Paglalakbay sa Quiapo
PAGLALAKBAY SA QUIAPO ni Gregorio V. Bituin Jr. 15 pantig bawat taludtod tigib sa pakikipagsapalaran ang Quiapo tila ba lahat ng lansangan ay doon patungo pagkat ito'y sentro ng makasaysayang pangako ng mga namamanatang may pusong nagdurugo ang ngalan nito'y halamang ilog ang pinagmulan maraming paroo't parito, mataong lansangan karamihan ay patungo sa tanyag na simbahan umaasang mapatawad sa mga kasalanan puno ng tao ang simbahan ng Bathalang Itim habang sa gilid nito'y tindahan ng anting-anting maglakad kita't kayraming panturistang tanawin mga kalinangan ng iba't ibang bayan natin sa pusod nito'y naroroon ang Plaza Miranda isang malayang parisukat ng nakikibaka lunsaran ng mga rali't talumpati ng masa na pinasabugan noong panahong diktadurya Quiapo'y sentro ng kalakalan ng mahihirap bagsakan ng murang produkto, bungang masasarap nakakabili ng tingi, baratin ang kausap listo ka't baka pera mo'y palitan ng kahara