Mga Post

Warfarin

Imahe
WARFARIN tila mula sa warfare ang warfarin at kasintunog naman ng 'war pa rin' ngunit ito'y sistema ng pagkain sa ospital anong wastong kainin lalo kay misis, sakit ay kaiba na may namuong dugo sa bituka na doktor ay nabahala talaga kaya kaagad siyang inopera walang kain ng isang linggong higit hanggang unti-unti kumaing pilit di tulad ng kinakaing malimit binigay sa kanya'y warfarin diet pwede lugaw, walang kanin at manok no dark colored, malambot ang malunok may paliwanag bawat tray na alok dapat maunawa, ito'y maarok warfarin, sa bituka yaong digma upang pagalingin ito ng sadya sa pagkain sistema'y tinatama unti-unti, sakit ay mapahupa - gregoriovbituinjr. 11.22.2024

Krosword na Ingles, nasagutan din

Imahe
KROSWORD NA INGLES, NASAGUTAN DIN inaamin ko, nagsaliksik ako sa internet, pagkat sinagutan ko ang palaisipan ng  The New York Times na nalathala sa  The Manila Times krosword sa Ingles ay nabuo ko rin interes dito'y nabigyan kong pansin sa tulong ng internet sayt na  DanWord ay nasagutan ang Ingles na krosword habang nagbabantay pa sa ospital at kalamnan ko't diwa'y napapagal sudoku't krosword na'y naging libangan at Ingles na krosword ay natsambahan di ko akalaing ito'y magawa pagkat sa Pinoy krosword lang nahasa naglilibang sa ganitong panahon bantay kay misis magdamag, maghapon - gregoriovbituinjr. 11.21.2024 * palaisipan mula sa The Manila Times, Nobyembre 21, 2024, p.C3

Book Sale

Imahe
BOOK SALE laking  National  at laking  Book Sale kayraming librong dito'y nabili sa aklat ay di ako mapigil lalo't diyan ako nawiwili ngunit may ulat na magsasara ang  Book Sale  na aking kinalakhan sa  MegaMall , pwesto'y nalipat na sa  Letre 'y   tinanggal nang tuluyan sa  Farmers  at  Fiesta Carnival ang  Book Sale  pa nila'y nakatayo sana patuloy sila't magtagal  sila'y umiral pa't di maglaho sa pagbabasa ako nag-ugat kaya salamat sa mga libro lalo sa  Book Sale , mura ang aklat binili't binabasa-basa ko - gregoriovbituinjr. 11.20.2024 * dalawang unang litrato mula sa mga balita sa fb * ikatlong litrato ay kuha ng makatang gala sa isang Book Sale branch

Paalam, Aegis Mercy Sunot

Imahe
PAALAM, AEGIS MERCY SUNOT taginting ng boses mo'y nanunuot sa puso't diwa'y di nakababagot tinig mong kapanatagan ang dulot subalit wala ka na,  Mercy Sunot kami'y taospusong nakikiramay  sa pamilya mo, O, idolong tunay sa Aegis, taospusong pagpupugay sa mga narating ninyo't tagumpay mula nang mapakinggan ko ang  Aegis hinanap ko na ang awit n'yo 't boses ginhawa sa puso'y nadamang labis bagamat nawala na ang vocalist  subalit mananatili ang tinig sa aming henerasyon nagpakilig Mercy , patuloy kaming makikinig sa inyong awit at kaygandang himig - gregoriovbituinjr. 11.20.2024 * litrato mula sa isang fb reel

Meryenda

Imahe
MERYENDA hopya ang nabili ko sa 7/11 sa tapat ng ospital upang meryendahin may handa namang pagkain sa silid namin pag di kinain ni misis, akong kakain anumang sandali, pag ako'y nagutom na maghahanap na ako kung anong meryenda iiwang walang bantay si misis tuwina lalabas ng ospital, tawid ng kalsada pangdalawampu't siyam na araw na rito mamaya, gagawin sa kanya'y panibago endoscopy at colonoscopy raw ito na sana sa colon cancer ay negatibo animo, hopya yaong sa amin ay saksi sa kwartong iyon, hopya ang aking kakampi habang di palagay, sa ligalig sakbibi di panatag ang loob sa araw at gabi - gregoriovbituinjr. 11.20.2024

