y kung saan-saan lumilipad, nagmumuni ngiti ng ngiti kahit wala namang sinasabi tila umiindak ang diwata sa guniguni naglalakad sa kalsadang mayroong kinakatha tumatawid sa kalyeng may pinipinta sa diwa buti't di nahahagip ng sasakyan ang tulala habang binabalangkas sa isip ang itutula mag-ingat ka, makatang nais maging nobelista maging alisto sa paglalakad mo sa kalsada baka mabulilyaso ang iyong unang nobela pag nabangga ka ng awto't tuluyang nadisgrasya dapat may presence of mind, sa boyskawt nga'y wika noon diwa'y huwag mong paglakbayin sa ibang panahon harapin natin ang anumang nagaganap ngayon upang sa anumang kaharapin ay makaahon - gregoriovbituinjr. 01.21.2021

Ang ibon at ang pusa: Buhay ba o patay?

Imahe
ANG IBON AT ANG PUSA: BUHAY BA O PATAY? Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Dalawang anekdota ang tila magkapareho. Ang isa'y tungkol sa pilosopiya at ang isa'y tungkol sa physics. Ang isa'y tungkol sa ibon at ang isa'y tungkol sa pusa. Animo'y pinahuhulaan sa atin kung ang mga ito ba'y buhay o patay? May isa raw batang nakahuli ng ibon at pinahulaan niya sa kanyang lolo kung ang ibon bang nasa kamay niya't itinago sa kanyang likod ay buhay ba o patay? Nababatid ng kanyang lolo na pag sinabing buhay ay kanya itong pipisilin upang mamatay at kung patay naman ay pakakawalan niya ang ibon. Kaya ang sagot ng kanyang lolo ay ito:  "Ang buhay ng ibon ay nasa iyong kamay." Mas mahirap namang unawain ang naisip hinggil sa pusa ng physicist na si Erwin Schrodinger kung hindi talaga pag-aaralan. Sa haka-hakang eksperimento ni Schrodinger, na kaibigan ni Albert Einstein, naglagay ka ng pusa sa isang kahon na may kaunting radioactive substance.

Enerhiyang solar sa opisina

Imahe
ENERHIYANG SOLAR SA OPISINA naglagay ng enerhiyang solar sa opisina kung saan mula sa araw, kuryente'y makukuha bayad nga ba sa Meralco'y bababa ang halaga iyon naman ang layunin, presyo'y mapababa na kaya gayon na lamang ang saya naming totoo sa opis na binabantayan ko't nagtatrabaho dito sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa ikalawang palapag inilagay nga ito sa buhay-aktibista't buhay-makakalikasan sa simpleng pamumuhay, pakikibakang puspusan ang solar-panel ay tulong na sa kapaligiran lalo sa nais itayong makataong lipunan pasalamat sa Philippine Movement for Climate Justice sa kanilang tulong upang solar ay maikabit mula sa mahal na kuryente'y di na magtitiis pagtaguyod ng solar energy'y ating ihirit - gregoriovbituinjr. 01.21.2022 * litratong kuha ng makatang gala sa opening ng solar panel sa tanggapan ng BMP sa Pasig, 11.27.2021 * kasama sa litrato sina  Ka Leody de Guzman , chairman ng BMP at tumatakbong Pangulo sa Halalan 2022, si  Ka Luke Espirit

Sa paglalakad

Imahe
SA PAGLALAKAD sa anumang iyong tatahakin ang sarili'y pakaingatan din panganib man ang iyong suungin at kayhaba man ng lalakarin may kasabihang namumukadkad yaong matulin daw kung lumakad pag may bubog, matitibò agad baka madapa't nguso'y sumadsad lalo't mapagnilay na tulad ko naiisip ay kung ano-ano kumakatha pala ng seryoso buti't di nababangga ng awto mag-ingat pa rin kahit magnilay bagamat may magandang kasabay mag-ingat kahit di mapalagay akibat mo man ay dusa't lumbay humahakbang mang maraming ekis sa buhay na itong nagtitiis mabuti nang isip ay malinis nang paa'y di madulas sa batis - gregoriovbituinjr. 01.20.2022

