Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2020

Inadobong lamang loob ng bangus

Imahe
Inadobong lamang loob ng bangus inadobo kong muli ang lamang loob ng bangus dati'y pulutan lang, ngayon ay ulam ko nang lubos inadobong bituka, apdo't atay, aba'y ayos di isinama ang hasang, ang tiyan ko'y nag-utos lamangloob ng bangus ay pampulutan lang noon ngunit dahil sa kwarantina'y pang-ulam na ngayon kadalasan nga, bituka'y kanilang tinatapon inisip lang ng lasenggerong pulutanin iyon kaya iba talaga ang panahong kwarantina lalo na't COVID-19 sa mundo'y nananalasa di na normal ang buhay, kaya mapapaisip ka lalo sa pagkain, nang di magutom ang pamilya sa kanila'y katawan ng bangus, iba ang akin dagdag ang bituka ng bangus na aadobohin ayaw man nila, sa akin ay nakabubusog din salamat sa tanggero, ito'y natutunan ko rin - gregbituinjr. 05.30.2020

Maraming tanong na namumutiktik sa isipan

Imahe
Maraming tanong na namumutiktik sa isipan ako'y nagmamakata sa panahong kwarantina nakatingalang kinakatha'y mga alaala paano ang dalitang patuloy na nagdurusa? hinahanap ng tulad nila'y di pa rin makita o ayaw talagang tingnan, nais na lang hayaan sino nga ba ang dukhang sakbibi ng kahirapan na wala namang kwenta sa tulad nilang mayaman tingin kasi nila dukha'y pataygutom at mangmang nakikita ko ang mga iyon at tinutula sino nga ba iyang dukhang laging kinakawawa? bakit nga ba may mayaman, bakit may maralita? mayayaman ba'y bida't dukha'y laging lumuluha? maraming tanong na namumutiktik sa isipan bakit ba may mga iskwater sa sariling bayan? kaya bilang makata'y pag-aralan ang lipunan kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan maraming tanong na dapat kong hanapan ng sagot habang nasa lockdown at nananalasa ang salot mabuting kumatha sa panahong nakababagot na pinag-aralang mabuti't di lang pulos hugot - gregbituinjr.

Paggawa ng yosibrik

Imahe
Paggawa ng yosibrik isa ako sa baliw na ginagawa'y yosibrik na upos ng iba'y pinupulot ko't sinisiksik sa boteng plastik at gawing matigas na ekobrik baliw na kung baliw, minsan nga utak ko'y tiwarik tapat mo, linis mo, nakasaad sa karatula basura mo, itapon mo, isa pang paalala bawal manigarilyo, limang daang piso'y multa kung di kayang maglinis, huwag magdumi, sabi pa mula sa ekobrik, yosibrik na'y isang proyekto at nasa antas pa lang ng pag-eeksperimento mangongolekta muna ng upos ng ibang tao pagkat ako naman ay di na naninigarilyo kadiri, upos ng iba, iipunin, ang sabi baka raw ako magkasakit, tulad daw ng tibi subalit naglipana na itong upos ng yosi ito'y tipunin, nang mawala sa laot o kalye paggawa ng yosibrik ay ambag sa kalinisan upang sa laot, ang upos ay di na maglutangan di makain ng isda't balyena sa karagatan tayo ba'y kakain ng isdang may upos sa tiyan? masaya nang makatulong gaano man kaliit sa kapaligira

Kung tinuruan ka

Imahe
Kung tinuruan ka kung tinuruan kang lumangoy, dapat mong manilay na makakalangoy ka't makalulutang ding tunay upang di malunod at makasagip din ng buhay ito'y kaygandang kaalamang dapat mong mataglay kung tinuruan kang bumaril, dapat mong isipin na payapang komunidad ay ganap mong tungkulin di upang walang awa kang papatay ng salarin kundi igalang ang proseso't pigilan ang krimen kung tinuruan kang bumili, pumili ng wasto may kalidad ang produkto, katamtaman ang presyo kayang magbilang ng sukli hanggang huling sentimo di bibilhin ang di kailangan, kahit pa uso kung tinuruan kang tumula, iyong isadiwa na di ito pulos panaginip at pagtunganga na di ito pawang bituin, bulaklak, diwata kundi ito'y paglagot din sa gintong tanikala kung tinuro'y karapatan, dapat kang manindigan ipabatid din sa kapwa nang ito'y ipaglaban tiyaking umiiral ang makataong lipunan at bayang walang pagsasamantala't kaapihan inhustisya't karahasan ay dapat

