Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2019

Build, Build, Build, o PagkaBULID sa dilim?

Imahe
BUILD, BUILD, BUILD daw itong programa ng pamahalaan bakit nangyari'y BULID, BULID, BULID sa karimlan bakit kayrami nang pinaslang sa sawi kong bayan bakit walang proseso o paglilitis lang naman BUILD, BUILD, BUILD ngunit nangyayari'y BULID, BULID, BULID kayrami na nilang sa karimlan ay ibinulid habang tatawa-tawa lang ang mayayamang ganid habang tumatangis ang mahihirap na kapatid Kill, Kill, Kill muna, tapos ay BUILD, BUILD, BUILD ang programa basta pinapaslang ang mahihirap na puntirya nahan ang wastong proseso, due process sa biktima? nahan ang tamang paglilitis, nahan ang hustisya? ang buhay ng dukha'y paano ba nila mabi-BUILD kung pulos tulay at kalsada ang laging bini-BUILD dapat wakasan ang sa dilim biglang pagkaBULID dapat PANLIPUNANG HUSTISYA'y kanilang MABATID! - gregbituinjr.

Kinalabosong upos

Imahe
KINALABOSONG UPOS K ita nyo bang sa dagat, mga upos na'y nagkalat? I katlo raw ito sa laksang basura sa dagat N aisip nyo bang sa upos, mga isda'y bubundat? A t pagkamatay nila sa upos sa budhi'y sumbat L agi nating isipin ang buti nitong daigdig A ng dagat na'y nasaktan, pati pusong pumipintig B asurang nagkalat sa kalamnan niya'y yumanig O , dapat itong wakasan, tayo'y magkapitbisig S imulan nating sagipin ang ating karagatan O  kaya'y mag-umpisa sa ating mga tahanan N aglipanang upos ay gawan natin ng paraan G umising na't magsikilos para sa kalikasan U pos ay kinulong ko sa bote bilang simula P ag dagat ay pulos upos, mga isda'y kawawa O o, ito'y pagkain, aakalain ng isda S umpa iyang upos sa dagat, problemang kaylubha -gregbituinjr.