Binhi

Imahe
BINHI maaga pa lang, kita kita kasalamuha na ang masa magaling kang mag-organisa upang mabago ang sistema kasangga kita at kauri sa pagtatanim nitong binhi ng pagbabago't walang hari, walang burgesya, walang pari isang makataong lipunan ang ating itatayo naman pagsasamantala'y wakasan pairalin ang katarungan patuloy ta sa misyon natin upang magawa ang layunin upang gampanan ang tungkulin upang tupdin ang adhikain yakap ang simpleng pamumuhay puspusang makibakang tunay taglay ang prinsipyong dalisay aktibista hanggang mamatay - gregoriovbituinjr. 01.19.2022

Dalawa kong aklat ni Lope K. Santos

Imahe
DALAWA KONG AKLAT NI LOPE K. SANTOS dalawang mahalagang aklat ni  Lope K. Santos ang aking binabasa't iniingatan kong lubos nang makita'y walang alinlangang agad gumastos kahit pa sa kinikitang salapi'y sadyang kapos ang  Banaag at Sikat , isang dakilang nobela na nalathala nang higit isangdaang taon na Balarila ng Wikang Pambansa , na gawa niya na akin namang sinasagguni tuwi-tuwina nauna ang isang libro niyang di ko malaman kung saan napapunta o kaya'y nasa hiraman animnapung tulang tiglilimang saknong ang laman katha ni Lope K. Santos, mga tulang kay-inam Banaag at Sikat, nasa aklatan ni Bituin unang sosyalistang nobelang kaygandang basahin Balarila naman ay binasa upang gamitin sa sanaysay, tula, kwento't iba ko pang kathain collector's item at klasiko na ang mga ito di man agad mabasa, mabuting ako'y may libro nakasalansan na sa munting aklatan ko rito na ginawan ko pa ng tulang alay ko sa inyo - gregoriovbituinjr. 01.18.2022 * Ang  Banaag at Sikat  ay

Maagap

Imahe
MAAGAP may kasabihan:  "Daig ng maagap ang masipag" kapara ng boyskawt na laging handa sa magdamag at maghapon sa pangyayaring makababagabag diyata't di dapat maging tuod, di natitinag maging maingat sa anumang gawin at sambitin lalo't mga trapong unggoy ay lalambi-lambitin sa ginintuang baging ng kapitalistang matsing na madalas pulutan kaya bundat ay balimbing malapit na ang halalan, nangangamoy asupre kaya dapat gapiin ang manananggal at kapre ayaw nating halalang ito'y mangamoy punebre baboy na malilitson ay talian ng alambre sa panahon ngayong nananalasa ang omicron huwag nawang lungkot ang sa atin ay sumalubong di nakikita ang kalaban, di pa makaahon dapat maging maagap pag nakita ang ulupong tayo'y maging mapagbantay lalo't nasa pandemya habang omicron sa libo-libo'y nananalasa huwag sana nitong salingin ang ating pamilya subalit asahan nating daratal ang pag-asa - gregoriovbituinjr. 01.18.2022

Facemask

Imahe
FACEMASK ayaw nating makahawa o kaya'y mahawaan ng sakit ng sinuman at baka di makayanan lalo ngayong laganap ang sanhi ng kamatayan sa panahon ng pandemyang may samutsaring variant kaya kailangang takpan ang pasukan sa ilong at lalamunan upang di maging hilong talilong danas kong pagkasakit noon ang dulot ay buryong na tila pinagsalikupan ng dusa't linggatong ah, tunay ngang kailangang mag-facemask pag lalabas ito ang ating pananggalang lalo't nang-uutas yaong naglipanang virus na napakararahas na puntirya'y ating baga't buhay hanggang magwakas simpleng protokol, magsuot ng facemask, di ba kaya kung ayaw mong isuot, sa bahay ka na lang muna ngunit alalahanin ang kapwa pag lumabas ka pagpe-facemask mo'y pagmamalasakit na sa iba - gregoriovbituinjr. 01.18.2022 * selfie sa pinta sa pader sa komunidad ng maralita sa likod ng Fishermall sa C4, Malabon

Pangarap

Imahe
PANGARAP ah, napakatayog ng pangarap nakatingala sa alapaap kahit buhay ay aandap-andap ay patuloy pa ring nagsisikap nakatira man sa gilid-gilid sa danas na pagkadukha'y manhid basta't nabubuhay nang matuwid mararating din ang himpapawid nangarap ngunit di pansarili kundi pag-asenso ng marami sa sistemang bulok masasabi palitan na't huwag ikandili ang pangarap niyang itinakda kasama'y organisadong dukha pati na ang uring manggagawa lipunang makatao'y malikha - gregoriovbituinjr. 01.18.2022