Kung ako'y magsusulat ng nobela

Imahe
paano ba susulatin ang asam na nobela na sa buhay na ito'y magiging obra maestra nobelang marahil ay pag-uusapan ng masa na baka maging klasiko rin sa literatura maganda nang paghahanda ang magasing Liwayway na kayraming nobelang inilathala ngang tunay ngunit sa maikling kwento muna'y magpakahusay maikli muna bago mahaba ang isalaysay dapat paghandaan ding mabuti't pakasuriin ang umpisa, gitna't pagtatapos ng inakda ring mga maikling kwentong nabasa't nais sulatin pag sanay ka na'y saka mo na ito pahabain sa dagli pa lang nahihirapan na sa pagkatha gayong mas maiksi pa sa maikling kwentong akda si Harper Lee nga'y isang nobela lang ang nalikha "To kill a mockingbird" na kinagiliwan ng madla isang nobela man lang ay magawa ng tulad ko si Amado V. Hernandez ngang makatang totoo ay may tula't dalawang nobelang isinalibro sa nobela kong gagawin, sila'y inspirasyon ko - gregbituinjr.

Ang tambayan kong palikuran

Imahe
ngayon nga'y naging tambayan muli ang palikuran upang doon isiwalat bawat nararamdaman doon ibinubuhos ang mga kaligaligan niring diwang kung anu-ano'y napagninilayan may tigisang kasilyas sa dalawang pintong iyon at sa isang silid tatambay, aba'y ayos doon habang diwa'y nasa alapaap naglilimayon na pamuli ngang naglakbay sa pusod ng kahapon magigiting ang bayaning sa bayan nga'y nagtanggol at lumaban hanggang mamatay na di nagpasukol dinidiligan bawat tanim nang binhi'y sumibol nang maging halaman o gulay o puno ng santol ang bawat kinakatha sa diwa'y nakasasabik pluma'y kayraming sinasabi kahit walang imik aalis sa palikuran nang masaya't tahimik na kwento, sentimyento't hibik na'y naisatitik - gregbituinjr.

Sinong tatapos sa aklat?

Imahe
"A writer only begins a book. A reader finishes it." - Samuel Johnson sinisimulan lamang daw ng isang manunulat yaong pagkatha ng kanyang binabalak na aklat at mambabasa na raw ang tatapos nitong sukat ang sinabi'y matalinghagang dapat ding masipat marahil, sinimulan lang ng may-akda ang katha ngunit pagtatapos ng akda'y problema pa yata kung serye sa magasin ang nobelang nililikha kung basahin ito'y mambabasa ba'y nagtatakda? kung simula pa lang ng nobela'y nakakabagot baka akdang ito'y sa kangkungan na pinupulot kung ayaw ng mambabasa ang akdang nilulumot naglathala'y malulugi't sa ulo na'y kakamot may nobelang sinaaklat na serye sa magasin "Banaag at Sikat" ay nobelang halimbawa rin inabangan ng mambabasa't kaysarap basahin matapos lang ang isang taon ay sinaaklat din marahil nga'y tunay ang sinabi ni Samuel Johnson na sa mangangathang kagaya ko'y malaking hamon isulat lang ba'y gusto o m

Libro imbes na yosi ang bisyo

Imahe
mas mabuti pang pabilhin mo na ako ng libro ngunit di mo ako mapabili ng sigarilyo pagkat pagbabasa na ang kinagisnan kong bisyo wala kasi akong mahita sa yosi o damo napayosi rin ako noong aking kabataan dahil naman sa pakikisama o barkadahan subalit bisyong iyon ay agad kong napigilan nang mapasama sa kilusang makakalikasan sayang lang ang pera sa usok, sabi sa sarili wala ngang pambili ng kanin, usok pa'y bibili? mas mabuti pa ang ensaymada't busog ka dine at pagbabasa'y naging bisyo kong kawili-wili bagamat biniling libro'y di agad nababasa binili iyon na pamagat at paksa'y kayganda minsan isa o dalawang kabanata lang muna mabuti na ang ganito't nakakapagbasa pa - gregbituinjr.

