Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2020

Ang makatang Cirilo F. Bautista at ako

Imahe
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si Cirilo F. Bautista, pambansang alagad ng sining para sa panitikan ng ating bansa. Iginawad sa kanya ang pagiging national artist for literature noong 2014. Nakabili ako ng kanyang dalawang aklat noon, ang Sugat ng Salita, at ang Kirot ng Kataga, mga orihinal, bago ko pa mabili sa UP Bookstore ang pinagsamang aklat na iyon. Una ko siyang nakilala noon dahil kolumnista siya ng Philippine Panorama, kung saan tinatalakay niya noon ay hinggil sa English poetry o mga tula sa Ingles. Nang binasa ko ang kanyang talambuhay, nakita kong may munti kaming pagkakapareho, dahil kapwa kami mula sa Sampaloc, Maynila, manunulat at manunula. Ayon sa pananaliksik, si Bautista ay isinilang sa Maynila noong Hulyo 9, 1941, at lumaki sa Balic-Balic, Sampaloc. Tulad ko, ipinagbuntis ako ng aking ina sa Washington St. (ngayon ay Maceda St.), sa Sampaloc,  hanggang ako'

Palaisipan

Imahe
muli akong bumili ng mga palaisipan upang may libangan naman sa oras ng kawalan kaysa sa kisame'y laging nakatunganga na lang baka malundagan lang ng butiki sa bumbunan may pinapala ang isipan sa tigang na lupa habang nasa laot ang lalim ng mga salita maraming mababatid ang malikot na diwa nakararahuyo kahit na dama'y walang-wala sa palaisipan ay ating hasain ang isip may mga salitang di mo batid na mahahagip subalit may bokabularyong di mo pa malirip gayunman, nalibang na, natuto pa't di nainip kinse pesos ang isang libretong palaisipan bawat isa'y dalawampu't pitong krosword ang laman sa apat na libreto'y tiyak kang masisiyahan pagkat higit sandaang krosword ang masasagutan - gregoriovbituinjr.

Larong numero palito

Imahe
nag-download ako sa selpon ng laro sa numero ang isang nakita ko'y parang larong Pilipino na ginagamit ay mga palito ng posporo nakaayos na palito'y tanong na iwawasto ikakamada muna yaong palito sa lupa pagmasdan mo't may tanong doon, suriin mong kusa isang palito lang ang iurong upang tumama dito sa selpon ay numero naman ang ginawa tulad naman sa calculator ang numero doon gayon ding panuntunan, isang guhit ang iurong upang maitama mo ang mga maling ekwasyon gamit ang iyong lohika, adisyon at subtraksyon tara, isip-isip, bawat ekwasyon ay titigan suriin mong mabuti't iyo ring masasagutan i-download ang Math Games sa selpon at masisiyahan pampatalas na ng isip, maganda pang libangan - gregbituinjr.

Paggawa ng sariling face shield

Imahe
nais kong maitaguyod ang pagkamalikhain kaya ako'y gumawa ng face shield na gagamitin mula sa boteng plastik na ibabasura lang din tipid na, sa kalikasan pa'y nakatulong ka rin bakit nga ba bibili ng face shield na ang halaga ay katumbas na ng ilang kilong bigas sa masa gayong may malilikha naman mula sa basura na epektibo ring gamitin ngayong kwarantina halina't paganahin ngayon ang creativity at makakagawa ka rin ng face shield mong sarili linisin, gupitin, ayusin, di ka magsisisi ang mahalaga, binasura'y mayroon pang silbi sa ngayon nga'y ito ang aking itinataguyod ambag ko sa kapwa ngayong walang kita o sahod kaunting diskarte lang, di gaanong mapapagod pag nakagawa ng face shield, tiyak kang malulugod - gregbituinjr. 09.26.2020

Ang nais ko sa kapaskuhan

Imahe
Nagwi-wish din sa shooting star ang isang Bituin ang munting tula kong handog sana'y inyong namnamin: I panlipunang hustisya ang sa Pasko'y aking nais at ang masa'y di na sa kahirapan nagtitiis II magkaroon ng laman ang katawan kong manipis at ang mutya kong asawa'y tuluyan nang mabuntis III sa Noche Buena't Pasko'y walang pagkaing mapanis alagaan ang ngipin, huwag pulos matatamis IV sa karapatang pantao'y simple lang ang aking wish na ang kulturang tokhang ay matapos na't magahis - gregbituinjr. * ito'y tugon ko sa isang kasamang nagtanong sa facebook kung anong wish ko sa kapaskuhan