Ditorin

Imahe
DITORIN nais kong makita ang anyo ng ibong  ditorin at mapakinggan din ang kanyang huni o awitin tulad ng uwak at tuko, ipinangalan man din sa tunog, pagsasalita o anumang sabihin kung itanong kaya kung sinta ko'y saan dumaan kung marinig kong "dito rin" ang kanyang kasagutan nasa tama ba akong direksyon, ah, pag-isipan pagkat siya'y ibong marahil iyon lang ang alam ngunit maganda siyang karakter sa mga pabula na maaari kong gamitin sa kwentong pambata mabuti't aking nasaliksik ang gayong salita sa isang diksiyonaryong kaagapay ng madla pag may nabasang kaibang salitang tulad niyon ay agad nabubuhay yaring diwa, inspirasyon upang kumatha ng sanaysay, tula't kwento ngayon ah, ibong  ditorin , salamat sa iyo kung gayon - gregoriovbituinjr. 01.17.2022 *  ditorin  - sa zoolohiya, Sinaunang Tagalog, ibon na tila nagsasabi ng "dito rin" kapag umaawit, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 297

Payo sa sarili

Imahe
PAYO SA SARILI humahakbang papalayo saan kaya patutungo dukha man at walang luho ay huwag kang masiphayo puno'y inaalagaan ng mabuting kalikasan arugain natin naman ang ating kapaligiran saan man tayo magpunta ay isiping mahalaga magpakatao tuwina alalahanin ang kapwa walang pag-aatubili na huwag maisantabi ang mga gawang mabuti sa kapwa, di pangsarili - gregoriovbituinjr. 01.17.2022

Sigwa

Imahe
SIGWA di ako lumaki sa isang probinsyang may ilog kundi sa binabahang lungsod, baka ka lumubog ilang beses akong sa baha lumusong, nahulog noong nasa Sampaloc pa buhay ko'y umiinog kaya pag napapauwi sa probinsya ni ama ay magpapasama sa ilog at maliligo na sasakay pa ng kalabaw, tatawid ng sabana ganoon ang kabataan kong sadyang anong saya noong maghayskul ay dumadaan sa tabing ilog nagkolehiyo sa paaralan sa tabing ilog noong magtrabaho'y nangupahan sa tabing ilog tila baga buhay ko noon ay sa tabing ilog wala na sa tabing ilog nang ako na'y tumanda subalit nakaharap naman ang maraming sigwa tulad noong kabataan kong laging nagbabaha sa danas na iyon, natuto akong maging handa inunawa ang panahon, ang klimang nagbabago at sa kampanyang Climate Justice ay sumama ako nagbabakasakaling makatulong naman dito sa pagpapaunawa sa kalagayan ng mundo - gregoriovbituinjr. 01.16.2022

Pula't dilaw

Imahe
PULA'T DILAW pinagninilayan ko pa rin ang mga palad nating angkin paano kaya tutukuyin sinong mga lumalambitin sa baging ng mga haragan kasama ang trapo't gahaman anang awit, pula't dilaw man ay di tunay na magkalaban pangmayaman daw ang hustisya na nabibili ng sampera kung ganyang bulok ang sistema aba'y kawawa nga ang masa kung sistemang bulok ang gawa nitong mga trapong kuhila wala na ba tayong kawala sa pagsasamantalang sadya pula't dilaw ba pag naupo kabulukan ba'y maglalaho magtutulong ba pag nagtagpo o sa malaon ay guguho sistema pa rin ay baguhin ito pa rin ang pangarapin ang masa'y ating pakilusin tungo sa bayang asam natin - gregoriovbituinjr. 01.16.2022