Halina't maglaro ng sudoku

Imahe
matapos magbasa't magsulat, o magtanim kaya matapos mag-ekobrik, magdilig man, o maglupa maglalaro na ng sudoku sa selpon kong luma animo'y matematika itong kahanga-hanga tunay nga bang sudoku'y inimbento ng Igorot dahil balangkas nito'y parang sa sundot-kulangot pagkain sa kawayan at baong tamis ang dulot siyam na hilerang tila sudoku pag sinundot mula SUnDOt-KUlangot ay tinawag na sudoku habang nasa kwarantina'y nilalaro-laro ko di pa magastos na di tulad ng sudokung libro na kailangan pang bilhin upang maglaro nito may app ng sudoku, i-download mo sa iyong selpon at laruin matapos ang gawain sa maghapon magandang pangrelaks, pumokus, bilisan ang aksyon huwag lang hayaang sarili mo'y dito magumon - gregbituinjr.

Ekobrik ang libingan ng mga plastik

Imahe
Ekobrik ang libingan ng mga plastik sa lahat ng mga plastik, libingan n'yo'y ekobrik panawagang sa boteng plastik na kayo isiksik ito ang maaaring gawin sa lahat ng plastik lalo't naglipana na sila, anong iyong hibik? mamangka ka sa dagat, ang plastik nga'y naglutangan malapit sa amin ang Manila Bay, iyong tingnan hinampas ng alon ang plastik sa dalampasigan akala ito'y pagkain ng isdang nagbundatan may dapat tayong gawin upang ilibing ang plastik huwag sa laot pagkat mata ng isda'y titirik mayroon din daw microplastics na kahindik-hindik na di na malaman kung saan-saan nakasiksik ilibing ang mga plastik ng pinagkainan mo kung nais mo'y isama ang mga plastik na trapo i-ekobrik lalo't mga plastik ang mga ito nang di na lumutang sa dagat at makaperwisyo - gregbituinjr.

Nakarami na rin ako ng nagawang ekobrik

Imahe
nakarami na rin ako ng nagawang ekobrik sa boteng plastik ay pinagsikapan kong isiksik ekobrik ay libingan na ng laksa-laksang plastik ekobrik ay libangan ko na ring nakasasabik kayraming naipong plastik habang may kwarantina pinatitigas na parang bato, pindutin mo pa pag binato ng plastik ni misis, masakit pala parang haloblak ang ginawang ekobrik, ano ba? isang tulong na rin ito sa ating kalikasan upang basura'y mabawasan sa kapaligiran isang ekstrang gawain man ito'y pinagsikapan upang makatulong din sa kapwa't sa sambayanan ang naipong plastik sa malaking bag na'y naubos ang basura'y di napunta sa laot, nakamenos pakiramdam mo'y masaya't nakatulong kang lubos ginawa sa panahong kwarantina kahit kapos - gregbituinjr.

Ingat, baka matibo

ingat, baka matibo, ang sabi ng aking pinsan nang minsang kami'y naglalakad doon sa tubuhan may tibo raw na anong liliit sa sa dahon niyan na dapat ko raw iwasan upang di masugatan dahil doon, maraming salamat sa kanyang payo kaya sa masukal, nag-iingat ng taos-puso di lang sa ahas mag-ingat kundi pati sa tibo pagkatakot sa madadawag ay agad naglaho kaya kahit mapunta ako sa ibang probinsya mag-ingat sa madadawag ay ginagawa ko na mahirap maisahan, kahit tibo lang ay isa aaringking ka sa sakit, buong araw na dusa may lason man o wala, pag sa balat mo'y tumusok kung kagat man ng langgam iyon ay di ko pa arok magandang pagsasanay nang makaiwas sa tusok maging maingat saan mang mapasuot na sulok - gregbituinjr.

Paninilip

naninilip siya sa butas nang aking mahuli ngunit di siya umaamin, walang sinasabi upang malaman ang totoo'y sisilip din dini upang magkasala rin ako't dalawa na kami paano kung ako'y pagbintangan ding namboboso o kaya'y nagmamanman siya't may ibang sikreto depende marahil sa lugar o katayuan n'yo kung matatakasan agad ang sitwasyong ganito bakit nga ba may masasaya kapag naninilip dahil ba pulos libog ang nadama't naiisip o baka tumatayo na kapag nananaginip kaya dapat ilabas ang kung anong halukipkip sana'y walang mangyaring masama sa binosohan sana'y hanggang silip na lang ang kanyang maranasan huwag na sanang sumobra't lumampas sa hangganan at panatilihin na lamang ang kapayapaan - gregbituinjr.