Face shield mula sa boteng plastik

Imahe
maraming materyales na maaaring gamitin ngayong kwarantina'y dapat ding maging malikhain may malaking boteng plastik na naabot ng tingin isinukat ko sa mukha, tila ito'y kasya rin sayang ang boteng plastik, nasa basurahan na nga nang matitigan ko'y biglang may kumislap sa diwa kinuha ko ang gunting, nasa isip ko'y ginawa hinati ko sa gitna, dalawa ang malilikha lalagyan ko ng lastiko sa magkabilang gilid lilinisin ko ito't nakagawa na ng face shield malikhaing kontribusyong di ko agad nabatid mula sa basurahan ay inobasyon ang hatid aba'y wala pang gastos, maging malikhain lamang kung may sirang boteng plastik, baka magamit naman kaysa bumili ng face shield, sa paligid hanap lang baka may materyales na itatapon na lamang kunin ang anumang maaari mo pang magamit pambili ng faceshield, sangkilong bigas ang kapalit ito'y munting payo ko rin sa kapwa nagigipit baka may matulungang sa patalim kumakapit - gregbituinjr.

Pag-iipon muli ng plastik

Imahe
kinuha ko sa basurahan at aking nilinis yaong mga basurang plastik na pagkaninipis pinili ko't ibinukod yaong plastik ng hapis na pag napunta sa laot, isda'y maghihinagpis nilagay ko sa tubig, sinabunan ko't kinusot binanlawan ko't isinampay, pinatong sa bakod ilang oras patuyuin, habang sa ulo'y kamot kayraming plastik na di sana mapunta sa laot pag natuyo, saka ko isa-isang gugupitin sukat na isa o dal'wang sentimetro'y ayos din sa malinis na boteng plastik ay isuot na rin at ang bote'y punuin ng plastik at patigasin hangga't may plastik, mananatili na itong layon na gagawa ng ekobrik, ito'y malaking hamon upang sagipin ang kalikasan, di makalulon ng sangkaterbang plastik, ito'y isa ko nang misyon - gregbituinjr.

Paglilipat ng itinanim

Imahe
inilipat ko ang tanim mula sa boteng plastik dahil lumago na ito't ugat na'y sumisiksik; ang ilalim ng boteng plastik ay aking ginupit nang tanim ay malipat ko sa paso, ang naisip ang paso ang bagong bahay ng tanim na halaman at sana'y tuluyang lumago sa bagong tahanan; ang paraan ng urban farming pag naunawaan ay malaking bagay na para sa kinabukasan dalawang buwan makalipas itanim ni misis ay lumago na rin ang sibuyas sa boteng plastik lagi ko itong binibisita upang madilig na animo'y nagdidilig din ako ng pag-ibig sana'y tuluyang magbunga ang sibuyas na iyon at pagsikapang maparami iyon pag naglaon tulad ng pagsintang inaalagaan maghapon at magdamag ay makamit ang bungang nilalayon - gregbituinjr.

Hanap ko'y bagoong Balayan

Imahe
limang buwang mahigit sa malamig na probinsya sa norte't bagoong Balayan ay di natikman pa na paborito kong sawsawan pag kumakain na bagoong na pinigaan ng kalamunding, aba anong sarap ng kain ko, tiyak bundat ang tiyan aba'y pagkasarap sadya ng bagoong Balayan na wala naman dito sa malayong lalawigan buti't may bagoong mula Lingayen, Pangasinan kaya ito na rin ang binili namin ni misis at sumarap ang kain ng katawan kong manipis huwag lang maya't maya, baka sa tiyan lumabis alagaan pa rin ang kalusugang walang hapis ang bagoong Balayan ay akin ding matitikman pag umuwi muli kami ni misis sa Balayan subalit natitiyak kong ito'y matatagalan wala man iyon, mahalaga'y may pagmamahalan - gregbituinjr.

Naabot din ang 1,000 sudoku

Imahe
Naabot ko rin ang 1,000 sudoku games na na-download ko mula sa internet. Bukod sa math games ay sudoku ang aking palipasang oras pag di nagsusulat. Dahil nakasanlibong nasagutang sudoku, napatula ako: NAABOT DIN ANG SANLIBONG SUDOKU isang libong sudoku na rin ang aking naabot na kinagiliwang laro sa selpon at nasagot di lang pulos numero kundi lohika ang dulot kaysarap nitong laruin at di ka mababagot may arawan, bawat petsa, ang aking nasagutan daily sudoku na umabot higit walong daan maaaring pumili ng lebel na pahirapan custom sudoku, na umabot higit isang daan noon, binibili ko'y mga libretong sudoku may manipis, may makapal na akala mo'y libro maraming perang ginugol, makabili lang nito dahil sa lockdown, sa internet na'y nag-download ako bukod sa pagsulat, pagtanim, at gawaing bahay bukod sa pagbabasa ng anuman, pagninilay ang pagsagot ng sudoku ang nilalarong husay kaya ang sanlibong sudoku'y ganap nang tagumpay - gregbituinjr. 08.23.2020