Paggising

Imahe
PAGGISING nagising akong anong lamig at sa ginaw nangangaligkig kaya kinulong ko sa bisig ang mutyang katabi sa banig kay-ingay ng mga kuliglig tila napanaginipan ko ang bangis ng Berkakan dito pati Oriol at ang Onglo anong bagsik din ng Tamawo gayunman, nakahanda ako ah, mabuti't nagsidatingan ang bayaning sina Kenaban Agyu, Aliguyon, Kudaman ang diwatang si Aninggahan at labanan ay napigilan hanggang tuluyan nang magising mula sa mahabang paghimbing kaya iaakda'y magiting taludtod at saknong kong sining lalo't wala sa toreng garing - gregoriovbituinjr. 01.16.2022 * mga nabanggit na halimaw at bayani ay mula sa mitolohiyang Filipino at nalathala sa aklat na  "Mga Nilalang na Kagila-gilalas"  ni Edgar Calabia Samar

Ituloy ang laban

Imahe
ITULOY ANG LABAN "Ituloy ang laban"  ay kilalang islogang tibak ito'y batid na ng bayan, panawagang palasak makasaysayan, prinsipyo ng api't hinahamak upang baguhin ang sistemang loko't mapanlibak ngunit sa basketbol pala'y ginamit nang totoo "Ituloy ang laban"  sa mga kasagupang grupo ito ba'y katanggap-tanggap o nakakatuliro bagamat walang may-ari ng panawagang ito maganda ngang masanay ang tao sa panawagan marehistro sa isip nila'y  "Ituloy ang laban!" paalala sa gawa ng bayani't Katipunan sistema'y baguhin tungong makataong lipunan "Ituloy ang laban"  nilang atleta sa basketbol habang diwa ng islogang ito'y dapat masapol buhay ng tibak ang sa islogang ito'y ginugol laban sa pagsasamantalang sadya silang tutol "Ituloy ang laban"  ng dukha't uring manggagawa tunay na kahulugan nito'y isapuso't diwa lipunang makatao'y dapat itayo ng madla "Ituloy ang laban"   at kamtin a

Pag-aaral

Imahe
PAG-AARAL hinatid ko sa paaralan ang batang inaalagaan upang maraming matutunan sa mga paksa sa lipunan ngunit kinagiliwan niya ang numero, matematika ano ba ang aritmetika magbilang ng pasahe't barya tuwang-tuwa akong matuto siya ng mga paksang ito magaling siya sa numero sipnayang noon pa'y hilig ko astronaut ang kanyang pangarap bagamat mahal at kayhirap patuloy kaming magsisikap nang ito'y matupad ngang ganap - gregoriovbituinjr. 01.15.2022 *  sipnayan  - wikang Filipino sa  matematika

Second dose

Imahe
SECOND DOSE higit apat na buwan din bago ang ikalawa kong bakuna o second dose nitong AztraZeneca buti na lang, ako'y muling nakapagpabakuna na pag di fully vaccinated, kayraming aberya na pag di raw bakunado, di makapaglalakbay na sa sasakyang pampubliko'y di makasasakay na sa mga mall ay di ka papapasuking tunay na pag di fully vaccinated, diyan lang sa bahay una'y Agosto Bente Sais, sa Pasig nakamit sunod sana'y Oktubre ngunit ako'y nasa Benguet ngayong Enero Katorse, second dose ay hinirit lumakas na ba ako't naging fully vaccinated? sa sakit na COVID, maganda raw itong panlaban bukod sa facemask, ito'y upang di magkahawaan na noong una'y di ko basta pinaniwalaan datapwat sumunod pa rin ako sa patakaran maraming salamat, Pasig, ako na'y bakunado ayoko man sa una, ngunit kailangan ito sa panahon ng pandemya't mundong sibilisado upang magamit ang karapatan, di maperwisyo - gregoriovbituinjr. 01.14.2022

Ulat

Imahe
ULAT matalim ang pagkatitig ko sa balitang iyon na tila ba mga kuko sa likod ko'y bumaon nagkasibakan na sa kalahating milyong kotong napakalaki pala nang nakurakot na datung buti't nabubulgar pa ang ganitong gawa nila pinagkakatiwalaan pa naman ang ahensya ngunit maling diskarte'y bumulaga sa kanila kumilos na nga ba ang nakapiring na hustisya balat-ahas ba ang ilang nakasuot-disente o di lang sila iilan kundi napakarami dahil sa pera't kapangyarihan, dumidiskarte iba't ibang raket ang pinasok ng mga imbi sadyang may pakpak ang balita't may tainga ang lupa at nakakahuli rin pala ng malaking isda di lang sa karagatan kundi sa putikang lupa habang ang maliliit ay gutom pa rin at dukha - gregoriovbituinjr. 01.13.2022 * balita mula sa Abante Tonite, Enero 5, 2022, pahina 2