Nagagalit sa sarili

nagagalit sa sarili pag ako'y pumapalpak di ko sinisisi ang asawa ko't mga anak o kahit kaibigan, kakilala, kamag-anak sarili lang ang sisisihin pagkat ako'y tunggak bakit iba'y sisisihin sa pagkakamali ko sila nga ba ang talagang nagkamali o ako mahirap bang sa sarili'y tanggapin ang mali mo tatanggapin ko ang mali upang makapagwasto ilang beses na rin ba akong gumapang sa lusak ilang beses na sa pagkilos muntik mapahamak ilang beses nang nakatikim ng suntok at tadyak ilang beses na rin ba akong gumanti't nanapak kapalpakan ko ba'y maisisisi ko sa iba o sarili'y pakasuriin at mag-analisa magwasto upang makapaglingkod pa rin sa masa sarili'y ayusin kung narito ang diperensya nangyari'y pagnilayan, magwasto kung kailangan magpakatao ka pa rin sa harap ng sinuman makipagkapwa, di man makatao ang lipunan gawain at tungkulin mo'y pagsikapang galingan - gregbituinjr.

Tanong ni esmi

ano na namang iniisip mo, tanong sa akin ang laman ng isip ko'y kayhilig niyang tanungin nagagambala tuloy ang pagninilay sa hangin lumilipad na naman ang isip sa papawirin ano bang nasa isip ko habang nakatunganga? kayhirap bang sagutin, o nasa isip ko'y wala? iniiba ko ang usapan, may panibagong paksa ano bang lulutuin ko, anong ulam mamaya? kahit di naman iyon ang talagang nasa isip baka kakatha o may diwata sa panaginip baka sa gilid ng balintataw ay may nahagip baka prinsesa'y nasa panganib, dapat masagip tanong sa akin, ano na namang iniisip mo? o bakit sa ganyang klaseng tanong, ako'y kabado? dapat bang laging may handang sagot na inimbento? tortyurer ko ba siya nang ako'y nakalaboso? ano bang lulutuin, anong ating uulamin? handang tugon, eh, paano kung tapos nang kumain? at pipikit na, ewan ko, paano sasagutin pagkat di ko alam anong bigla kong sasabihin marahil, nasa isip ko'y mababasa sa akda biyograpiya raw ng makata'y na

Dahil walang pagemaker, ginamit ko'y microsoft word

sa paggawa nga ng dyaryo, pagemaker ang gamit ko ngunit sa mga computer shop ay wala na ito kaya microsoft word na'y gamit ko sa pagdisenyo ng pahayagan, ng magasin, maging ng polyeto isulat muna sa papel ang iyong inaakda para handa na pag sa kompyuter ka na nagtipa pag may wifi, pwedeng sa facebook sa selpon gumawa pag nasa kompyuter na, saka kopyahin ang katha nakaplano na sa isip ang buong pahayagan isulat sa notbuk bawat pahina't nilalaman ige-grayscale mo sa internet ang mga larawan ilagak sa facebook group o i-email lahat iyan saanmang computer shop, microsoft word ay laganap sulatin mo'y i-download sa facebook o email na app o i-copy paste muna sa notepad ang iyong na-tayp mula notepad sa microsoft word, ilipat mong ganap i-column sa isa, dalawa, batay sa disenyo parang pagemaker pero microsoft word ang gamit mo batay sa plano, ilagay mo ang teksto't litrato pag natapos na'y tiyaking mai-p.d.f. ito i-u.s.b. ang p.d.f. file, pag may p

Kung walang kompyuter, magdisenyo sa selpon

kailangang sadya ng matinding pagtitiyaga kung selpon lang ang iyong gamit sa bawat pagkatha buti't may app na pwede kang magdisenyo't lumikha ngunit app ay araling mabuti nang maunawa kung walang laptop at walang bukas na computer shop malaking tulong sa gawain ang na-download na app microsoft word, gmail, notepad, mada-download mong ganap photo editor, wordpress, sa internet nga'y laganap lalo't kwarantina, wala kang anumang magamit kundi selpon lang, oo, selpon lang na anong rikit saan ka man pumunta ay madali mong mabitbit dapat lang magtiyaga kung gusto'y nais makamit huwag kang maaburido, matutong magtiyaga teknolohiya'y maraming hinahain sa madla aralin ang app, paisa-isa't may magagawa huwag mainip, selpon man, maraming malilikha - gregbituinjr.