Misyon kong pageekobrik

Imahe
gawain ko'y di pa matatapos hangga't may plastik ipon ng ipon, gupit ng gupit ng mga plastik bawat nagupit ay isisilid sa boteng plastik ang di ko na lang magupit ay mga taong plastik ito na'y misyon at tungkulin ko sa kalikasan tipunin ang mga plastik doon sa basurahan paunti-unti man, nang di mapunta sa lansangan, ilog, karagatan, landfill, iyang plastik na iyan patuloy pa akong nageekobrik hanggang ngayon upang kalikasan ay di malunod o mabaon sa sangkaterbang plastik na sa mundo'y lumalamon ngayong lockdown ay plastik ang uso't napapanahon isang aral mula sa Kartilya ng Katipunan gugulin ang buhay sa malaking kadahilanan di kahoy na walang lilim o damong makamandag at pageekobrik ay malaki ko nang dahilan - gregbituinjr.

Pagpupugay kay Lorraine Pingol

Imahe
Pagpupugay kay Lorraine Pingol tinulungan niyang manganak ang isang babae na napairi sa isang bangketa sa Makati di na nagdalawang-isip ang nars na anong buti isang nars na may puso, at tunay ang pagsisilbi kayganda pa ng kanyang sinabing makabuluhan anya, "May sinumpaan kami, 'yung 'Good Samaritan'. "Whenever you are," tutulong ka saanman, sinuman "kahit outside of work ka, kapag may nangailangan" "in the name of humanity," gagawin ang adhika "you have to help because you're a nurse," tunay kang dakila maraming salamat, Lorraine Pingol, sa 'yong ginawa kayganda ng iyong ipinakitang halimbawa wala man sa trabaho o pauwi na sa bahay ikaw ay isa pa ring nars na may tungkuling taglay kaya sa iyo, Lorraine Pingol, mabuhay, mabuhay! sa maganda mong halimbawa, kami'y nagpupugay - gregbituinjr. 08.22.2020 * balita't litrato mula sa fb ng ABS-CBN News, 08.20.2020

Pagbabasa ng mga kwentong katatakutan

Imahe
ang korni ko raw, nagbabasa ng katatakutan ngunit tinutunghayan ko ito bilang aliwan di upang takutin ang sarili kundi malaman ang epekto ng maikling kwentong ito sa bayan binabasa ko rin ito upang matutunan ko kung anong simula, gitna't wakas ng bawat kwento kung paano't bakit sinulat ng may-akda ito layunin ba niyang manakot ay naabot nito sinu-sino ang karakter, anong istorya, banghay matatakot ka ba kung ang kwento'y tungkol sa bangkay paano kung may aninong sa iyo'y nakabantay likhang isip lang ba ang kwento, saan nakabatay aba'y kaysarap magbasa't magpalipas ng oras lalo na't kwarantina, walang magandang palabas mabuti nang magbasa, kontrolado mo ang dahas kaysa tunay na buhay, na labanan ay di patas - gregbituinjr.

Paalala sa karatula

Imahe
basa-basahin ang nakasabit na karatula baka dahil dito'y makaligtas ka sa sakuna "watch out, falling debris", di ito isang pelikula "watch out", tingnan, "falling debris", baka mahulugan ka sa lugar ng konstruksyon, "safety first" lagi ang una dapat may proteksyon ang manggagawa, helmet, bota, gwantes, at iba pang dapat upang di madisgrasya kayhirap maaksidente't kawawa ang pamilya maging alisto, "safety first" lagi'y pakaisipin noong manggagawa pa ako'y sinabi sa akin bilang machine operator ay tinanggap kong bilin upang di madale ng makinang tinanganan din may sensor man ang makina'y baka ka malusutan mahirap nang masaktan, may daliring maputulan saanman mapunta, "safety first" ay laging tandaan idagdag pa ang "presence of mind", huwag kalimutan - gregbituinjr.