Wakas

Imahe
WAKAS sa malao't madali, sa mundo'y mawawala na sa madla'y walang maiiwang bakas o pamana kundi pawang tula't sanaysay ng pakikibaka upang kamtin ng bayan ang panlipunang hustisya wala na tayong mararamdaman pa pag namatay kaya gawin natin ang wasto habang nabubuhay sa pakikibaka man, isang paa'y nasa hukay sa pag-oorganisa ng masa'y magpakahusay nais ko mang mawala sa edad pitumpu't pito ngunit baka abutin naman ng walumpu't walo si F. Sionil Jose'y namatay siyamnapu't pito gayong edad ay di ko na aasahang totoo basta gawin kung anong wasto, sulat man ng sulat bagaman ang binti'y malimit nang pinupulikat ang mahalaga'y nakikipagkapwa't nagmumulat tungo sa makataong lipunang siyang marapat - gregoriovbituinjr. 01.13.2022

Apuhap

Imahe
APUHAP di ako dapat patumpik-tumpik sa pagtangan ng iwing panitik kahit na gaano man kahindik ang naganap na kayraming salik inaambunan ako ng luha ng mga nagugutom na dukha habang tahak ang putikang lupa likod ko'y pawisan, basang-basa dapat nang kumilos, walang pagod sa pag-aabang at paglilingkod ang kagalingan ay itaguyod at hustisya'y diwang ipamudmod pangarap ay di dapat gumuho katinuan sana'y di maglaho di na dapat dumanak ang dugo sa kalaban man ay di yuyuko ah, samutsari na ang panata ng nagdugong kamay ng makata guniguni'y halukay ng diwa nang daigdig ay maging payapa - gregoriovbituinjr. 01.12.2020

Wika

Imahe
WIKA ang bawat pagtula'y pagtataguyod ng salita marahil isa iyan sa misyong di sinasadya ang di raw marunong magmahal sa sariling wika ay katulad nga ba ng hayop at malansang isda aba'y anong sakit naman lalo't di nila alam nagustuhan kong tumula dahil ito'y mainam sa kalusugan ng katawan, diwa't pakiramdam tila ba anumang sakit ay agad napaparam anumang danas ko'y sa mga salita naukit pagkat sa aking puso't diwa'y laging nabibitbit kaya mga kataga'y sa saknong ko sinasabit sa umaga, sa tanghali, o sa gabing pusikit kaya ang Buwan ng Wika'y madalas paghandaan kahit wala akong partisipasyon sa anumang aktibidad maliban sa pagtulang aabangan  kung mayroon man at panonoorin ang bigkasan Enero pa lang naman, kaytagal pa ng Agosto Araw ng Tula'y pangdalawampu't isa ng Marso patuloy lang sa pagkatha kaming panitikero habang may malayang wikang sinasalita tayo - gregoriovbituinjr. 01.12.2022 * litratong kuha ng makatang gala sa tapat ng isang pa

Social distancing pa rin

Imahe
SOCIAL DISTANCING PA RIN dalawang taon na tayong nagso-social distancing pandemya'y dalawang taon na ring nakakapraning isang metro ang pagitan sakaling may bibilhin sa botika, sa palengke, sa grocery, sa canteen naging bahagi na ng araw-araw nating buhay kasama ng facemask na dapat suot nati't taglay dalawang taon, kayrami nang nabago't namatay samutsaring mga virus na ang nananalakay subalit nakukuha pa rin nating makangiti sa kabila ng marami sa atin ang nasawi kaysa damhin lagi ang sakit at napapangiwi kundi ituloy ang buhay na dama man ay hapdi kaytitindi na ng nagsulputang variant ng virus alpha, beta, delta, omicron, tila nang-uubos apektado ang buhay, nagiging kalunos-lunos datapwat tuloy pa rin ang buhay, nakakaraos gayunman, huwag magkampante, mag-social distancing, mag-facemask, mag-alcohol, at huwag basta babahin simpleng mga protocol itong kaya nating sundin pagbabakasakaling pandemya'y malampasan din - gregoriovbituinjr. 01.12.2022