Kwento ng pagkamulat

nagisnan ko ang liwanag sa aking mga mata mula sa pagkahimbing ay dumatal ang umaga tila sikat ng araw ay panibagong pag-asa habang kinakaharap ang laksang pakikibaka namulat akong di magkapantay ang kalagayan ng samutsaring tao sa kinagisnang lipunan tanong ko: bakit may mahirap, bakit may mayaman sistema'y inaral upang di magulumihanan di ko mawari bakit ganito sa bayan natin dapat ang lipunang ito'y suriin at baguhin mayaman ang mapagsamantala't mapang-alipin gayong dukhang inaapi'y mga kapwa tao rin "Iisa ang pagkatao ng lahat," ang sabi nga ni Gat Emilio Jacinto na bayaning dakila dahil dito'y hinanap ang diwang mapagpalaya hanggang aking makasama ang uring manggagawa nagsuri't aking natutunan ang kanilang layon sila pala'y may dakilang papel upang bumangon ang mga api't pinagsasamantalahang nasyon prinsipyo ng uring manggagawa, ito ang tugon dahil sa kanila'y namulat ako't naririto prinsipyo't misyon

Kwento ng pagkabulag

nawala na ang liwanag sa aking mga mata di na mapagmasdan ang mga tanawing kayganda di na rin masilayan ang magagandang sagala ang mga nasa isip ay di na rin maipinta pakiramdam ko, tila ba daigdig na'y nagunaw pati pakikipagkapwa tao'y di na matanaw na panlipunang hustisya'y may tarak na balaraw totoo pa'y kayraming batang sa tokhang pumanaw di ko lubos maisip bakit dapat pang mabulag gayong mata'y iningatan lalo't nababagabag kayraming krimeng naganap at batas na nilabag pati na karapatang pantao'y pupusag-pusag buti't bulag na di kita ang karima-rimarim na pulos krimen, pagpaslang, korupsyon, paninimdim sakaling makakita muli't di sanay sa dilim nawa'y may hustisya pa rin sa kabila ng lagim - gregbituinjr.

Bihirang magkape

bihira pa rin akong magkape, tulad ng dati nagtitipid ng panggastos kaya di nagkakape maliban kung may mag-alok sa pulong at nagsabi ngunit di na magkakape kung ako pa'y bibili lalo ngayong kwarantina, si misis ay mahilig magkape kaya napapakape rin ang makisig dapat nang magtipid ngayong panahon ng ligalig kaya nagkakasya na lang sa mainit na tubig kung sanay kang magkape, umaga, tanghali, hapon gabi, di na ito basta-basta magawa ngayon walang sahod, walang pambili, at walang limayon buhay-lockdown na ito, tipid-tipid pag naglaon masarap namang magkape lalo't kapeng barako nagpapaaraw sa umaga't nageehersisyo subalit sa panahong ang sitwasyon ay ganito may dahilang maging kuripot, nasa lockdowan tayo - gregbituinjr.

Patuloy ang page-ekobrik kahit umuulan

Imahe
patuloy ang page-ekobrik kahit umuulan kaylakas ng tikatik, aba'y nagraragasaan animo'y may demolisyon, yero'y nag-aangasan habang nage-ekobrik ay patuloy sa paggampan matagal maggupit, daliri rin ay nangangalay dapat din, loob ng plastik ay malinisang tunay punasan ng basahan o banlawan at isampay walang latak ng pagkain ang plastik na ginutay mga ginupit ay ipapasok sa boteng plastik dapat malinis upang walang mikrobyong sumiksik dapat di rin basa, patpat na kahoy ang paniksik gagawing sintigas ng bato ang bawat ekobrik habang kwarantina, sa page-ekobrik tumutok doon ililibing ang plastik na di nabubulok mai-ekobrik din kaya ang mga trapong bugok dahil mga plastik din itong nakasusulasok - gregbituinjr.

Ngitngit ng kalikasan

Imahe
kanina'y tirik ang araw, subalit nagbabadya ang pagbuhos ng malakas na ulan, biglang-bigla sa yerong bubong tila bato'y nagbagsakang lubha sa nangingitim na ulap ay biglang kumawala ibinuhos na ng kalikasan ang kanyang ngitngit lalo't usok ng coal-fired power plants ay abot-langit nang mapuno ng plastik ang dagat, nakakagalit kalikasan ay nagwala't sa lupa gumigitgit tuwang-tuwa naman ang magsasaka't nadiligan ang mga tanim niyang nilinang sa kabukiran habang animo'y basurahan ang mga lansangan nagbaha pagkat sa kanal, plastik na'y nagbarahan biktima ng ngitngit ng kalikasan ay tayo rin batas ng kapaligiran ay alamin at sundin huwag mo nang dumihan kung di mo kayang linisin kalikasan ay buhay kaya alagaan natin - gregbituinjr.