Kung walang tulo sa gripo

Imahe
sa gripo'y malalaman mo kung bukas o sarado kung gamit mo'y makabago o ibang klaseng gripo tandaan lang, three-o'clock bukas, six-o'clock sarado nang walang tubig na masayang at makasiguro ayos ito ng orasan, kung sakaling matanong kung bukas ba o sarado ang gripo tulad ngayon gripo'y walang tulo, gamitin ang imahinasyon at kung sakaling magkatubig, di ito matapon kung alam mong walang tubig sa bahay, aalis ka laging tandaang ang gripo'y iwan mong nakasara o kaya'y ang kuntador ang isara mo tuwina kung hindi, baka pagdating mo, tubig ay awas na isara lagi ang gripo kung di mo ginagamit kung walang tubig, huwag iwang bukas kahit saglit three o'clock bukas, six o'clock sarado'y aking hirit upang walang maaksayang tubig, di ka magipit at sa muli, ayos ito ng orasan, di oras ayos ito ng gripo kung sarado ba o bukas sa ganito man lang ay madali mo nang nalutas kung gripo'y sara o bukas, tubig nga'y di nawaldas - gregbituinjr.

Ang kaliwang kamao ng kapamilya

Imahe
nagtataas na rin sila ng kaliwang kamao patunay lang ng pagkamulat sa sistemang ito na may mga mapanupil na naupo sa pwesto na kaysa paglilingkod, mas matingkad ang negosyo na pinaglalaruan lang ang buhay ng obrero simbolo ng pakikibaka ang kamaong kuyom upang sa problema ng bayan, tayo'y makatugon sagisag rin ng pakikibaka laban sa gutom at paglaban sa bulok na sistema'y ating tugon laban sa paniniil, kaliwang kamao'y kuyom sa inyong nakakuyom na ang kaliwang kamao nakikiisa kami sa ipinaglalaban n'yo marangal na hanapbuhay, patuloy na trabaho sikmurang gutom, pamilya, karapatang pantao pakikibaka, katarungan, at wastong proseso magsama-sama tayo sa paglaban, Kapamilya upang kamtin ng bayan ang panlipunang hustisya halina't lumahok din sa pakikibakang masa at sama-samang baguhin ang bulok na sistema magkapitbisig tayo tungo sa bagong umaga - gregbituinjr. * ang litrato ay mula kay Minda Castro sa https://www.facebook.com/photo?fbid=1229353260749266&set=pcb.4653

Mumurahing libretong pampanitikan

Imahe
di ko na nasisilayan ang munti kong aklatan doon sa lungsod kung saan ako naninirahan dahil sa kwarantina'y naipit sa lalawigan biniling aklat sana'y babasahin kong mataman subalit wala ang mga iyon sa aking piling parang sayang ang gintong panahong tumataginting magbabasa ng literatura bago humimbing itutuloy naman ang pagbabasa pagkagising soneto ni Shakespeare nga'y sinimulan kong isalin ilang tula ni Edgar Allan Poe'y naisalin din nang makalabas, bumili ng ilang babasahin mumurahin mang libreto'y pampanitikan pa rin binili'y hinggil sa mitolohiyang Pilipino may hinggil sa bugtong, bagong alamat, at epiko may parabula hinggil sa buhay-buhay ng tao may balagtasan, dati'y gumagawa ng bukrebyu may palaisipan din, kinse pesos bawat isa sa isang upuan nga, isa nito'y tapos ko na subalit magagandang kumiliti ng ideya pagkat may natutunang bago sa mga nabasa mitolohiya't epiko'y sa isip sumariwa palaisipan, balagtasan, bugtong, parabula na sa iwing i

Alagaan natin ang planetang Earth

Imahe
paano ba dapat alagaan ang kalikasan kung asal natin ay magtapon lang kung saan-saan basura'y nagkalat sa lansangan at karagatan daigdig nating tahanan ay naging basurahan anong kinabukasan ang maibibigay natin sa ating mga anak kung ganito ang gawain minina pati kabundukan kaya kalbo na rin at plantang coal ay hinayaang magdumi sa hangin paano natin inunawa ang ekolohiya paano naintindihan ang nagbabagong klima ugali lang ba natin ang dahilan o sistema paano alagaan ang nag-iisang planeta sabi ng kapwa aktibista, "There is no Planet B!" bakit natin sinisira ang planetang sarili alternatibo na ba ang Mars, sa balita'y sabi kaya Earth ay hinahayaang kainin ng bwitre "There is no Planet B!", alagaan ang kalikasan ito'y pamana natin para sa kinabukasan huwag gawing basurahan ang Earth nating tahanan gawin natin ang marapat para sa daigdigan - gregbituinjr.