Paalala sa dyip

Imahe
PAALALA SA DYIP minsan, lulan akong inip sa tabi ng tsuper ng dyip may paalalang nahagip na agad namang nalirip paalalang tunay naman nang disgrasya'y maiwasan "tingin muna sa likuran bago buksan ang pintuan" payong tunay ang abiso sa bababang pasahero nang siya'y maging alisto di mahagip ng totoo ng parating mang sasakyan o tao mang nagdaraan "tingin muna sa likuran bago buksan ang pintuan" oo, iniingatan ka sa kanan tumingin muna upang di ka madisgrasya upang di makadisgrasya - gregoriovbituinjr. 01.11.2022 * litratong kuha ng makatang gala minsang sakay ng dyip patungong opisina

Exchange gift

Imahe
EXCHANGE GIFT katatapos lamang ng masigabong pagdiriwang bawat isa sa kanila'y may pangregalo naman ano kayang matatanggap mula sa kapalitan sana'y bagay naman sa iyo't iyong magustuhan hanggang isang larawan ang nakapukaw sa isip na pag pinagmasdan mo'y iyo agad malilirip inaalay ng puno'y anong gandang halukipkip habang ang tao'y kasamaang walang kahulilip mabuti pa ang isa'y bunga ng kanyang paggawa habang ang isa naman ay palakol na hinasa hanggang sa pagdiriwang ba naman ay may kuhila parang tunggaliang kapitalista't manggagawa bakit puputlin ang punong nagbibigay ng prutas kundi upang tumubong limpak-limpak ang pangahas nais laging manlamang, sa kapwa'y di pumarehas ah, paano ba kakamtin ang makataong landas maiiwasan ba natin ang mga tusong imbi na nais kumita ng milyon, perang anong laki kung magbigayan sana'y para sa ikabubuti ng kapwa, tanda ng pagkatao, di pangsarili - gregoriovbituinjr. 01.11.2022 * litrato mula sa google

Kape't tula sa umaga

Imahe
KAPE'T TULA SA UMAGA tuwina'y kape't tula ang almusal ng makata bago umalis ng bahay at maglingkod sa dukha bago kumilos sa kalsada at sa manggagawa mag-aagahan muna't magpapalakas ngang sadya isasawsaw ang pandesal sa kape, anong sarap! buti nang umalis ng busog kahit naghihirap upang tuparin ang tungkulin, kamtin ang pangarap lipunang makataong walang trapong mapagpanggap gigising at babangong tula ang nasa isipan habang iniinda ang mga sugat ng kawalan isusulat sa kwaderno ang mga agam-agam iinom ng kape bagamat amoy ang tinggalam almusal ay kape, salita, saknong at taludtod samutsaring tula'y katha kahima't walang sahod katagang nahuli sa mga patak sa alulod habang inilalarawan ang mga luha't lugod - gregoriovbituinjr. 01.11.2022 *  tinggalam  - sa Botanika,  mabangong uri ng palutsina , UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 1258

Paskil

Imahe
PASKIL kailangan pa tayong paalalahanan minsan kundi man madalas dahil iyon ang kailangan lalo't wala tayo sa ating sariling tahanan tapon dito, tapon doon, tapon kung saan-saan kaya kailangan pang maglagay ng simpleng paskil madalas daw wala sa sarili, tila inutil nagtatapon kung saan-saan, nakapanggigigil kaya nagpaalala upang ito na'y matigil Please read:  Basahin ang pakiusap sa mamamayan lalo na sa gumagamit ng kanilang kainan payak lang:  Pakitapon ang kalat sa basurahan! Clean as you go!  Kung may kalat ay may pagtatapunan buti na lang, may basurahan, paano kung wala ang sariling basura'y ayaw ibulsa ng madla sa natapos gamitin ay nandidiri nang sadya ito man ay ketsap, plastik, o sa tisyu dumura kolektibong kaugnayan, nag-iisang daigdig pumapangit na kalikasan, sinong mauusig sa wasak na kapaligiran, sinong nalulupig sa pagpabuti ng mundo, tayo'y magkapitbisig - gregoriovbituinjr. 01.10.2022 * nilitratuhan ng makatang gala ang paskil sa lamesa ng isang pamilihan