Bakit nga ba marami raw pasaway sa Maynila

Imahe
Bakit nga ba marami raw pasaway sa Maynila bakit nga ba marami raw pasaway sa Maynila habang lockdown, laging iyon ang nababalita dahil ba pasaway talaga ang taga-Maynila o malapit kasi roon ang tagapagbalita palibot ng Maynila ang mayorya ng masmidya nasa Lungsod Quezon, Pasay, Makati, at saan pa sa Malabon at Navotas ay swerteng makapunta sila'y nasa sentro ng pulitika't ekonomya nasa Maynila ang Malakanyang, ang nasa rurok ng gobyerno, at pasaway din ba ang nasa tuktok laki akong Maynila, sa distrito ng Sampaloc kaya minsan naaamoy ang nakasusulasok nasa Maynila rin ang matatandang kolehiyo ang U.S.T., pinagdiwang na'y pang-apat na siglo ang Letran ngayong apatnadaang taon na nito pati ang La Salle, Mapua, San Beda, Ateneo ang Kongreso'y nasa Q.C., Senado'y nasa Pasay sakop ng Metro Manila, sila rin ba'y pasaway ang totoo, nasa Maynila ang masmidyang hanay kaya balita pag nilatag ay pambansang tunay nasa Maynila ang balita, napapa

Gisingin mo ako sa tagal nang pagkakahimbing

Imahe
Gisingin mo ako sa tagal nang pagkakahimbing gisingin mo ako sa tagal nang pagkakahimbing na diyosa ng kagandahan ang aking kapiling na kasama ko'y prinsesa mula sa toreng garing na baka pantasyang ito'y tunay pag di nagising sasabihing ako'y binangungot ng kagandahan na isa palang diwata ang aking nakatipan habang ako'y dalitang kapiling ng kagipitan na ginhawa ng bayan ko ang tanging kasagutan mutya'y naglalayag sa diwa ng abang makata na tila bilanggong nakagapos sa tanikala na sa pagkakahimbing ay tila di makawala na tanging saksi sa kanya'y ang lobong maninila dapat na akong magising, mayroon pang labanan tulad kong mandirigma'y dapat handa sa digmaan kasama'y hukbong mapagpalaya sa sagupaan tunggaliang dapat na naming mapagtagumpayan - gregbituinjr.

Ayokong maging pabigat

Imahe
Ayokong maging pabigat A yokong maging pabigat, ito ang aking hiyaw Y ayao akong di pabigat sa mundong ibabaw O o, nagsusuri akong may ibang natatanaw K umilos man akong may batong pasan bawat araw O , kung wala kang pag-ibig sa kapwa kung sakali N akibaka ka kaya upang obrero'y magwagi? G inhawang asam ng uring manggagawa ang binhi M aghandang buwagin ang sistemang mapang-aglahi A ktibista akong may adhikaing sinimulan G inagampanan kong lubos ang tungkuling pinasan I niisip ang kapakanan ng masa't samahan N g uring manggagawa, ng dukha, di ng iilan G ising ang diwa sa samutsaring isyu't problema P agkamulat ko'y mula sa uring obrero't masa A t nangangarap baguhin ang bulok na sistema B isig ko't kamaong kuyom ay tanda ng pagbaka I big kong mag-ambag sa ginhawa ng kapwa tao G aya ng pangarap ng dakilang Katipunero A yokong maging pabigat, buhay ko ang ambag ko T atahakin ang landas ng lipunang makatao - gregbituinjr. 05.10.2020

Happy Mother's Day! - a Tagalog poem

Imahe
H appy Mother's Day, pagpupugay sa lahat ng nanay! A nak po'y naritong nagpapasalamat ng tunay! P agkat kayo'y inang mahal! Mabuhay po! Mabuhay! P angarap po namin ay naabot dahil sa inyo Y amang pagmamahal ninyo sa anak ay solido M ahal po namin kayo! Kami sa inyo'y saludo! O , inay, na nag-alaga mula sinapupunan T igib ang pag-aaruga sa anak nang isilang H eto kaming tumatag para sa kinabukasan E spesyal pong araw na ito. Happy Mother's Day po! R amdam itong pagpapahalagang mula sa puso S a inyo, pagmamahal namin ay di maglalaho! D ahil sa inyo, matatag at may dignidad kami A t pinag-aral, pinangaralan hanggang paglaki Y amang kayong aming magulang ang aming bayani - Greg Jr. and Liberty 05.10.2020