Nilay sa ika-75 amibersaryo ng pagbagsak ng bomba atomika

Imahe
Nilay sa ika-75 amibersaryo ng pagbagsak ng bomba atomika paggunita sa anibersaryong pitumpu't lima ng pagbagsak ng anong tinding bomba atomika na pumaslang ng maraming tao sa Hiroshima at Nagazaki, libu-libo'y naging hibakusha natapos ang Ikalawang Daigdigang Digmaan ang gerang nilahukan ng imperyalistang Japan bilang isa sa Axis, pati Italya't Aleman, upang palawakin ang sakop nila't kalakalan kayraming namatay, kayraming naging hibakusha o nabuhay sa epekto ng bomba atomika lapnos ang balat, katawan ay halos malasog na animo'y wala nang buhay ngunit humihinga pa mayoryang biktima'y mga inosenteng sibilyan nangyaring iyon ay kakaiba sa kasaysayan ng sangkatauhan, di dapat maulit na naman lalo't may sandatang nukleyar sa kasalukuyan "never again sa nukleyar", panawagan nga nila na dapat dinggin para sa panlipunang hustisya "nuclear ban treaty" hibik ng mga hibakusha silang nabubuhay sa mapait na alaala ngayong araw na ito, sila'y ati

Ang pinakamalaking banta sa ating planeta

Imahe
ANG PINAKAMALAKING BANTA SA ATING PLANETA "The biggest threat to our planet is believing that someone else will save it." - Robert Swan tayo na'y dapat kumilos para sa kalikasan gawin anong nararapat para sa daigdigan huwag gawing basurahan ang lupa't karagatan huwag iasa sa iba kung kaya natin iyan ang pinakamalaking banta raw sa ating mundo ay isiping sasagipin ito ng ibang tao o ibang nilalang, hindi ikaw, o hindi ako; ang dapat kumilos para sa ating mundo'y tayo isipin anong magagawa, sa kapwa, sa kapos makipagkaisa, magkapitbisig, at kumilos magtulungan upang mundong ito'y maisaayos kaya huwag na tayong maghintay ng manunubos ayon sa manlalakbay at may-akdang si Robert Swan ang pinakamalaking banta sa sangkalupaan ay ang isiping may iba namang sasagip diyan maghintay ng bathalang sasagip sa daigdigan kung may magagawa tayo upang mundo'y sagipin huwag nang umasa sa iba, pagtulungan natin walang aasahang manunubos na di darating sinabing yaon ni Robert

Ulam na tuyo't talbos

Imahe
tuyo't talbos ang ulam ngayong umaga't tanghali pinitas ang talbos sa gilid, nagbakasakali upang kalusugan ay gumanda't mapanatili kung binili, napitas ko'y bente pesos ang tali ang tuyo'y pinrito, talbos ng kamote'y ginisa mabuti't may tinanim lalo ngayong kwarantina magsipag lang, may mapipitas ka lalo't magbunga pag may tinanim ka'y di magugutom ang pamilya pag nasa lungsod ka, subukan ang urban farming kahit sa mga paso lang ay subukang magtanim sa panahong lockdown, magsasaka'y tularan natin maging magsasaka sa lungsod upang may makain kayhirap man ng lockdown, parang panahon ng Hapon magtanim ng gulay upang may mapitas paglaon kasabihang magtanim ng kamote'y danas ngayon kaya ito'y gawin para sa pamilya't nutrisyon - gregbituinjr.

Mga usling pako sa kisame

Imahe
higit apat na buwan na sa bahay ng biyenan dahil kwarantina'y doon ni misis naabutan ilang beses nang naglabas-masok sa palikuran ngayon lang naramdamang ako pala'y nasugatan kaninang umaga'y masaya sanang maliligo pumunta ng palikuran at naghubad ng baro nang makaramdam ng sakit sa daliri, nagdugo iyon pala sa kisame'y may nakausling pako at di lang isa kundi walong pako ang naroon nadale ang aking daliri nang maghubad doon tinamaan yaong hintuturo, daplis man iyon pabaya ba ang karpinterong gumawa ng bubong? o baka naisip niyang nakatira'y maliliit kaya di masusugat sa kisameng abot-langit kung may matangkad at mauntog, aba'y anong sakit tiyak sugat agad ang noo, kundi man ang anit ang pako'y lagpas-lagpasan sa kahoy na dos-por-dos upang matibay na makabit ang yero't maayos baka estilo ng karpintero, pako'y tumagos di naisip, may masugatan, basta makaraos? tiningnan ko ang kisame sa kabilang kubeta may nakausli ring pako, bilang ko'y labing-isa