Pagngiti

Imahe
PAGNGITI palaging ngumiti, ang payo sa cryptogram na isang palaisipan sa pahayagan dahil bĂşhay daw ay isang magandang bagay at kayraming dapat ngitian nating tunay cryptogram ay sinasagutan sa ospital habang nagbabantay sa asawa kong mahal higit tatlong linggo na kaming naririto bukod sa pagtula, libangan ko'y diyaryo ang pinayo ni  Marilyn Monroe  sa atin tayo'y laging ngumiti, oo,  Keep Smiling subalit sa sakit ni misis ba'y ngingiti ngingiti sa labas, loob ay humihikbi makahulugan ang payo ng seksing aktres ngumingiti ako pag kaharap si misis upang ngiti rin niya'y aking masilayan kahit siya'y nasa banig ng karamdaman - gregoriovbituinjr. 11.19.2024 * "Keep smiling, because life is a beautiful thing and there's so much to smile about." ~ Marilyn Monroe * larawan mula sa pahayagang Philippine Star, Nobyembre 19. 2024, pahina 9

Barya lang po sa umaga

Imahe
BARYA LANG PO SA UMAGA nakasulat: /  barya lang po  /  sa umaga habang aking / tinatanaw / ang pag-asa na darating / din ang asam / na hustisya lalo't iyon / ang pangarap / nitong masa habang sakay / ng traysikel / ay nagtungo roon upang / tupdin yaong / pinangako naglilingkod / pa ring buo / ang pagsuyo inaasam / na di basta / lang maglaho mapanatag / ang kanilang / puso't diwa sa maraming / isyu't asam / ay ginhawa kasama ng / maralita't / manggagawa kapitbisig / sa layunin / at adhika may  "feet off please"  / pang kanilang / bilin dito kaya ito'y / sinunod ko / ngang totoo buti't bulsa'y / may barya pang / naririto pinambayad / sa drayber ng / sinakyan ko - gregoriovbituinjr. 11.19.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/vXzAaYN0fk/  

Sa mga nag-ambag ng tulong

Imahe
SA MGA NAG-AMBAG NG TULONG sa panahong ito ng kagipitan ay naririyan kayong nag-ambagan nagbigay ng inyong makakayanan nang lumiit ang aming babayaran magmula petsa Oktubre Bente Tres nasa ospital na kami ni misis na sa kanyang sakit ay nagtitiis dal'wampu't pitong araw na, kaybilis bagamat nangyari'y nakaluluha sakit ay tinitiis niyang sadya ay gagawin ko ang kayang magawa upang sakit niya'y di na lumala tulad ng paghinging tulong sa inyo pati paglalakad ng dokumento sa mga pulitiko, PCSO sa ibang malalapitang totoo sa lahat ng nag-ambag ng tulong po pasasalamat nami'y buong-buo nang si misis sa sakit ay mahango pasasalamat nami'y taospuso - gregoriovbituinjr. 11.18.2024

Dagdag dugo muli

Imahe
DAGDAG DUGO MULI mababa na naman ang kanyang hemoglobin  di pa abot ng otso, nasa syete pa rin dapat ay dose, ang normal na hemoglobin  kaya isang bag pa ng dugo'y isinalin pandalawampu't limang araw namin doon sa ospital, at nagninilay pa rin ngayon  bakit ba laging mababa ang antas niyon kaya ngayon, muling ginawa'y blood transfusion  umaasa pa ring gagaling din si misis mula sa sakit niyang kaytagal tiniis problemang kinakaya kahit labis-labis animo'y tinik sa dibdib na di maalis kalagayan ni misis nawa'y bumuti na at hemoglobin niya'y mag-normal na sana - gregoriovbituinjr. 11.17.2024 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://fb.watch/vVGAOey08J/  

Palaisipan at payo

Imahe
PALAISIPAN AT PAYO lahat ng problema'y may kasagutan kumbaga sa tanong, sinasagutan tulad din ng mga palaisipan salita'y hanapin ang kahulugan nagpapayo sa mga problemado bata, matanda, karaniwang tao bigyang tugon ang mga tanong nito na pinag-iisipan ding totoo sa payo't palaisipan, salamat pagkat kayrami nang nadadalumat samutsaring damdamin, dusa, sumbat ligalig, lungkot, paghihirap, gulat tara, krosword ay atin ding laruin pagkat ito'y malaking tulong na rin baka payo nila'y payo sa atin talastasan itong dapat alamin - gregoriovbituinjr. 11.17.2024 * litrato mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Nobyembre 17, 2024, p.10