Sa ika-202 kaarawan ni Karl Marx

Imahe
SA IKA-202 KAARAWAN NI KARL MARX (Mayo 5, 1818 - Marso 14, 1883) mabuhay ka, Karl Marx, at ang iyong mga sinulat na sa uring manggagawa'y sadyang nakapagmulat di pagkapantay sa lipunan ay iyong inugat at teorya mo't pagsusuri sa mundo'y kumalat kasama si Engels ay nagsulat ng manipesto at inyong sinuri ang sistemang kapitalismo tinalakay bakit dapat mamuno ang obrero upang panlipunang hustisya'y makamit ng husto ugat ng kahirapan ay pribadong pag-aari sinuma sa isang pangungusap: dapat mapawi! pagsasamantala'y tiyaking di na manatili at buong uring manggagawa ang dapat magwagi salamat, Karl Marx, sa obrang Das Kapital, mabuhay! sa iba mo pang akdang inaaral naming tunay sa iyong ambag upang lipunan ay maging pantay sa kaarawan mo, taas-kamaong pagpupugay - gregbituinjr. 05.05.2020

Tula sa World Press Freedom Day

Imahe
Tula sa World Press Freedom Day W orld Press Freedom Day, araw ng malayang pagpahayag O o, araw din ito ng mga mamamahayag R inig mo ba kung kalayaang ito'y nilalabag? L alo't ginigipit ang mga tinig na matatag. D amhin mo't suriin ang ating abang kalagayan P aano lulunasan ang suliranin ng bayan R amdam mo ba ang problema't daing ng mamamayan? E , kung karapatan na natin ang sinagasaan? S a aming nayon ay may kalayaang magsalita S a inyong lungsod, bakit bingi ang namamahala? F reedom of the press, na panlaban natin sa kuhila R inig ko'y armas din ito ng inaaping dukha E spesyal na araw na di lang para sa masmidya E , kung gayon, para rin ito sa obrero't masa D iktadura'y naibabagsak kahit ang mapera O o, ito'y armas laban sa mapagsamantala M ay World Press Freedom Day na dapat nating gunitain D ahil sinikil noon ng diktadura't salarin A tin ding pagpugayan ang mga bayani natin Y amang ito'y pinaglaban nila para sa ati

Hindi ako tambay

Imahe
Hindi ako tambay H indi ako naging tambay na walang ginagawa I sang araw laging may isa o higit pang tula N agsusulat din ng sanaysay, kwento't ibang akda D iyata't ito ba'y tambay kahit nakatunganga? I niisip ang paksa, nakatunganga sa langit A t mamaya lang, diwa'y kayrami nang naiguhit K athang samutsari mula suri't danas na bitbit O bra maestrang sana'y may gantimpalang makamit T ambay ay tagay ang madalas na inaatupag A nak ay pababayaang pang umiyak magdamag M aghapong nasa inuman, asawa'y binababag B akit nais pa niyang tumambay, ayaw magsipag? A ko'y di naging tambay, sa langit tumunganga man Y amang inaakda'y pamana sa kinabukasan. - gregbituinjr. 05.03.2020 (uri ng tula: soneto at akrostika)

Pag nawalan ka na ng prinsipyo, di ka na tao

Imahe
pag nawalan ka na ng prinsipyo, di ka na tao ang sarili mo'y ikinumpara mo na sa aso bahag ang buntot at laging nakasuso sa amo na tulad din ng mapagsamantalang tuso't trapo nakahimod lagi sa tumbong ng kapitalismo - gregbituinjr.

Sa bahay muna tayo

Imahe
Sa bahay muna tayo Sa panahong nananalasa pa ang COVID-19 Ang kaligtasan ng bawat isa'y isipin natin. Bahay daw muna tayo habang nasa kwarantina Ang coronavirus sa mundo pa'y sumasalanta Hatid nito'y sakit, lungkot, kamatayan at dusa Atin ding pag-ingatang di mahawa ang pamilya Yamang lunas dito'y di pa matagpuan ng syensya. Manatili sa bahay ang ambag natin sa bayan Upang di magkasakit ang pamilya't ang sinuman Ngunit gutom ng masa'y dapat pa ring malunasan At nang sa kanilang bahay na'y di magsilabasan. Tahanan ang kanlungan habang may coronavirus At dito muna tayo habang lockdown ay di tapos Yaong bawat pamilya nawa'y di pa kinakapos O, hanggang saan ang problemang ito'y di matalos. - gregbituinjr. 05.02.2020

Maging makatao habang lockdown

Imahe
bigyan mo ng face mask ang walang face mask na "pasaway" pagkat botika'y naubusan ng face mask, pasaway imbes baril sa kaluban, alkohol ang ilagay huwag agad bugbugin ang lumabas  lang ng bahay parang sardinas na sa loob ng bahay, kay-init hayaang sa labas ng bahay, makahingang saglit papasukin mo agad at huwag basta magalit at sa pangulong may sayad, huwag basta pagamit solusyon niya sa problema'y "patayin ko kayo" pulos pananakot, palibhasa'y sira ang ulo di marunong gumalang sa karapatang pantao laging naglalaway sa dugo ang drakulang ito di ba't COVID-19 ang kalaban, di mamamayan kaya respetuhin nyo ang pantaong karapatan kung sa mga tuligsang tula ko'y maasar ka man sisihin mo'y sarili mo't ang iyong kagagawan patuloy kong tutuligsain ang tuso't kuhila santong burgesyang tingin sa sarili'y pinagpala di sasantuhin ng pluma kahit mayamang lubha subalit mapagsamantala sa mga kawawa - gregbituinjr.

Mensahe sa tilaok

sa bawat pagtilaok ng tandang tuwing umaga animo'y nagsasabi siyang may bagong pag-asa na minsan di mo matingkala ang naaalala habang may nasusulyapan sa gilid nitong mata nagising na ang Haring Araw, ating salubungin ang bagong umaga ng may magandang adhikain kahit na puso't diwa'y puno ng alalahanin kung paano harapin ang salot na COVID-19 tilaok ng tandang ba'y iisa lang ang mensahe? pagbati ng magandang umaga ang sinasabi? sa binibini, sa ginoo, kahit sa tutubi na di raw dapat magpahuli sa mamang salbahe baka maraming mensahe ang kanyang pagtilaok gumising na kayo, baka mahuli sa pagpasok maghanda na kayo't sa gawain ay magsilahok ako'y gutom na, may palay ba kayo? anang manok - gregbituinjr.

Kahit nasa lockdown ngayong Mayo Uno

Imahe
Kahit nasa lockdown ngayong Mayo Uno kahit nasa lockdown, panawagan ko'y magkaisa ang buong uring manggagawa kasama ng masa maging organisado, maging malakas na pwersa sa lipunan, kayong tagalikha ng ekonomya taas-kamaong pagpupugay sa uring obrero taas-noo ring sumasaludo sa proletaryo halina't itaas natin ang kaliwang kamao kamanggagawa't mga kauri, mabuhay kayo! halina't baklasin na ang pribadong pag-aari pagkat ugat ng kahirapan ng dukha't kauri itayo ang lipunang makataong ating mithi na walang nagsasamantala't walang naghahari ngayong Mayo Uno ay muli nating panindigan ang mga prinsipyo't adhikang ating nasimulan at lupigin ang burgesya, naghahari't gahaman habang itinatayo ang makataong lipunan - gregbituinjr. 05.01.2020

Soneto ngayong Mayo Uno

Imahe
Soneto ngayong Mayo Uno N gayong Mayo Uno, taas-kamao sa obrero G inagawa ninyo'y dapat lamang bigyang-saludo A ng bumubuhay sa ekonomya ng bansa'y kayo Y inayari ninyo'y tunay ngang para sa progreso O o, ngayong Mayo Uno, paggawa'y ipagdiwang N a karapatan ng manggagawa'y dapat igalang G umigising sa umaga, nagtatrabaho hanggang M akakaya, otso oras o may obertaym man lang A samin nating silang imortal ay maghimagsik Y amang pinagsasamantalahan ng tusong switik O , manggagawa, kayo'y magkaisa, aming hibik U pang itayo ang lipunan ninyong natititik N awa, kahit lockdown, makita ang pagkakaisa O rganisadong manggagawa'y malakas na pwersa - gregbituinjr. 05.01.2020